"Ako na!" masiglang sabi ni Jade na nakalunok na naman ng microphone. Si Veron na yung nagpatugtog.

Ang panget ding sumayaw ni Jade pero todo bingay sya at sobrang hyper kaya may points sya ron. Kami ni Jade ang palaging nasa duluhan kapag kaming lima yung sasayaw. Ayoko lang masyadong pansin.

"Oh ano nganga kayo 'no?" tanong nya pagkatapos nyang sumayaw. Hinihingal pa sya nyan.

"Nakakapagod magsalita ng paulit ulit." sabi ko. Sumimangot naman sya kaya napangiti ako.

"Ikaw na nga Nissan." sabi ni Jade at umalis sa harap namin.

Napaayos ako ng upo nung nahihiyang lumakad sa harap namin ni Kris si maid. Nginitian ko sya.

"Goodluck." sabi ni Kris. Napatingin ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin pero hindi sya nakatingin sakin kundi kay maid. Bwisit 'to naunahan pa ako magsabi non kay maid. Tapos 'tong si maid nginitian si Kris pero ako hindi. Asar 'to ah.

"Simulan mo na na makapagpahinga na ako." sabi ko at humalumbaba.

Tumango sya at hinintay nya na patugtugin ni Veron ang Trumpets.

Tinakpan ko ang bibig ko para wag matawa kay maid. Seryoso ba 'to? hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa pinaggagawa ni maid. Halatang hindi sya gusto ng sayaw pero shet lang! bakit ang cute nyang tignan at ang hot nya pa din!

After nyang sumayaw, walang umimik samin ni Kris. Hindi ko alam kung ano nararamdaman nya nung sumayaw si maid basta ako? natatawa ako sa pinaggagawa nya.

"Ano masasabi nyo sa sayaw ni Nissan?" natatawang sabi ni Fin. Napayuko tuloy si maid at tila nahiya sa ginawa nya.

"She's cute." napairap ako na maunahan na naman ako ni Kris.

"Hindi sya katulad nyong mukhang tangang sumayaw." sabi ko. Napatingin naman sakin si maid, palihim ko syang kinindatan and as always, namula ang mukha nya.

"Grabe talaga kayo noh? ang sasama nyo." nagtatampong sabi ni Gia. 

"Nagsasabi lang ako ng totoo dahil mahal ko kayo." sabi ko at natawa. Sinamutan lang ako ng apat lamang si maid ay nakangiti. "By the way maid, hindi ako mag-aalmusal dito bukas." nagtatakang tumingin sya sakin. "May kasabay ako."

"Sino naman?" tanong ni Veron.

"Si Ms. Dani. Ililibre nya ako araw-araw bilang papayag na maging bida sa play namin." walang gana kong sabi.

"Seryoso?!" gulat na sigaw ni Fin. Nagtatakang tumingin kami sa kanya.

"Oh bakit parang gulat ka dyan?" tanong ni Jade. Bigla naman hindi mapakali si Fin.

Bigla ko naalala na may crush pala sya kay Ms. Dani. Napangiti akong nang-aasar kay Fin, sumimangot naman sya sakin kaya natawa ako. Wag mong sabihin nagseselos sya? grabe ako na bestfriend nya pagseselosan nya? tsaka hindi naman ako katulad nyang gay 'no. Hindi ko pag-iinteresan si Ms. Dani pero yung kakaibang nararamdaman ko kanina sa office nya. Hindi ko pa matanto kung ano yon pero ayokong agawan si Fin kaya wala akong balak na magustuhan si Ms. Dani, si maid na lang. Napangiti ako sa naisip ko.

"May hindi ba kami nalalaman dito Fin, kaliwa?" tanong ni Gia. Nginitian ko lang sila at tumayo na.

"Yan ang tanungin ninyo." patukoy ko kay Fin. Umakyat na ako sa kwarto ko bago pa ako gerahin ng tatlo.

Naghubad ako ng damit ko at naglakad na nakahubad papunta sa closet ko. Napatingin ako sa pinto na bumukas ito. Nakita ko na naman ang namumulang mukha ni maid habang nakatingin sa katawan ko.

"What do you want gorgeous?" sumandal ako sa closet ko habang nakatingin sa kanya. Namula lalo ang mukha nya at napaiwas ng tingin. Hindi ko naman maiwasan hindi mapangiti. Bakit ba ang cute nya?

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon