Nanlaban si Hans ngunit wala s'yang magawa..malalaki ang katawan ng mga lalaking humahawak sa kanya.

"Let me go! Poleng umuwi kana.!" Sigaw n'ya.

Hindi na malaman ni Poleng ang gagawin. Muli na namang pinabalik si Poleng sa backstage.

"Ano ba naman 'yang Poleng! Laging nauudot ang performance ninyo. Kanina lalaking lasing ang umeksena..ngayon naman hinila ka ng gwapong lalaki. Hayan nadaganan mo pa. Nagkakagulo ang mga lalaki sa 'yo..PERO GUSTO KO 'YAN. Pahingi naman ng balato..ang dami mo kayang nakolekta sa kanila." Sabi ng bakla.

Inabutan ng 1000 ni poleng ang bakla.

Dumating si Mr.Horacio.

"Poleng okay kalang ba?"

"Opo."

"Walastik talaga si Hans Simone? Anong napasok sa isipan n'ya at umeksena dito? Naku, mabuti at napakiusapan ko ang kaibigan ko ng Hotel na 'to na kilala ko si Hans kung hindi kalaboso ang aabutin nya." Sumbong ni Mr. Horacio.

Biglang kinabahan si Poleng.

"Si Sir Hans po sinaktan po ba nila?"

"Hindi pinalabas lang dito." Sagot ng manager nina Poleng.

"Sir, sabihan n'yo na h'wag nilang sasaktan si Hans."

"Bakit naman?"

"Kaibigan ko po 'yon."

"Kaibigan? O baka may gusto ka sa kanya. Akala mo hindi ko alam. Hoy, hindi ako bulag na di ko nakikita ang pagtutulala mo kay Hans tuwing nasa club. "

"O sige na nga..Opo crush ko s'ya. Pero Sir, nag-aalala tuloy ako sa kanya."

" hOY itong trabaho mo ang atupagin mo..Hindi ka pakakainin ni Hans." Ani ni Mr. Horacio.

Napanguso si Poleng.

Habang sa labas ng Hotel.

"Bitawan n'yo ako! Palabasin n'yo si Poleng. Sinasamantala n'yo lang s'ya!" Sigaw ni Hans sa mga bouncer. Ngunit hindi sya pinansin ng mga ito.

"Halila na Hans. Umalis na tayo." Pilit hinihila ni Coby ang kaibigan.

"Coby, hindi ako aalis. Nandoon si Poleng."

"Tanga ka ba?! Eh trabaho n'ya 'yon. "

"Baka mabastos sya ng husto ng mga tao sa loob."

"Hoy, bulag ka ba? Eh nag-i-enjoy nga kanina na nangungulekta ng pera with flying kiss pa sya."

"Naku, ano kayang nakain nya at napapayag syang gumiling sa entablado?"

"Baka may ecstacy pill na pinainum sa kanya upang magkaroon ng lakas ng loob humarap sa mga tao."

Parang sumakit ang ulo ni Hans. Hinila na lamang ni Coby si Hans upang umalis sa hotel.

" Ayaw ko. Hintayin natin sila sa exit door."

"Hans! tumigil ka. Humahanap ka ng sakit sa katawan. Hayaan mo s'yang gumiling d'yan eh trabaho n'ya 'yon." -si Coby

"No, baka meron ngang drugs na pinainum nila kay Poleng."

"Hans stop it, okay?"

Hindi parin mapakali ang binata. Dahil ayaw makinig ni Hans sa kaibigan, tinungo nga ang exit way sa likod ng hotel.

"Ano na naman bang nasa isip mo Hans?"

"pare, dadaanan sila dito." Sabi ni Hans.

"Bakit ba napakaconcern mo doon sa babaeng 'yon? "

HIDDENحيث تعيش القصص. اكتشف الآن