CHAPTER 1: "New School"

962 37 0
                                    

~Joey's POV~



Weekend ngayon. Walang pasok, pero hindi ibigsabihin ay ligtas na ako sa TRABAHO ko.

OO, working student ako. Pumapasok ako ng week days at nagtratrabaho naman ako ng part time every weekends. Ayoko kasi ng tambay lang ako sa bahay habang ang lahat ay abala sa sari-sarili nilang trabaho. 

Si mama kasi kung hindi siya abala sa bahay ay madalas nasa boutique siya ng kumare niya at tumutulong magtinda. Si papa naman, pumapasok sa opisina. Empleyado kasi siya sa isang maliit lang na kompanya kaya hindi din kalakihan ang sweldo. Tama lang para makakain kami ng tatlong beses araw-araw. 

Kaya naisipan kong magpart-time para kahit paano ay may magastos ako para sa sarili ko araw-araw. Para na rin mabawasan ang gastusin sa 'kin ng mga magulang ko.

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ko nang may isang malapit na tao ang bumisita. Laking tuwa ko nang makita ko ang bestfriend kong si Aaron.

"oh Aaron? Naligaw ka ata dito?" bungad ko sa kanya.

"Hindi ako naligaw. Sinadya ko talagang pumunta dito. Hindi naman siguro masamang bisitahin ang bestfriend ko diba?" sagot niya sabay ngiti.

Napangiti din naman ako. "ahh.. teka, baka mamaya sugurin na naman ako ng selosa mong girlfriend ha?" pabiro kong tanong.

Napatawa siya sabay tingin sa relo niya. "uhm... actually.. pasugod na nga siya dito eh."

"Ano?!" –ako

3...

2..

1..

Nagmistulang parang bumagyo sa labas sa lakas ng naging pagbukas ng pintuan ng coffee shop sa pag grand entrance ni Hana. Agad siyang lumapit sa 'min ni Aaron, at tulad ng madalas niyang eksena kapag nakikita niya kaming magkasama ni Aaron ay mataray niya kaming kinompronta.

"Hoy Mr. Aaron Won! Nakikipagkita ka na naman sa babaeng yan?? Diba sinabi ko naman sayong ayokong nakikipagkita ka sa kanya?!" galit niyang kompronta kay Aaron.

Babago pa lang bubuka ang bibig ni Aaron nang sunod na bumaling sa 'kin si Hana. "At ikaw babae ka! Kelan mo ba titigilan ang boyfriend ko? Hindi ka na ba talaga nahiya!?"

Bago pa man lumala ang pag-eexagerate ni Hana, at bago pa din ako makasagot sa kanya ay naawat na agad siya ni Aaron.

"Hana nagselos ka na naman? Alam mo namang halos magkapatid na kami nitong si Joey eh." Kalmadong paliwanag ni Aaron kay Hana.

"Tsaka isa pa Hana.. kahit hindi pumunta dito yang si Aaron, magkikita at magkikita pa din kami niyan. Magkapitbahay lang kaya kami." Poker face kong dagdag na tila lalong ikinainis ni Hana.

"I'm not asking for your opinion and I don't care kung magkapitbahay pa kayo. Basta naiirita ako pagnalalaman kong nagkikita kayong dalwa, and for your info... Di kita gusto!" mataray niyang sagot sa 'kin.

"Okay lang yun. Hindi din naman kita gusto eh." sabi ko sa kanya sabay baling kay Aaron. "Aaron, kung may date man kayong dalwa.. pwede.. sa ibang lugar na lang kayo?" Ayoko sanang maging rude pero tila nawalan ako ng mood kaya naisip ko na silang itaboy.

"wala naman pati akong balak makipagdate dito, kaya Aaron tara na!" Hindi na nakapagsalita pa si Aaron dahil agad siyang hinila palabas ng coffee shop ni Hana.

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon