Tumingin ako sa dala nyang tray. Wow ang bilis nyang makakuha ng meryenda ko, eh kakaakyat ko lang. Naglakad ako palapit sa kanya. Mukhang nataranta sya sa paglapit ko sa kanya. Oh well, I'm still naked.

Kinuha ko ang sandwich sa tray at kumagat habang nakatingin kay maid na hindi nakatingin sakin pero napalingon sya sakin tapos napalunok habang nakatingin sa mga labi ko. I licked my lips. Gusto ko matawa dahil sa itsura ni maid. Parang yung pinapahubad ko sa kanya yung damit ko non, ganon na ganon ang itsura  nya ngayon.

"Thanks maid. Iwan mo na lang yan sa study table ko. Maliligo lang ako." sabi ko bago iwan sya don na namumula. Hinayaan kong panoorin nya akong maglakad papunta sa banyo na nakahubad.

After kong maligo, lumabas ako ng banyo na nagpupunas ng katawan. Napatingin ako sa study table ko, nandon yung meryenda ko pero may isang pirasong papel na nakapatong don. Tinignan ko kung ano ang nakasulat.

Alam kong sexy ka pero wag mo naman ilantaran sa harap ko.

Iniimagine ko ang mukha ni maid habang sinusulat to, for sure at palagi naman namumula ang mukha nya.

Sorry sya pero ako ang amo saming dalawa kaya hindi ko sya susundin. Itinago ko sa drawer ang papel at nagbihis na ng pambahay.


Kinabukasan. Palabas pa lang ako ng bahay kasabay si maid dahil bubuksan nya yung gate nang may bumisina. Binuksan ni maid yung gate at bumungad samin ang red BMW i8. Wow yaman naman nito naka-BMW.

Biglang umangat yung pinto ng kotse at lumabas ang may ari non. Kumunot ang noo ko na makita si Ms. Dani.

"Goodmorning Ms. Kyo." bungad nya. Lumapit ako sa kanya.

"Goodmorning din Ms. Dani anong ginagawa mo dito? at paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ako ay may kinuha sya sa kotse nya. Isang paper bag.

"Your breakfast Ms. Kyo. Hindi ako makakapasok ngayon dahil may pinaasikaso sakin ang Director. Mag-meeting kayo ng theater club at pagdesisyunan ninyo kung anong kwento ang gagawin ninyo. I have to go now. Ipapadala ko na lang ang lunch mo mamaya. See ya." sabi nya at sumakay sa mamahali nyan BMW. Grabe sa dinami ng sagot nya wala don yung tanong ko kung saan nya nalaman ang bahay ko.

Tinignan ko kung anong oras na. Maaga pa. Hinila ko papasok sa loob ng bahay si maid.

"Dalhan mo ako ng drinks sa garden doon ako kakain." utos ko kay maid at pumunta sa garden.

Tinignan ko kung ano ang pagkain na ipapakain sakin ngayon ni Ms. Dani. Napansin ko na may papel sa loob. Kinuha ko yon at binasa.

Make your day special. Eat Ms. Kyo.

Napailing ako sa nakasulat. Parang si maid din 'to eh nag-iiwan ng sulat sa pagkain ko. Inamoy ko ang sulat ni Ms. Dani. Smell like men perfume. Yun ang pabango nya dahil naamoy ko din yon nung lumapit sya sakin kahapon. Nagtataka nga ako kung bakit panlalaki ang pabango nya pero hindi naman kami close para tanungin sya.

Kinuha ko ang lunchbox at napanganga ako nang makita ang laman nito. Ang ganda kasi ng pagkaayos parang bento box sya o talagang bento box 'to. May sushi at rice balls na may mga design pa. Nakakapanglaway! matagal ko ng hindi nakakakain ng sushi dahil ayaw gumawa ni Papa at matagal na kaming hindi nakakauwi sa Japan. Nice Ms. Dani you made my day.

Napatingin ako sa cellphone ko. May nag-text pero unknown number. Binasa ko na din dahil baka importante.

From: 09*******
By the way ako nagluto nyan. Eat well again Ms. Kyo.

Kahit na walang nakaligay kung kanino nanggaling ay alam ko na kung kanino.

To: Ms. Dani
San mo nakuha number ko?

Tanong ko habang sinisimulan na kainin ang dala nya.

From: Ms. Dani
Thank you sa pagkain.

Natawa ako at nagtype.

To: Ms. Dani
Your welcome.

Nagulat ako nung tumawag sya. Aba tinamad mag-type pero sabagay nagdri-drive sya baka maaksidente pa 'to. Sinagot ko na lang.

"Masarap ba?" unang bungad nya. Hindi uso hello?

"Hindi." pero ang totoo? ang sarap sobra! mas masarap pa sya gumawa kaysa kay Papa.

"You know what? Ikaw lang ang hindi nasarapan sa luto ko. Sure ka bang hindi masarap?"

"Hindi nga, masyadong maalat, yung iba ang tabang. Kung laging ganito, hindi na ako magpla-play." napangiti ako. Oo nga 'no? bakit hindi ko yon gamitin pang-blackmail sa kanya.

"Sorry, sasarapan ko na mamaya sa lunch mo." teka sya rin ang gagawa ng lunch ko? akala ko magpapa-delivery lang sya dahil magiging busy sya.

"Hindi ka ba busy nyan?"

"Nope. Sa restaurant ko naman kami magme-meeting ng ka-meeting ko kaya pwede ako mag-time out at gawin ang lunch mo." mayaman nga talaga 'to at may sariling restaurant pero bakit nagtuturo sya kung may pagkakabusyhan naman pala sya?

"Wag na. Next time mo na lang gawin. Kapag busy ka wag mong gawin." narinig kong bumuntong hininga sya, "Don't worry hindi pa ako aayaw." natawa sya kaya napairap ako.

"Okay, okay." nagpaalam na sya kaya nagpatuloy na ako sa pagkain.

Kumunot ang noo ko dahil hindi pa din dumadating ang drinks ko. Mabibilaukan na ako wala pa din.

"Maid!" patawag ko. Nakarinig ako na basag ng babasagin. Mabilis akong tumayo at pinuntahan ang nabasag na babasagin. "Maid!" nataranta ako nang makita ko si maid na nagpupulot na basag na baso. "Ako na, baka masugatan na naman kamay mo." pinigilan ko syang hawakan ang basag na baso.

Pinulot ko ang mga basag na baso at winalis para kung may maliit na basag ay hindi makabubog. Itinapon ko sa basurahan ang basag na baso at pinuntahan si maid sa loob ng bahay.

"Bakit yun nabasag? tsaka bakit ang tagal mo kanina?" tanong ko sa kanya. Nakayuko lang sya habang hawak ang whiteboard nya. Napabuntong hininga na lang ako.

Tinignan ko kung anong oras na. Mala-late ako kung hindi pa ako aalis.

"Ligpitin mo na yung pinagkainan ko sa garden." utos ko at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

Pinuntahan ko si maid pagkatapos kong uminom.

"Buksan mo na yung gate. Kailangan ko ng pumasok." pumunta ako sa garahe at pumasok sa kotse. Mula sa side mirror tignan ko si maid. Mukhang hindi maganda ang umaga nya dahil sa kinikilos nya.

Inilabas ko ang kotse ko at tumigil saglit.

"Maid." patawag ko sa kanya nung isasara nya ang gate. Lumapit sya sakin. "Ilapit mo mukha mo." utos ko. Nagtataka sya pero ginawa nya naman. Mabilis ko syang hinalikan sa labi. Nakita ko na naman ang namumula nyang mukha. "Bye." ngiting sabi ko at pinaandar ang sasakyan.

Tinignan ko ang side mirror ko at natawa ako dahil nandon pa din sya sa labas. Hay nako maid. Bakit ba ang cute mo?


-----------------


Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now