"She's a nice girl, Coby. Isa s'yang waitress sa bar na madalas kong pinupuntahan . Nakatira s'ya malapit sa bahay ko. Kilala ko na sya simula pagkabata. Madalas kasi s'yang mangahoy noon sa taniman namin ng mga puno. Hindi ko na nga matandaan kung naging magkalaro kami. Basta't kilala ko s'ya at ang kanyang ina na mabubuting tao. Mananahi si Poleng, nagtatrabaho sa gabi bilang waitress at tindera sa palengke tuwing Sabado at Linggo. Ang mga tao doon sa lugar namin ay malapit sa akin. "

"Okay, naunawaan ko na."

Matagal silang naghihtay. Hanggang biglang bumukas ang gate..Lumabas ang isang van.

Lumabas si Hans sa kanyang kotse. Hinarangan n'ya ang van kaya napahinto.

"Sir anong problema?" Tanong ng driver. Bumukas ang bintana sa katabi ng driver.

"Mr. Simone, ano pong kailangan ninyo?" Tanong ni Mr. Horacio na tila naiinit din ang ulo.

"Si Poleng po."

Bumaba si Mr. Horacio. Dahilan napadungaw si Poleng sa bintana.

"Mr. Simone, tama na 'yong eksena nyo kanina sa loob ng show. Kung sa tingin ninyo ay palalabasin ko dito si Poleng, hindi. Pananagutan ko sya.Kaya hindi ako papayag na harapin pa nya kayo. Alam ko namang lasing kayo."

"I'm not drunk. Anong sabi mo pananagutan mo s'ya? Natatakot nga ako kasi baka pinapainum nyo ng drugs si Poleng upang sumayaw lang doon kanina."

"Mr. Simone, tumigil kayo sa paratang ninyo." Saway ng matandang manager.

Hindi nakatiis si Poleng.

"Sir Hans, okay lang po ako. Salamat sa pag-alala ninyo. Kagustohan ko rin po ang sumayaw." Paliwanag ni Poleng upang maiwasang lumaki ang gulo at hwag masaktan si Hans. Mabuti nalang at nadaan sa usapan. Kaya bumalik si Hans sa kanyang sasakyan at umalis.

Saka lamang nakahinga ng maluwag si Poleng.

--------------------------------------------------------------------------

Habang nasa biyahe sina Hans at Coby..

" Hans sabihin mo nga akin kung ano talaga ang totoong nasa isip mo?" Tila hindi kumbinsido si Coby.

" Coby, I think I found the woman who will help me to do my plan."

"Sino?"

"Si Poleng."

"Bakit?"

"May tiwala ako sa kanya na hindi babali sa isang seryosong usapan. At mapagkatiwalaan. "

"Sure ka?"

"Yup. "

"Then try to approach her. Tell her about your plan. Problema eh kung papayag s'yang bigyan ka ng anak? Pero may isa akong paraan na nasa isip ngayon."

"Tell me." Sabi ni Hans.

"KAUSAPIN MO S'YA. YAYAIN MO S'YANG MAGPAKASAL. TAPOS, MAGTAGO KAYO SA LABAS NG SANTA CATALINA. HABANG NAGSASAMA KAYO PALALABASIN N'YONG BUNTIS NA S'YA. PAGAGAMITIN MO S'YA NG PROSTHETIC NA TIYAN..TAPOS KUNAN NG LARAWAN PARA MAPANIWALA ANG IYONG MAMITA NA BUNTIS NA ANG ASAWA MO. TAPOS, HILINGIN MO ANG KALAHATI NG MANA MO. AND THEN, PAG NAKUHA MO ANG KALAHATI, PALALABASIN N'YONG NALAGLAGAN SI POLENG. DON'T MIND ANYMORE THE OTHER HALF OF THE MONEY. ANG IMPORTANTE, NAKAKUHA KA SA PARTE NG IYONG MANA. "

"Paano naman si Patty?"

"H'wag mo munang ipaalam sa kanya. Basta kasal sa Huwes ang gawin mo. Upang iwas sa balita sa buong Santa Catalina. At heto, focus yourself to your goal. Yong pagdating sa bata, may mga alam akong bahay-ampunan o maghanap ako sa eskwater area ng mga bagong panganak na mga babae . Hihiram tayo ng isang sanggol. Papagawan natin ng pekeng birth certificate, at hospital record. Kailangan mong lumabas ng kunting salapi..rentado ang kalalabasan ng bata. Tapos yong kay Poleng bayaran mo rin ng TALENT FEE nya para itikum ang bibig." Suggestion ni Coby.

"Paano naman kami ni Patty? Yong relasyon namin?"

"Continue lang. Ipaunawa mo kay Poleng. Habang ganun ang eksena kumilos karin para kay Patty. Kasi pag nabuko kayo ni Poleng meron kang pangdepensa..BUNTISIN MO SI PATTY..wala nang lusot si Patty kung may laman na ang tiyan nya. At kung sakaling tagumpay ka kay Patty..saka mo ipaliwanag sa kanya ang set-up. You go with her..at ipawalang bisa mo na ang kasal nyo ni Poleng..

Nabuntong hininga si Hans. Hindi nya alam kung itutuloy nya ang plano o hindi.
-----------------------------------------------
Nang dumating sa kanilang Club sina Poleng binigyan sila ng mga sobre.

"Heto ang pera nyo." Sabi ni Mr. Horacio. Dali daling tinanggap nina Poleng ang sobre. At nagbilang sila ng kanilang pera.

"Anak ng tokwa bakit kulang 'to?" Reklamo ni Poleng kay Mr. Horacio.

"Aba'y palpak naman ang performance ninyo."

"Sir, hindi ko kagustohan yong nangyari. Usapan natin sasayaw kami. Sumayaw rin naman kami ah. 20k ang sabi mong ibibigay sa amin tapos ngayon 10k lang? " uminit ang ulo ni Poleng.

"Poleng, pumalpak nga eh."

"Pusang gala! Sisihin nyo 'yong mga mukhang asong ulol na mga lalaki doon. Tsk. Ano lokohan ba 'to?" Tumaas ang boses ni Poleng. Tamang tama at wala na ang ibang kasama nyang dancer. Kuntento na sa natanggap na pera.

Biglang hinablot ni Poleng ang kwelyo ni Mr. Horacio.

"Hoy, tanda! Matagal na akong nasa club na 'to..alam mo na ang estilo ko. Ayaw kong inuonse mo ako. Tsk, mukha akong basang sisiw sa mga mata mo..pero tumino ka sa pinag-usapan natin..GUSTO MO BANG PASABUGIN KO YANG MUKHA MO. MAAGA KANG PUPUNTA KAY SAN PEDRO."

"He he he he..Leng, alam ko naman eh. Kumukuha lang ako ng timing kanina.. kasi nandito pa yong mga kasama mo.Heto..dagdag ko." Sabay abot ni Mr. Horacio ng isa pang sobre.

"Good. Akala ko seryoso ka sa 10k mo. Ayos, salamat."Lumiwanag ang mukha ni Poleng. At dahan dahang umalis. Napasabunot agad ng ulo si Mr. Horacio.

"Shit! Pornada ang 10k ko."

FLASHBACK sa alala ni Mr. Horacio..

Pauwi si Mr. Horacio noon galing ng club. Nang biglang may humarang sa kanyang daanan noon.

"Hold up!" May holdaper na humarang sa kanya. Sa takot ng matanda dahil may dalang kutsilyo ang dalawang lalaki napilitan syang ibigay ang kanyang pitaka.. pinagtatadyakan pa si Mr. Horacio ng dalawang holdaper..mabuti nalang..

Napadaan si Poleng..

"Hoy, anong ginagawa nyo?" Tanong ni Poleng na may dala pang balde na puno ng pagkain ng baboy.

"Hoy, ikaw ilabas mo ang pera mo!" Tinutukan si Poleng ng kutsilyo pero hindi natakot si Poleng.

Bagkus binuhos nya ang laman ng balde. Sa bilis ng kamay ni Poleng hinampas nya ang dalawang lalaki ng balde. Sabay sipa at tadyak.

Walang humpay na pinaghahampas ni Poleng ang dalawang lalaki hanggang sa lumayo at naiwanan ang pitaka ni Mr. Horacio.

Takot na takot ang matanda sa umaatikabong aksyon ni Poleng.

"Ineng salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Poleng po. Anak ako ni Carmen na mananahi."

"Ahh kilala ko sya. Dating mananahi sya ng asawa ko. Naku, salamat at tinulungan mo ako."

"Ayos lang 'yon Sir."

Biglang may na alala si Mr. Horacio.

"Gusto mo bang magtrabaho sa club bilang waitress? Ako ang manager eh."

"Talaga po. Okay po."

At doon nagsimula ang pagkilala ni Mr. Horacio kay Poleng.

-------------------------------------















































HIDDENWhere stories live. Discover now