CHAPTER 2: "First day at Chung Ju"

473 22 0
                                    


~Ryan's POV~



Tahimik akong kumakain ng breakfast habang nag-uusap naman sina mommy at daddy, ngunit hindi nagtagal ay nagsimula na silang magtalo. Ayaw na ayaw kong maririnig na nagtatalo sila kaya hindi ko na tinapos ang breakfast ko, at tumayo na ako.


Sa pagtayo ko.. aktong paalis na din sana ako nang agad din akong matigilan nang sitahin ako ni daddy. "Oh Ryan? Hindi ka pa tapos kumain aalis ka na? Ganyan ba ang itinuro namin sayo ng mommy mo??" seryoso niyang sambit.


"Sorry dad. Pero nawalan na po ako ng gana. Papasok na po ako." Malamig kong sagot sa kanya sabay alis.


Medyo walang galang mang pakinggan pero nakakawala talaga ng gana bagay ang mga kasama mo sa hapag kainan ay sigawang sigawan, kaya masmabuti pang umalis na lang.


Pagdating sa school. Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakita akong babaeng nakatayo sa gitna, pero hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang ako sa paglalakad ko. Medyo nairita ako dahil nakahara siya sa dadaanan ko kaya naman hindi ako nagdalwang-isip na sagiin siya. Na out of balance at napaupo ang babae.


Mahina lang naman yung pagkakasagi ko sa kanya eh. Malay ko bang medyo may kalampahan pala siya?


"Hoy mister!"


Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatayo na ulit siya.


"Ganun ba ko kaliit para hindi mo makita?" sita niya sa 'kin.


Hindi ko siya sinagot sa halip ay tiningnan ko lang siya, at hindi nagtagal ay tumalikod na ulit ako at nagpatuloy sa paglakad.


Masama ang umaga ko kaya wala akong panahon makipag-usap sa kahit kanino lalo na sa hindi ko kilala.



~Joey's POV~



Pagdating ko ng Chung Ju University ay dumeretso agad ako sa administration office para magpa-assist at magfill-up ng mga documents ko para sa paglipat ko ng Chung Ju. After nila ako i-orient about sa rules and regulations ng school ay agad na din akong lumabas ng office. Nakatayo lang ako sa tapat ng isang bulletin board na nasa hallway habang hawak-hawak ang schedule sheet ko na naglalaman ng mga rooms na dapat kong puntahan at mga subjects na ite-take ko sa 3rd year ko.


"Ito na 'to! Nasa Chung Ju na ko tulad ng kagustuhan ng mga magulang ko." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa schedule sheet ko.


Huminga ako ng malalim para kahit papano ay maalis ang bahagyang kaba na nararamdaman ko. Nakatayo lang ako sa harap ng bulletin board nang may biglang sumagi sa 'kin na naging dahilan para ma-out of balance ako. Hindi pa man nakakalayo ang lalaking sumagi sa 'kin kaya mabilis agad akong tumayo, at tinawag siya.


"Hoy mister!" sigaw ko sa kanya.


My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon