Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo

Comincia dall'inizio
                                    

Nagbabadyang gumiba ang mga pader na binalot ko sa sarili. Ang galit na naririto ay kakainin na ako ng buo. 

Pagkaraan ng ilang minutos ng pag-iyak ay kinuha ko ang clutch bag.  I need to get out of here fast, ngunit ayaw kong ma eskandalo.

Lumabas ako sa harapan ng mga tao na tila ba walang nangyari. Hindi ako mag-eeskandalo. No. I was better than that. Namataan ko ang tingin ni Papa ngunit dire-diretso ang aking mga mata patungo kay Ram. 

Nakapamulsa ito at kunot ang noo. Binunot ko kaagad ang cellphone, ang aking dibdib ay malakas na kumakabog. 


Ako:

Hi! Nasaan ka?


Nagbibilang ako sa aking isip dahil mababaliw na yata ak. Pinanuod ko ang pagbunot ni Ram sa cellphone. Sa alon ng mga gintong tao ay naroon ako, nagmamatyag. Mali si Papa. Hindi ako sasaktan ni Ram. Siya lang ang nagbigay sa'kin ng ganitong klaseng atensyon, walang kahati at hindi namimilit.

Bago pa man tumunog ang aking cellphone ay nabuksan ko na ang message nito.


Ram:

Nasa bahay ako. Why?


Nanginig ang dulo ng aking mga daliri hanggang sa buong katawan ko na pala nganginginig. Bahagyang tumagilid ang ulo ni Ram nang may kumausap dito. 

Hindi ko alam kung paano pa ako nakapag-type.


Ako:

Anong ginagawa mo?


Halos hindi ko tanggalin ang tingin kay Ram. Hindi ako makakurap at makahinga ng maayos. Sobrang sikip ng aking dibdib. 

Nakita ko ang paglalapat ng mga daliri ni Ram sa cellphone bago ito sinarado. Pumintig ang puso ko. Binuksan ko message na dumating.


Ram:

Watching movies.


Nasa alegrong estado ang aking pag reply.


Ako:

May kasama ka ba?

Kumunot ang noo ni Ram sa screen ng mamahaling cellphone. Matagal niya itong tinitigan. Sumimsim siya ng whiskey sa kamay. Nagniningning ang mga mata ko sa pag-aantay ng kaniyang magiging reply.

Come on, Ram. Reply!

Hindi na nito dinutdot pa ang telepono at binulsa na iyon. Patuloy siyang nakipag-usap sa mga kasama. 

Umawang ang aking bibig kasabay ng paglagapak ng nakakarinding sakit sa aking dibdib. Nakatusok doon libong patalim at tuwing hihinga ako ay lalong sumasakit.

Naroon si Ram sa tabi ngunit hindi ko maabot, malayang nakikipag-usap sa iba at tila ba mukhang walang iniintindi at sumasagabal sa kaniya. Para bang natural na natural na sa kaniya ang magsinungaling!

Hindi. Siguro ay hindi dumating ang aking text at ang nauna naming conversation ang kaniyang binabasa. Siguro...siguro... 

Hindi ko na naitis na hindi tumawag. May signal sa pwestong ito. I'm sure.

Pinanuod ko kung paanong kumunot ulit ang noo ni Ram at humingi ng paumanhin sa kasama. Binunot niya ang phone sa bulsa. The movement that his lips made were all very familiar to me. He's cursing in foreign. 

Binaliko ang tingin sa screen ng aking cellphone. Hindi pa rin niya sinasagot. Hinanap muli ng aking mga mata si Ram. Tuluyan nang nanlabo ang aking mga mata nang binulsa nito ang cellphone at nanumbalik sa mga kausap. 

The PristineDove le storie prendono vita. Scoprilo ora