"Damn it!" Umalingawngaw ang sigaw ni Gene matapos sipain ang isang silyang malapit sa kanya.

"Will you calm down?! Huwag mong daanin sa init ng ulo ang sitwasyon!" Asik ni Cute sa pamangkin, "Kahit gaano kaanghang pakinggan ang mga salita ng iyong ama, ama mo pa rin iyon!"

Enough.

"He just hurt my daughter! Sa harapan ko pa!"

Enough.

"And there's no excuse for that, of course! Mali ang ginawa niya, alam natin iyon. But to answer a mistake with another mistake will not make things right! Si Aya pa rin ang maiiipit dito. Siya pa rin ang magiging kawawa!"

"Enough!" Natahimik ang lahat sa bigla kong pagsigaw.

Mabilis ang pag-taas-baba ng aking mga balikat sa galit na nadarama para sa sarili. Gusto kong umiyak sa inis! Gusto kong parusahan ang sarili ko! I did this to Gene! I already told myself not to give him troubles pero heto na naman at pinahihirapan ko siya! I'm an idiot! Stupid! Useless! Worthless!

Napapitlag ako nang bigla akong daluhan ng nag-aalalang Gene. Kasunod niya si Cute na nag-aalala rin. Nakatayo pa rin sa may pintuan ang magmamatyag na mga anak nito. Bakas ang pagkagulat sa nasaksihan.

"Are you alright, Aya? Masakit pa rin ba? Let me see your che..." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil agad kong pinaalis ang kanyang papahaplos na kamay. Tila nabigla siya sa aking inasta.

"I'm alright, Gene. Don't worry too much. Sanay naman ako sa sakit dahil sa araw-araw kong pag-eensayo ng martial arts. This is nothing. I'm fine," malamig kong sambit nang hindi siya tinitignan sa mata.

"This is not fine, Ayana!" Napapitlag ako sa pagtaas ng kanyang tono at napalingon ako sa namumula na niyang mukha.

"I will not allow my daughter to settle with being fine after getting hurt like that! For once, cry! Magsumbong ka sa akin kung saan banda ang masakit. Huwag mong tiisin lang lahat. Magsumbong ka sa akin at gagawin ko ang lahat, sa abot ng makakaya ko bilang tumatayong ama mo, maibsan lang ang sakit na nadarama mo!"

Napasinghap ako sa kanyang mga sinabi. Gusto ko sanang sumuko na lang, yumakap sa kanya at humagulhul but if I do that para ko na ring inamin sa sarili kong tama nga ang mga paratang nila - na mahina ako. I bit the sides of my mouth to stop myself from giving in.

Lumuhod si Gene sa harap ko't marahang ikinulong sa kanyang mga palad ang aking mukha. His eyes reflected his love for me as his daughter.

"Pakiusap, anak, huwag mong sabihing okay ka lang gayong alam nating hindi naman talaga. Kasi kapag nasasaktan ka, nasasaktan din si daddy," parang dudugo na ang bunganga ko kakakagat para lang pigilan ang mga nagbabadyang luha, "At sa tuwing tinitiis mo ang sakit, mas lalo akong nasasaktan," muli akong napasinghap sa sinabi niya.

Pakiramdam ko ilang sandali na lang at matitibag na ang mga pader na itinayo ko sa aking puso. At hindi iyon matatanggap ng pride ko. Paulit-ulit kong inaalala ang mga salitang binitawan ni Dice at agad nitong pinapatatag muli ang mga pader sa paligid ng aking puso.

With renewed resolve, I, once again, shove Gene's hands away. Hindi nakawala sa akin ang kaagad na pagdaan ng sakit sa mukha nito.

"I said I'm fine, Gene. I'm fine," matigas kong sabi rito, "Kasalanan ko rin naman iyong nangyari kanina. If I didn't provoke them by coming out dressed as a man..."

"Buti naman at alam mo," napalingon kami sa nagsalita. Si Kyo.

"Kyo!" Saway ni Cute sa kanyang anak.

"What did you just say?" Malamig na tugon ni Gene sa pinsan.

"I just agreed with her statement. Anong mali roon?" Sagot pa nito bago niya ako tinapunan ng matalim na tingin. Kaagad namang pumagitna sa amin si Gene, hiding me from his cousin's line of sight.

Paper Stars (Self-Published)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin