Chapter 8

29.1K 692 13
                                    

ASHLEY'S POV

Nandito ako ngayon sa classroom, ng biglang mag-ring ang phone ko.

Kaya tuloy napatingin sa akin ang mga classmates ko, buti na lang at lumabas muna saglit ang professor namin, lagi kasing tumatawag si Zack at ayaw niyang ipa silent ang phone ko, kaya tuloy lagi akong napapagalitan, shit.

Kinikilig parin ako pag naaalala kong may boyfriend akong kasing gwapo ni Zack! Sino ba namang hindi kikiligin?

"Hello" Sagot ko sa tawag

"Hello, bakit bumubulong ka dyan?"

"Eh, nasa classroom pa ako"

"So?"

"So ka diyan, gusto mo na naman ba akong mapagalitan ha?"

"Bakit sino ang pinapagalitan ka, para mapa-alis na diyan sa school ko" edi sila na ang may school.

"Eh kasi,"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may humablot sa phone ko, pagtingin ko ay si ma'am terror pala.

"Who gave you the authority to use cellphone inside my class Ms. Roswell?" Galit na sabi ni Maam habang nakatingin ng masama sa akin.

"Ah, Ma'am,"

Damn, anong sasabihin ko? Na tumatawag kasi ang boyfriend ko?

"You will be in detention because of this"

"But ma'am"

"No but's Ms. Roswell"

Nakakainis, never pa akong na detention sa buong buhay ko. Ngayon lang!

Hawak pa rin ni Ma'am ang cellphone ko at hindi ko naman napatay ang tawag ni Zack, kaya siguradong narinig ni Zack ang sermon sakin ng Prof. ko. Baka totohanin ni Zack yung sinabi niya kanina. Wag naman.

Pumunta na sa harapan si Ma'am at itutuloy na sana nya ang disscussion ng biglang pumasok si Mr. Principal na may hawak na cellphone.

"Mrs. Chin, Mr. Zack Alvarez wanted to talk to you" medyo hinihingal pa ito dahil sa kakamadali na makarating sa room namin. Mukhang tumakbo ito para lamang makarating agad dito.

Kinuha naman ni Ma'am ang phone at sinagot ang tawag.

"Hello sir"

"Hey you, who the f*ck  gives you an authorization to shout at my girlfriend?" Narinig ko hanggang dito sa kinauupuan ko ang galit at malakas na boses ni Zack, saktong naka loud speaker ang phone na hawak nito.

"I don't understand you sir"

"Princess Ashley Roswell is my girlfriend, and i'm the one who called her a while ago, and don't you ever lie because i hear you"

Damn! Heto na nga ba ang sinaabi ko eh.

Napatingin naman sa direction ko si Ma'am habang namumutla, parang takot talaga. 

"Im sorry sir, i just did that because..." hindi pa siya natatapos sa pagsasalita dahil binara agad siya ni Zack ng malutong na mura.

"I don't need your f*cking d*mn explanation!"

After ng tawag ni Zack kay Ma'am ay binigay na niya ulit ang phone ko at nag sorry sakin, hindi na rin daw ako pupunta sa detention.

Grabe takot talaga sya kay Zack.

"Oh god girl, ang sweet ng boyfriend mo, pati sa mga teachers ay kaya kang ipagtanggol" ani Kim habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"True, ang swerte mo Ash"

The Gangster and The Princess (✔️)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin