"Grabe ka naman boss, masuba talaga? Hindi ba pwedeng magana lang talagang kumain?"

"Oo nga naman boss" sabat ng lalaking mukhang playboy na Liam ang pangalan.

"Tss.."

"Babe," tawag ko kay Zack.

"Hmm?"

"Wala ba kayong pagkain diyan? Gutom na ako"

"Wait lang" Tumayo naman si Zack at binuksan niya yung ref tsaka niya kinuha yung isang naka tupper ware

"Hey boss akin yan" ani Ken.

"Ano ba yan?"

Inabot naman sakin ni zack yung tupper ware, at nakita kong cookies pala.

"Wow cookies, Ken hati naman tayo dito"

"Huh? Sige ba, wag mo lang sanang uubusin" sabi ni Ken. Takaw niya, ayaw pang mag share.

"Talaga? Yes thank you Ken, kaya love kita eh"

"Tss.." si Zack na masama ang tingin sa pinsan ko.

"Syempre, gwapo ako eh, hehe"

"Connect nun?" Tumatawang sambit ni Kyle.

"Feeling" ani Jiro

"Ang hangin grabe" sabi ni Liam na umaction pa na susuntukin si Ken.

Haha, natatawa na lang ako sa kanila, may pagka childish kasi, tapos yung cookies naman ni Ken, grabe ang sarap.

"Uy Ken ang sarap nito ah, san mo nabili?"

"Wala, gawa lang ni Jared yan"

Napatingin naman ako kay Jared.

"Wow ang galing naman"

"Mas magaling pa ako diyan" At dahil katabi ko si Zack ay narinig ko yung binulong niya, haha,, nakakatawa , ang cute niyang pout.

"Boss, wag kang mag pout diyan. Huwag kang gaya gaya sakin, para sa mga cute lang yan" sita ni Ken ng makita ang itsura ni Zack.

*death glare*

"Sabi ko nga ang gwapo mo boss, hehe" naka peace sign na sabi ni Ken.

Habang kumakain pa ako ay narinig namin ang tunog ng alarm ko.

"Oh my, 9 na pala, kailangan ko ng pumasok"

"Tara hatid na kita" sabi ni Zack at siya na mismo ang nagbuhat sa gamit ko.

"Sige, bye guys mamaya na lang"

Pagka alis namin sa rooftop ay naglakad na kami papuntang room kung saan ang first subject ko, holding hands pa nga kami ni Zack habang naglalakad kaya tuloy pinagtitinginan kami. Mabuti na lang pagdating namin sa room ay wala pa ang prof.

"Babe, puntahan na lang kita mamaya, sabay tayong mag lunch"

"Okay"

Before he left, he gave me a smack kiss on my lips that really makes me blush. Paano naman kasi halos nakatingin ang lahat ng estudyante samin. Nakakahiya!

"See you later babe" kumindat pa si Zack bago tuluyang umalis.

Gosh! Kinikilig talaga ako.

Pagkapasok ko ay nakatingin pa rin silang lahat sakin, problema nila?

After ng three subjects ay lunch break na din, nakita kong wala pa si Zack kaya pumunta muna ako sa wash room at nag ayos.

Palabas na sana ako ng harangan ako ng limang babae, well maganda sila ang kaso lang ay mas maganda ako.

"Hoy ikaw, sino ka? Ha?" Ani girl 1.

"Ako ang dapat magtanong niyan, sino kayo at anong kailangan niyo saken?" Tanong ko sa kanila.

"Kami ang Zackers, I'm the president of that fans club at nandito ako para sabihing layuan mo si Zack, kasi ayaw namin sayo" sabi ulit ni girl 1.

Wth, are they insane? Ako? Lalayuan si Zack? Never!

"Ayoko, and you don't have any rights para utusan ako"

"Aba't sumasagot ka pa ah, girls hawakan niyo siya" utos ni girl 1 sa mga alipores niya.

Bigla naman akong hinawakan nung dalawang babae ang magkabilang braso ko.

"Ano ba, bitiwan niyo nga ako"

"Sorry dear, pero heto ang dapat sayo" ani girl number 2 habang hawak hawak ako.

"Oo nga" sabat naman ni girl number 3

Pagtingin ko naman dun sa leader nila ay bigla niya akong binigyan ng isang malakas na sampal. Shit.

Hanggang sa hindi ko na mapigil na tumulo ang luha ko, first time kong masampal sa buong buhay ko, and the worst ay hindi man lang ako makaganti.

**

Hazlyn Styles

The Gangster and The Princess (✔️)Where stories live. Discover now