Chapter 13: Unpredictable Emotions

Start from the beginning
                                        

Ganito ba yun pag sinabing kaladkarin ang babae?

Eto na ba yun?? Tae ah!

“Mahilig ka ba sa Anime?” ang weirdong tanong ni Marco.

“Huh?”

“Ang sabi ko, mahilig ka ba sa anime?? Kailangan pa bang ulit ulitin Concepcion??” oo na oo na! Nagets ko na!

“Mejo about san ba yun?”

“Flame of Recca. Alam mo yung opening song nun diba??”

Tumango ako. Yown lang pala eh! Pati Plucking nun sa gitara panis sa akin un! Alam na alam ko yun!

“Tara sa auditorium!” ang sabi ni Marco. Anu ba yan? State of calamity na ba at panic mode ang mukha ng halimaw?

“Ui may klase pa ako! Anu ba yan!”

Hinawakan niya ang kamay ko. Grabe, nakakahiya ata yung kamay ko kasi mejo namamawis na sa hiya! Wahaha

“Ui bitawan mo ako! Nakakapaglakad ako.”

“I have to hold your hand just to be sure that you will not leave my side.” Tas napalingon ako sa mukha niya.

Woah!!! Nanlaki yung mata ko nang kumindat siya. Demmet!

Wala akong maireact. Feeling ko namumula na ang pisngi ko sa init na naffeel ko sa pisngi ko.

Iba ba yung interpretasyon ko? or talagang ang ibig sabihin niya eh baka tumakas ako.

Nakakainis talaga toh. Pakilig siya ah! Kala niya naman!!

Nakarating kami sa auditorium nang magkahawak parin ng kamay. Nandun yung CREAMS.

“Wow pare, kidnap na naman ba toh?” Si rick yung nagsalita.

“Oo pre, haha! Saling pusa!”

“Yun na yung bagong pangalan ng CREAMS kapag tayong dalawa ang kakanta.” Binulong ni Marco sa akin. Hindi parin niya binibitawan yung kamay ko.

Maya maya’y narealize ko.

“AT BAKET YUN??!?! MUKHA BA AKONG PUSA!!”

“OO!!” Sabay sabay silang 4 na nagsalita.

Nagtawanan sila sabay tinanggal na ni Marco yung pagkakahawak ng kamay niya sa akin.

“Genie, antagal mo naman magreact! Napaka late reaction mo!” oo na ako na rick! Yabang nento! Haha pero natawa din talaga ako. Bagal ko talga rumespond!

“Buti nga sayo pre nagrereact eh, saken NR talaga!”

Naalala ko nung nasa park kame.

“WHOAH!! So ako yung NR?? Ikaw yung nasa park?” bgla kong sinabi kay marco!

“Ngaun lang nagets concepcion?? Hahahha weirdo ka talaga!” Hinawakan nia ako sa pisngi at pinisa!

Grabe ansakit nung pagkakapisa niya, antagal tagal pa! Ganun ba talaga kalaki yung mukha ko para panggigilan nia?? Tas ang lapit talaga ng mukha niya sa akin! Nafi-feel ko yung init ng hininga niya sa mukha ko.

Kaya ba siya good mood eh yung dahil sa nangyari kanina? Sila na ba ni Ate Lien??

Haay sana algi nalang ganito si Marco. Hindi kame nag aaway. Natutuwa ako pag lagi siyang masaya. Hindi katulad nung una ko siyang makilala.

Napakatalas tumingin.

Laging nakasimangot.

Laging suplado.

Naninigaw.

Nang iisnob.

Anlaki nang pagbabago niya ngayon.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now