*BLAGG*

Natumba nanaman ako sa sahig bakit ba ang hilig mamangga ng mga tao dito?! "Aray ang pwet ko T^T" sino ba yong bumangga sakin ng mapatay ko!

"A-Ay pasensya na nagmamadali kasi ako eh" nakita ko namang may isang poging nilalang sa harap ko na nakalahad ang kamay.

Nawala naman agad yung galit ko kinuha ko ang kamay niya at tinulungan akong tumayo "Salamat okay lang" ngumiti ako.

Ngumiti naman siya sakin "You look new here? May I ask your name?"

"A-Ahh Chazandra, Chazandra Miracle" nakangiti kong bati feeling ko matutunaw ako ang ganda ng mata niya pati yung ngiti *0*

"Nice to meet you Chazandra, I'm Bleeze Arbozo" sabi niya kaya kinamayan ko naman siya.

"Oyyyy! Dude! Nakabalik ka na pala! Bakit hindi ka nagsabi samin ah? I miss you brooo!" napalingon naman kaming dalawa sa likod niya nakita ko namang may isang gwapo din ang papalapit samin, sheyt ang daming gwapo nakakatakot!

"Tyron dude! Haha oo nakabalik na ko, gusto ko sanang supresahin kayo e" Bleeze.

Siya pala si Tyron infairness gwapo din kaya pala crush na crush ni Kiesha napalingon naman sakin yung si Tyron.

"Oh you must be that Chazandra right? I'm Tyron Grenne" kinamayan ko din siya. Wait kilala niya ko? Psh nevermind.

"H-Haha oo ako nga, sige una na ko ah?" ako.

Umalis naman ako doon "Oh dude nandyan ka din pala kamusta na Zhyron! Namiss mo ba ko?" Bleeze.

Nasa likod ko lang pala si Zhyron kanina? Weird.

"Sawakas buo na ulit tayoooo! Buo na ang THREE KINGS!" rinig kong sinigaw ni Tyron.

Pagkalabas ko naman marami nanamang nagbubulungan.

"OH MY GAASH buo na ulit yung THREE KINGS!! Kyaaah!"

"Ang gwa-gwapo ang hohot hays jusko! PAHINGING TUBIG!"

"Akin si Bleeze!"

"Akin si Tyron kaya back off sa iba jan!"

"And Zhyron is only mine!"

Jusko ano ba naman tong mga babaeng to lahat nalang inangkin? Weird. Hays.

"ZANDRA!!"

Sigaw ng isang tao na kilalang kilala ko nakita ko namang may babaeng patakbong lumalapit sakin "Oh? Kiesha? Anong nangyare sayo?" tanong ko naman.

Nung makarating siya sa harapan ko yumuko muna siya, hinawakan niya ang magkabilang tuhod niya na parang hinahabol ang hininga niya pagtapos non bigla niyang inaangat ulo niya sakin atsaka ngumiti.

"W-Wala lang ibabalita ko sana na nagbalik na si Bleeze!" Kiesha.

Jusko yun lang naman pala akala ko naman kung ano.

"Ahh oo nakilala ko na siya kanina lang nabangga ako e, sino ba siya?" ako.

"Waa talaga? Swerte mo!! Ay Tyron lang pala ako haha! Isa siya sa mga bumubuo ng three kings! Malapit siya na kaibigan nila Zhyron at Tyron kumpleto na sila uliiit!" sabi naman ni Kiesha.

"Ano ba yung three kings na yan?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Sila lang naman yung mga pinakagwapo, makikisig, magagaling at malalakas na bender dito sa Avalon University kaya sila ay tinagurian na three kings!" masayang sabi ni Kiesha.

Heir Of Zonadia [COMPLETED]Where stories live. Discover now