"Left!" tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Manong Guard. Close kami nyan kaya minsan kapag bored ako ay pumupunta ako dito sa school kahit walang pasok. Maganda kasi ang view sa likod ng main building, kita ang city.

"Anong yon Manong?" tanong ko sa kanya nung makalapit sya.

"May nagpapabigay sayo." nagtataka akong kinuha ang paper bag kay Manong. "Hindi ko kilala kung sino nagpaabot nyan. Sabi nya para sayo daw yan. Tinignan ko kung ano yan dahil naghinala ako sa lalaki pero nung tinignan ko lunchbox lang sya." lalo akong nagtaka. Lunchbox?

"Ah sige Manong salamat dito." sabi ko na lang. Umalis na si Manong kaya agad kong tinignan ang laman. Papel pa lang ay kilala ko na kung sino.

Hi. Sorry, hindi ako mapakali na hindi ka dalhan ng lunch mo baka hindi ka kumain, kasalanan ko pa. Eat well.

Talaga naman oh, isa din 'tong ang tigas ng ulo eh. Napailing na lang ko at pinuntahan ang apat na bugok sa cafeteria. Nung makalapit ako sa kanila ay mabilis nilang kinuha ang paper bag sakin at tinignan ang laman. Pinagbabatukan ko sila dahil sa ginawa nila.

"Mga patay gutom! ang yayaman ninyo tapos hindi kayo bumili ng sarili ninyong pagkain." sabi ko at kinuha ang paper bag. Para sakin 'to, bakit ko ibibigay sa kanila? tsaka ang sarap kaya ng luto ni Ms. Dani kaya mae-enjoy kong kumain nito.

"Damot mo naman." sabi ni Jade. Patay gutom talaga.

"Bigay ba yan ni Ms. Dani?" tanong ni Veron. Tumango ako at nilabas ang lunchbox. Napanganga kami sa nilalaman nito.

"Wow! tempura at sushi!" naglalaway na sabi ni Jade. Napairap ako. Kailangan ko pa ata 'to itago sa kanya ah.

"Ang swerte mo naman, kaliwa." sabi ni Fin na nakasimangot habang nakatingin sa lunchbox ko. Naawa naman ako sa kanya dahil mukhang nagseselos sya sakin. Dahil mabait akong kaibigan ay bibigyan ko sya pero isang piraso lang. Minsan lang ako makakain ng Japanese food, bakit ko sasayangin diba? next time na lang kapag medyo nananawa na ako.

"Oh kawawa ka naman." sabi ko sabay bigay ng isang sushi.

"Kami din kaliwa!" at sabi ko nga hindi lang pwede isa ang bigyan, dapat lahat. Hays! para akong nanay na nagpapakain ng mga anak.

Inis na pinagbibigyan ko sila. Bandang huli, tatlong piraso lang ang makakain ko. Konti lang naman ang ginawa ni Ms. Dani dahil ako lang naman ang kakain kaso nagsihingian ang mga 'to. Tinignan ko si Fin na tuwang tuwa na makatikim ng luto ni Ms. Dani. Tila naluluha na nga sya dahil don at nakapikit pa sya habang nginunguya yung sushi. Ang oa ang putek.

"By the way kaliwa sasali kami sa play." nabilaukan ako sa sinabi ni Gia. Agad kong kinuha ang ice tea na galing din kay Ms. Dani.

"What the heck?" sabi ko. "Hindi kayo marunong umacting kaya wag na kayong sumali. Panggulo lang kayo don eh." dagdag ko pa. Totoo naman eh, nung nagkaroon kami ng project sa Filipino na play, kamalas malasan kaming lima ang magkakagrupo. Yung play namin non? nauwi sa kalokohan, nakakalimutan yung line, nauutal utal, natataranta sa pinaggagawa kaya kami pinatawanan non eh.

"Wow nagsalita ang magaling." sabi ni Fin. Sus kaya lang naman sya sasali dahil kay Ms. Dani. Mga paraan ni Fin.

"Tignan lang natin kung makakapasa kayo." sabay ngisi ko. Sure naman na hindi sila makakapasa dahil hindi naman sila marunong umacting.


"Seryoso?!" hindi ako makapaniwala na sabi ko. Putek! paano sila nakapasa eh ang papanget ng acting nila!

"May problema ba Ms. Kyo?" tanong ni Ms. Dani. Napatingin ako sa mga ka-officers ko, nandito kami sa office ni Ms. Dani at pinag-uusapan ang mga pasa sa play.

"Bakit sila ang pinili ninyo? eh puro kalokohan lang gagawin nila sa play." inis na sabi ko.

"Bagay kasi sila sa apat na baliw kaya sila ang napiliin namin" sagot ni Nami. Natawa ako sa sinabi nya. Sira din 'to eh.

"Sila ba yung apat na babae na patay na patay kay Dion? paano yan boys outfit ang mga girls edi magmumukhang boys to boys 'to" sabi ko.

"Ayos lang yan magaganda naman kayo. Babagay sa inyo ang magbihis lalaki." sabi ni Ms. Dani. Ayan na naman ang compliment nya.

"Sino pala magiging kapartner ko?" pag-iiba ko.

"Yung author ng story. Pinsan ni Nami" sagot ni Nike. Dito pala nag-aaral yung pinsan ni Nami.

"Sino sya sa mga nag-audition?"

"Hindi sya nag-audition." napatingin ako kay Ms. Dani. "Estudyante ko sya at napansin ko na may chemistry kayong dalawa sa play kaya niyaya ko syang sumali sa play. Nung una hindi sya pumayag pero pinilit ko sya dahil maganda ang kalalabasan ng play kung kayong dalawa ang magka-loveteam at nalaman ko na sya pala ang author ng storya ay mas lalo ko syang pinilit na sumali at hindi nga ako nabigo." ngiting-ngiti na sabi nya. Napaisip tuloy ako kung paano pumayag yung kapartner ko kay Ms. Dani. Ang bossy kasi nito at talagang hindi ka mananalo sa kanya.

"Bukas magpra-practice na tayo at pag-uusapan ang play. Ipaalam ninyo na sa mga nakapasa na kasali sila. That's all, you can go." sabi nya pa. Nagsitayuan naman kaming lahat. 

Palabas na kami nung maka-receive ako ng text. Nung tinignan ko kung sino nag-text ay si Ms. Dani lang pala. Tinignan ko muna sya bago lumabas. Nakakapagtataka na nakapag-text pa sya sa busy hours nya.

From: Ms. Dani
Nandito ang lunch mo. Kunin mo na lang mamaya.

"Right. Sa office nya na naman." kahapon kasi after the audition saktong lunch na non, sa office nya kami kumain. Hindi ko alam na may kusina pala sa office nya kaya nagluto na lang sya kahapon at hindi nagpa-deliver. Napaisip ako. Education ba talaga ang kinuha nya? parang Culinary eh, ang sarap ng mga luto nya tapos may sarili syang restaurant.

"Aww!" napatingin ako sa taong nakabunggo sakin. Pinupulot nya ang mga papel na nagkalat, madami yon kaya tinulungan ko sya.

"I'm sorry nagmamadali kasi ako eh." sabi nya at nag-angat ng tingin.

"Wow." out of nowhere kong sabi. Paano, ang ganda ng mga mata nya! Ocean Blue at hindi lang naman ang mata nya ang maganda, pati sya ang ganda nya. Mula sa medyo makapal na kilay, matangos na ilong, kissable lips and her ocean blue eyes! bumagay pa sa kanya ang medyo gray na buhok nya.

"Huh?" nautahan ako at tumayo.

"Ah wala." naiiling na ngumiti ako sa kanya at binigay ang mga papel na napinulot ko. Bwisit. Bakit kasi napatitig ako ng matagal sa kanya?

"Sorry talaga ah? nagmamadali lang. Paano, una ako ah bye bye." sabi nya at nagmadaling tumakbo. Sinundan ko na lang sya ng tingin. Bigla syang nadapa kaya napatakbo ako papunta sa kanya.

"Hey, are you okay?" tanong ko sa kanya at tinulungan syang tumayo.

"Ah okay lang ako." sabi nya sabay yuko para kunin ulit yung papel na nakalat na naman. Tinulungan ko sya pulutin iyon.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka, 'di baleng nagmamadali basta nag-iingat." pasermon ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang mga papel sa kanya.

Natawa ako nung magpout sya. Cute.

"Para kang nanay ko na lagi akong pinapaalahanan na mag-ingat." sabi nya.

"Clumsy ka kasi." nakangiting sabi ko. Bigla syang namula at napaiwas ng tingin. Nahiya sya dahil alam nyang totoo.

"A-ano, salamat. Sige mauna ako bye bye ulit!" sabay takbo nya na naman.

"Mag-iingat ka!" sigaw ko pero hindi ata uso sa kanya ang ingat dahil may nakabunggo na naman syang tao pero si Nike naman yon. Tinulungan sya ni Nike magpulit-ulit ng mga papel kaya hindi na ako lumapit.

Pinanood ko lang ulit sya magpaalam kay Nike at tumakbo. Napa-face palm ako na may nakabunggo na naman sya. Ano ba yan.


-----------------


Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon