"Why don't you check your phone?"

"Lowbat ako. Dali na" na lowbattery sa kaka-stalk sa inyo kagabi.

Maya-maya may dinukot ito sa likurang bulsa at iniabot nito ang kanyang cellphone sa akin.

Ni-log in ko ang account ko sa twitter at hinanap ang message ni Carleen sa akin. Di nag laon nakita ko ito. Tinanong ko siya kung saan niya ito kinuha at ang mga direction paano makaka balik sa downtown. Nag reply naman kaagad ito.

"Hanbin! Alam mo ba ito? Pwede natin itong sundin upang maka uwi na tayo!" Sabi ko sa kanya. Tinignan nito ang phone pagkatapos ay ibinalik sa daan ang tingin.

"Akin na at ng ma tunton ko" sabo nito at hinablot ang phone na hawak ko. Ipinatong niya ito sa cellphone holder. Ngunit magkasalubong naman ang mga kilay nito. Ano nanamang problema nito? Kanikanina lang lumambot na ito pagkatapos ng sigawan namin, ngayon galit nanaman siya?

Anyway, I smiled. Salamat naman at makakauwi na kami. Mahaba para sa akin ang araw ma ito. Di naglaon naka tulog ako.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko.

"Uuhm." daing ko.

"Wake up, minn---Shaign. Wake up now." Sabi nito sa mahinang boses. Finally I came back to my senses. Pinag masdan ko ang paligid. Gabi na pala, siguro mga quarter to 7?

"Nandito na tayo. Bangon na." Sabi nito. Bumaba na ako sa sasakyan at ang unang bumugad sa akin ang isang napaka tayog na building. Nag co-condo lang ba sila dito?

Sinunod ko si Hanbin hanggang sa loob. Sumakay kami ng elevator at pinindot ang 14. Ang awkward ng atmosphere dahil kami lang dalawa ang nandirito. Parang ito na ang pinaka matagal na oras sa buong buhay ko.

"Shaign.." napatingin ako sa gawi ni Hanbin. Nagkatinginan kami. Ano? Ang mga mata nito, halatamg pagod. Halatang stress sa mga nakaraang araw.

"Shaign..ano... pwede bang ano..."

"Anong pwedeng ano, Hanbin?" Tanong ko uli. Bumuga uto ng malalim na hininga.

"Can we be friends again after all those years of pain?" diritsong nakatitig ito sa mga mata ko. As if he's pleading, as if he's innocent of what he had done. At first ayaw kong maging friends kami. Aaminin ko, noong sinabi niyang maging civil kami, ayaw ko ng ideyang iyon. Gusto ko yung hindi na kami nag papansinan. But I don't know what's with me at sumangayon ako sa kanya. And then this time, he's asking me to be friends with me? Hah. Nag bago na ata ang ihip ng hangim ngayon. The great Hanbin na snob noong highschool, walang kinakaibigan, walang sinasanto, is asking me to be friend him? Na uh. Say no, Shaign. SAY NO. No. No. No.  No--

"Yes." Napatutop ako ng bibig when I realized what I said.

He flashed the sweetest smile I've ever seen since the last 3 years.

"Really Shaign?! YES! Thank you!" He said in an exciting tone.

Bumukas ma ang elevator at lumabas na kami patungo sa kanilang flat. Flat o unit. Yeah that's it.

"MI AMORE!" Sinalubong agad ako ni Yunhyeong ng isang napaka higpit na yakap. Kakatok pa sana kami but then nabuksan na ni Yunhyeong ang pinto. Rinig ko namang napa tss si Hanbin sa gilid. Unang pumasok ai Hanbin sa unit nila at sumunod na kami ni Yunhyeong.

Sinalubong agad kami ng mga tanong nila pag dating sa sala. Kung napano daw kami. Saan daw kami dumaan. Bakit daw kami natagalan. And thanks to Hanbin at nasagot niya ito ng maayos. I feel like I don't have the energy to talk. Gutom na gutom na ako. Wala akong maayos na lunch kanina.

"Hala sige kumain na tayo." Sabi ni Jinhwan pagkatapos naming mag ayos ng mga gamit. Prepared na ang lamesa at ang mga ulam. Halatang hinintay nila kami.

"Shaign, okay ka lang ba?" napalingon ako sa likod kung saan nag mula ang malalim na boses na iyon.

JUNHOE

"A-Aah ano. Okay lang, ginugutom nga lang ako. Gusto ko nang kumain" sagot ko dito kahit na o-awkwardan.

"Tabi na tayo ng upo upang ma asikaso kita ng maayos. Ipapakita ko pa namam ang kwarto ko sayo." Nakangiting tugon nito sa akin. Napangiti ako doon. Hinampas ko siya sa kanyang balikat.

"Bahala ka nga. Makakapatay talaga ako ng ahas na tinatago mo eh" sinabayan ko pa ito ng tawa. Tumawa naman ito. Umupo na kami sa may dulo ng lamesa. Si Donghyuk nakaupo sa tabi ni Junhoe. Si Jinhwan naman naka upo sa harap ko katabi si Yunhyeong, at Chanwoo. Sa tabi ko—which is yung sa dulo naka upo si Hanbin habang sa kabilang dulo naka upo si Bobby

Nag simula na kaming kumain. Napapatawa ako sa kanilang kakulitan. Kahit na sa harapan ng pagkainan, ayun asaran parin.

"Si Junhoe, wala atang balak mag ka girlfriend eh!" Sabi ni Chanwoo nang mapunta ang aming usapan sa girlfriend-boyfriend thing.

"Seryoso Jun?! Wala ka pang girlfriend? HAHAHAH!" natatawang tanong ko.

"Tss. Sa ngayon wala pa. Tignan mo kalaunan mag kaka girlfriend din ako!" Hambog naman na sagot ni Junhoe

"Boyfriend kamo!" Sabi ni Bobby. Nagtawanan naman kaming lahat doon. Maya-maya humupa na ang tawanan ngunit hindi ko in-expect ang susunod nilang tanong para sa akin.

"Shaign, nagka boyfriend ka na ba?"

ChancesWhere stories live. Discover now