"Am I talking to you?" Malamig pa ring tanong ni Gene.

Kyo clicked his tongue as response.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang ama niya?" Paghahamon ni Gene sa pinsan. He's the beta. Walang magagawa si Kyo kung hindi ang manahimik at sundin ang bawat utos nito.

Hindi ko na alam kung anong hitsura ni Kyo pagkasabi noon ni Gene. Basta narinig ko na lang ang marahas na pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Halos kasunod noon ang pagtawag ni Kira sa kapatid kasunod ang panibagong pagbukas at pagsara ng pinto.

Nagbuntong hininga na lang si Cute sa nangyari. Agad naman akong ginapangan ng konsensiya.

'You're destroying this family!'

Wala sa sarili akong napahawak sa pendant ng aking kwentas.

"Ayana," napatalon ako sa pagod na boses ni Cute, "Alam kong hindi madali para sa iyo ang lahat ng ito. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa mga sinabi ni Daisuke sa iyo kanina. Sometimes we say things at the heat of the moment without thinking them through. Hindi mo man aminin na nasaktan ka sa mga binitawan niyang salita, humihingi pa rin ako ng despensa," he said bago bahagyang yumuko.

"Please raise your head, Cute. I don't deserve such gesture. But I appreciate your kindness," sabi ko bago nilingon ang nakatagilid na bulto ni Gene, nakaigting ang panga at nakahalukipkip.

"Gene," tawag ko rito at parang bolang nawala ang poot sa mukha nito at napalitan iyon ng pagsusumamo.

"May kailangan ka, Princess?" Mabilis niya uli akong dinalo.

Seeing him like this weakens my resolve. I can't allow myself be easily swayed by my emotions. I cleared my throat as I cleared my heart with these useless feelings.

"I'm fine, Gene. For now, I just want to be alone. Can you give me that?" Pagod niya akong tinignan at tila aalma siya sa gusto ko. Ngunit tumango rin siya sa huli.

"Alright, Princess, I'll give you time alone. But if you needed me, nasa labas lang ako ng pintuang iyan, you understand?" Sabi nito sabay turo sa mga pintuan ng library. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Okay. Be safe here," huli nitong sinabi bago ako mabilis na hinalikan sa ulo.

I stared at their retreating backs and felt my world getting emptier. Gusto ko silang sundan at magmakaawang huwag akong iwan but that would only mean I'm not strong enough. Ikinuyom ko na lang ang aking mga palad at iniwas ang aking paningin away from them.

But when I heard the doors closed, parang may kumurot sa puso ko at binalot ito nang matinding kalungkutan. I ran to the doors before I could stop myself.

Pero nang nasa harapan na ako ng mga pintuan, hindi ko naman maigalaw ang mga kamay ko. I couldn't even call out to him.

He's just outside! How hard can it be?

I gathered all my strength so I could raise my hand and turn the knob. Hindi ko pa masyado nabubuksan ang pinto, nakita ko ang likod ni Gene na malapit lang dito. Kasalukuyan niyang kausap si Mimi. Pansin kong wala sa paligid ang mga kambal. Okay lang kaya sila?

Lalabas na sana ako pero ginapangan na naman ako ng takot. Takot na baka mapahamak ko na naman sila. I'm not allowed to get out of here after all. Akma na sana akong babalik sa loob nang mahagip ko ang pinag-uusapan nila.

"I failed her again, Mi," muli akong napalingon sa malungkot na likod ni Gene.

"I wanted to protect her but everytime I do, mas lalo lang siyang napapahamak. I'm a failure as a father," hinagod ni Mimi ang likod ng kanyang asawa para i-comfort ito.

Paper Stars (Self-Published)Место, где живут истории. Откройте их для себя