CHAPTER 17: "Summer Vacation (1)"

376 24 0
                                    

~Joey's POV~



Bakasyon na! At ito na din yung panahon na kinailangan na naming lumipat ni Ryan sa apartment. Nang nasa apartment na kami ay tila medyo nasurpresa ako sa nakita kong ayos ng apartment. Fully furnish na ito at kumpleto na din sa gamit. Nilibot namin ni Ryan ang buong bahay.


"Wow ang ganda! Nakakatuwa naman! At kompleto na din sa gamit." Mangha kong wika habang abalang-abala ang mga mata ko sa pag-uuli sa buong bahay. Nang makarating kami sa kwarto... "Ang ganda naman dito, nakaka-relax ang ambiance!"


Tuwang-tuwa ako sa mga nakikita ko, pero biglang napawi yun nang mapansin kong iisa lang ang kama sa kwartong iyon.


"Teka.. parang may kulang??" –ako


Agad din namang napatingin sa 'kin si Ryan. "Kulang?? Ano namang kulang??"


"Teka.. iisa lang ang kama!!?" hindi ko napigilang magtaas ng boses at medyo maghisterical dahil sa narealize ko.


"Natural, iisa lang ang kama, dahil ang apartment na 'to ay pinasadya para lang sa COUPLE." May diin niyang paliwanag.


"So wag mong sabihing..." hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko.


"Tama ang iniisip mo. Dahil iisa ang kama... magkatabi tayong matutulog." –Ryan


"Ano!!? Magkatabi tayong matutulog!?? Hindi pwede yun!!" todo protesta ko.


Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Kung iniisip mo na baka may gawin ako sayo, wag kang mag-alala, hindi kita type para gumawa ng ganung bagay. May other choice ka naman eh. Kung ayaw mo kong katabi pagtulog edi sa sala ka matulog. Pabor pa sa 'kin yun kasi solo ko yung kama." Aniya at lumabas na siya ng kwarto. Habang naiwan naman akong nakabusangot sa tayo ko.


Bwiset talaga 'to ah? At ako pa talaga ang balak niyang patulugin sa labas? Napaka ungentleman talaga niya!!


Yun na ang naging simula ng malagim kong bakasyon. At dahil wala kaming ibang pwedeng asahan sa lahat ng gawain sa bahay, lalo na sa pagkain namin ay sinimulan na naming mamili ng lulutuin para sa hapunan.


Pumunta kami sa supermarket para mamili ng mga ingredients. Habang ako ay tumitingin ng bibilhin, si Ryan naman ay tahimik lang na nakasunod sa 'kin.


"Marunong ka bang magluto?" tanong niya sa 'kin.


"Sakto lang. Tumutulong kasi ako kay mama sa tuwing magluluto siya ng hapunan namin, kaya at the same time, natututo ako ng ilang lutuin." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.


"Mabuti kung ganun, kasi nakakahiya naman sa 'kin kung hindi ka marunong magluto diba??" aniya at nagpatiuna na siyang naglakad sa 'kin habang nakangisi.

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon