I opened my mouth to say something kaya lang biglang inakbayan ni Reign si Kulas at inilayo ito sa akin.

"Huli ka na sa balita, Kulas," nakangising asong sabi ni nito bago ako tinignan, "Napatawad na sila ni Ian. Magkaibigan na nga sila ngayon," dagdag pa nito.

May kung ano sa salitang 'kaibigan' ang kumukurot sa puso ko. Maybe because in my world, people would rather choose to stay away than be anywhere near me. No one wouldn't want anything to do with the cursed one after all.

"Di ba, Ian?" Nagtama ang paningin naming dalawa nang nilingon ko siya. Tumango na lang ako at inilipat ang paningin ko sa katabi niya.

May kung ano sa mga mata niya ang parang gumigiba sa mga itinatag kong mga pader. Na para bang isang tingin niya lang, malalaman na niya kaagad ang mga tinatago ko. Ganito ba ang epekto ng isang taong ipinanganak para mamuno?

"Talaga?" Nanlalaki at naluluha ang mga matang usal ni Kulas. Nginitian ko siya't tinanguhan uli.

"Wala iyon. Hindi naman ako masyadong nasaktan," sabi ko at biglang naalala iyong pagkakalibing ko sa buhangin, "Muntik lang akong nailibing ng buhay," dagdag ko pa bilang parinig sa taong may atraso sa akin pero kinalimutan lang at ipinunas lahat ng kasalanan sa mga tauhan niya. Nasuntok ko nga kanina, hindi naman tinablan. Ako pa itong na-guilty sa huli.

Nakaawang ang bibig ng dalawa nang masulyapan ko. Unang naka-recover ay si Kulas. Tumikhim muna ito at nagkamot ng batok bago nagsalita.

"Pasensiya na talaga, Ian. At salamat uli. Basta 'pag may kailangan ka, hanapin mo kami sa may dalampasigan o hindi kaya sa Asteria Mangoes—"

Nang banggitin niya iyon, bigla na lang kumalam ang tiyan ko. Napatingin silang dalawa roon and God knows how much I wanted the ground to just swallow me whole. Hindi ako umimik at pinagsikapan kong manatiling parang hindi apektado ang ekspresyon ng aking mukha.

Agad namang napatingin sa mukha ko si Reign. He probably wanted to ask the obvious with that knowing smirk plastered on his face. I was ready to deny his silent accusation but my stomach decided to have a mind of its own and go on with the rumbling.

Sabay na namang dumako roon ang mga paningin noong dalawa. Nagtinginan pa sila bago nila ako binalingan ng pansin. Ilang sandali lang ay hawak-hawak na nila ang kani-kanilang mga tiyan sa kakatawa.

Damn it! Ganoon ba ako kagutom? Well, kung tutuusin, hindi pa ako nakakain simula noong inayusan nila ako sa bahay. And that would be around noon. Meaning, I've been starving since lunch! Sa dami ng mga nangyari, ngayon ko lang napansing gutom na pala ako.

Napasinghap ako nang bigla na lang akong inakbayan ni Reign.

"Kaya pala walang kalatuy-latoy iyong suntok mo kanina. Hindi ka pa pala kumakain?" Natatawa pa rin nitong sabi.

Sandali ko siyang tinapunan ng masamang tingin bago ako ngumuso at tumitig sa kawalan habang patuloy pa rin sila sa pagtawa.

"May makakain pa naman, King, kukuha lang ako nang makakain na itong si Ian," narinig kong sabi ni Kulas pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagsimangot dito.

"Samahan na kita Kulas at paniguradong kukulangin ang isang kalderong kanin para rito kay Ian," usal naman nitong katabi ko.

Kumunot pang lalo ang noo ko sa narinig. At sinong may sabing kaya kong umubos ng ganoon karaming kanin? Eh, hindi nga ako masyadong kumakain noon! I grew up with western ways after all!

"Umupo ka muna roon at hintayin mo ako," utos naman nito sa akin sabay turo sa isa sa mga benches na nakaharap sa dagat.

Ang sarap magrebelde pero sino naman ako para magreklamo gayong ako na nga itong pakakainin. Kaya walang imik ko na lang tinungo iyong bench na tinutukoy niya. Nagmamaktol pa akong lumapit doon pero nawala rin kaagad nang makita ko na ang tanawin.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now