CHAPTER 25: "Happy Ever After"

408 15 0
                                    

~Joey's POV~


Maayos, masaya, at engrande namin naidaos ni Ryan ang kasal naming dalwa sa napakagandang lugar ng Jeju island. Nandun ang lahat ng mga taong malalapit sa 'min kaya naman ramdam na ramdam namin ang saya nila para sa 'ming dalwa.


"Ryan, ipinauubaya ko na sayo si Joey, kaya sana.... Ingatan mo siya at wag mo siyang sasaktan? Maliwanag?" paalala ni lolo kay Ryan pagkalapit niya sa 'min.


"Opo lolo, makakaasa po kayong pasasayahin ko siya, iingatan ng higit pa sa buhay ko, at mamahalin ko habang buhay." Sagot ni Ryan habang sumuluyap siya sa saglit sa 'kin at ibinalik din agad niya kay lolo yung tingin niya.


"Mabuti naman kung ganun." Patangong wika ni lolo. "Ang saya sigurong magkaapo sa tuhod ng isang dosena?" sabi niya na may halong biro atsaka ngumiti.


Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Lolo!? Ano ba yang iniisip niyo?? Hindi pa po ako handang magkaanak! Atsaka mga bata pa po kami." May hiya kong dahilan.


"pero kasal na kayo hindi ba? Kaya pinahihintulutan na namin kayo." Katwiran niya sabay muling ngumiti.


"hayaan niyo lo, mamayang gabi sisimulan na namin yung isang dosena niyo." Sinakyan pa talaga ng loko kaya agad ko siyang siniko sa tyan. "Aray!"


Matapos niyang dumaing ay sinamaan ko pa siya ng tingin "isa ka pa! sumakay ka naman?"


"biro lang eh? ang init agad ng ulo mo? buntis ka ba?" –Ryan


"Sira! Wala namang nangyayari eh. Pano mangyayari yun??" –ako


"hayaan mo mamaya may mangyayari na." –Ryan


"awan sayo! Loko ka talaga!" –ako


Panay ang pang-aasar sa 'kin ni Ryan na muntik na naming makalimutan na kaharap pa pala namin si lolo kaya naman agad din kaming napatingin sa kanya nung tumawa siya. "hahaha! Sige na, maiwan ko na muna kayo." Sabi ni lolo tsaka na niya kami iniwan para makipag-usap naman sa ibang bisita.


Agad lumiwanag ang mukha ko nang makita ko sina Aaron at Hana.


"Ryan. Joey." Bati ni Aaron sa 'min pagkalapit niya.


"Congratulation sa inyo!" bati naman ni Hana.


"salamat Aaron." Pangiti kong sagot kay Aaron.


"salamat." Sagot naman ni Ryan kay Hana.


"Ehem!... Joey.. ngayong kasal ka na... siguro naman hindi ka na magdididikit dito kay Aaron ko? Hmf?" deretsong tanong ni Hana sa 'kin.


"Hana?" bahagyang saway ni Aaron kay Hana sa sinabi nito.


My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon