"Ahh...okay. Ahy teka! May kasama ka pa bang iba?" Tanong naman ni Blaze sa akin. Nasa tabi ko pa rin si Ford na katulad ko ay nagtataka rin dahil wala naman talaga kaming kasama eh. Tsaka friends and family lang ang nakakaalam ng party na to.

"Ha?? Wala. Kami lang dalawa ni Ford ang umalis kanina." Ako.

"Eh sino sya!?" Tinuro namani Blaze ang likuran namin.

Napalingon naman ako sa tinuro nya.

.

.

.

At nagulat na rin.

NIKE'S POV:

Yes! Excited na ako!

This is the day of our date.

Teka nga! Bakit nga ba ako excited?

Haha! Ewan ko rin eh!

Nagbihis lang ako ng simpleng damit ngunit super gwapo pa rin tignan syempre.

Nang masatisfy na ako sa kagwapuhan ko (Haha! Wag na kayong kumontra!) umalis na agad ako sa tinutulayan ko.

Itetext ko pa lang sana si Konan na parating na ako ay napagisip isip ko na wala nga pala akong number sa kanya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagdridrive hanggang sa makarating na ako sa kanya. Exactly on time.

Pinarada ko muna ito sa harap ng bahay nila. Kinatok ko na ang gate nila pero nakailang beses na ako ay ayaw niya pa ring magbukas.

Para bang wala ata sya dito.

Naiinis man dahil may usapan na kami ay naisip ko rin na baka pumuna na ito sa venue ng birthday party ng inaanak nya.

So yun nga ang ginawa ko. Drive papuntang location.

-------

Pagdating ko ay marami rami na ring tao pero hindi naman parang super dami. Yung parang friends and families lang talaga.

Kokonti rin ang mga kotseng nakaparada. Pansin ko ang isang kotseng Hyundai Accent na parang pamilyar na nakita ko na dati or nakasalubong.

Tinanggal ko na lang sa isip ko ito at nagpatuloy na sa loob.

Pagpasok mo pa lang ay mapapanain mong may class talaga ang pamilyang ito. Napakagaganda ng mga designs. Kung hindi mo alam na birthday party ito ay mapagkakamalan mo itong reception area ng bagong kasal.

Hinanap ko naman sa buong lugar ang taong tinakasan ako. (Tinakasan talaga eh haha XD)

At sa wakas nahanap ko na rin sya.

Nakatalikod ito sa akin at may kausap itong dalawang kalaki. Yung dalawang lalaking kasama nya sa mga profiles nya.

Hmmm...I have a guess. Mag-asawa ba sila at ang anak nila ang may party? Matanong nga.

Ngunit may isa pang lalaking katabi nya eh. Nakaakbay pa ito sa kanya at tge way I look at them, I feel the urge to punch the poor face of that bastard. Ewan ko ba.

Lumapit na akobg nakakunot ang noo at agad na rin namang nila akong napansin, or should I say yung mag-asawa "ewan" lang kasi nga nakatalikod sila sa akin.

"Eh sino sya?" Tanong ng isang lalaking mas matangkad sa akin at gwapo rin.

Lumingon naman lahat sa akin including that bastard pero kay Konan lang ako nakatingin, galit.

"Ah...eh ah ano eh hehe. Uy Nike! Ano...kumusta na?" Kinakabahan nyang tanong sa akin.

"Eto ayos lang. Di mo naman sinabi na iiwan mo lang din pala ako edi sana di na lang natin pinagusapan yon. Teka nga, di mo muna ba ako ipapakilala sa kanila? Nakakahiya oh! Baka isipin nila snatcher ako dito." Sabi ko sabay turo sa dalawang lalaking kausap ni Konan.

"Ahy oi nga! Uhmm...Nike this is Ice at this is Blaze. His husband."

Medyo nagulat naman daw ako sa sinabi nya. Oo, naaamoy ko na nung una pa lang na mag-asawa sila pero iba pa rin talaga kapag harapan sayo sinabi eh.

"I know what you're thinking bro. But I just can't help to fall in love to this guy! By the way, Ice nga pala" inabot ko naman ang kamay ko at nakipag kamay na rin.

"Blaze, please don't judge us. I know it's not right sa ibang tao ang ganitong relasyon." Sabi naman nung isa.

"Nike pala. Don't worry I'm open to those relationship and to the LGBT community. Actually my cousin, Gray Montemayor is married to a man also."

"Oh you mean...!" Gulat na saad ni Konan.

"Yeah, you're Vice President in your company."

"Okay, oh! Nakalimutan ko sorry! Nike ito pala si Ford. Kaibigan ko at sya rin ang sumundo sa akin." Nakipagkamayan lang ako sa kaniya, none of us are breaking in those dagger like glares. Silence is covering us.

Ngayon naalala ko na. Yung kotseng yun pala is yung kotse ni bastard. Nakasalubong ko kanina papasok sa village ni Konan. So nagkasalisi lang pala kami ganun?

----

Matapos ang pagpapakilala ay nagpaalam muna akong magcr.

Umihi muna ako and then nag hugas na nang kamay.

Habang nag-aayos ng buhok ay may tumabi sa akin. Si Ford. Naghugas rin sya ng kamay.

"Hey bro let me tell you straight to the point, ano mo ba si Konan?" Nagulat naman ako sa tanong nito.

"Were friends lang." Sagot ko.

"I don't think na friends lang kayo. Alam kong may something sa inyong dalawa eh. At kahit ano pa yon, sasabihin ko lang na layuan mo na si Konan." Aba namumuro na ito ah!

"Why do I have to stay away from Konan?"

"Because he's mine! At hinding hindi sya mapupunta sayo." Ito ba yung former manliligaw ni Konan?

"Who said so? Does his body has your name on? Huwag kang mag-aangkin ng bagay na hindi sayo dahil malay mo paglingat mo lang wala na agad sya sa piling mo. " Sagot ko na dito habang palabas na ng CR.

"Anong ibig mong sabihin?" Tss...

"Ang sabi ko, hindi ka pa nakaksiguradong sa'yo na sya dahil hanggat andito si Nike Lester Montemayor sa buhay ni Konan, hinding hindi sya mapupinta sayo" pagtapos ko sa usapan namin.

I don't know what I'm talking about. Basta ayoko lang magpatalo sa hamon ng isang lalaking nangaangkin ng hindi sa kanya.

==========

Hmmmm...away na ba ito?

Abangan!

BTW guys! Salamat sa nga nagbabasa nito at sa book 1 na din. Grabe di ko aakalaing dumami ng ganun yung story ko.

Sorry dahil napakabagal ng UD dahil STE student po ako meaning pinupurga po kami ng long tests, performances, at investigatory projects!! Jusko!

At pakisupport na rin po ng story ko na CHALKBOARD one shot lang po sya. Salamat!

<3





When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now