ALTCI - Chapter 1

9 1 0
                                    

"Daniella Marchesa po, Kakalipat lang po namin dito last month dahil sa pagpapaexpand ng business ng Father ko. Looking forward to meet everyone, Thank You!" Masaya kong pagsabi.

"Dane, Ilang ulit mo na ba yan pinapractice ha? My ears are bleeding baby." Sabi ni Mom habang nagdridrive.

First Day ko as a Senior sa bago kong school, nakakalungkot lang isipin na 2years pa bago kami makakapag graduate ng high school. Medyo nakakapressure dahil galing ako sa public school tapos mag aaral na ako sa isang exclusive school sa bagong town na nilipatan namin.

"Okay! We're here!" Mom squeeled in joy. Yes, Mas excited pa si Mom sakin.

Nagpark si Mom sa malaking parking lot sa harap ng school gate. Madaming magagarang kotse at nagsisilabasang mga studyante ng academy.

"Wow, Tignan mo oh, Kilos mayaman talaga ang mga students dito hindi katulad sa dati mong school, sinong mag aakalang nagsisiksikan sa iisang town ang mga mayayamang business people." sabi niya sabay turo sa isang grupo ng mga babaeng nagkwekwentuhan sa labas ng gate.

Malumanay akong tumango. Hindi pa kami masayadong sanay kami ni Mom sa marangyang buhay kaya medyo naninibago pa kami sa mga pang mayamang bagay.

"Tatawag nalang po ako mamaya." Sabi ko sabay halik kay Mom. Lumabas ako ng kotse at inayos ang maroon skirt at blazer ko.

Everyone was beautiful, formal and...well, Formal. Nakakatakot silang kausapin o lapitan dahil para silang mga diamonds na sa sobrang precious at fragile. No one was noticing me, bawat isa ay may sariling mundo, i mean, sino ba naman ako para manotice nila diba? Nakapasok na ako sa Main Building kung saan matatagpuan ang maraming lockers ng bawat student. Yumuko ako at tinignan ang student bookcard ko kung saan makikita ang mga rules and regulations ng school, schedules, passwords at lastly ang aking locker number which is A0086.

After a minute of squirming at pag iiwas sa mga students na nagsisiksikan sa hallway ay nahanap ko na rin ang locker ko, kinuha ko ang susi na nakadikit sa bookcard ko then opened the locker.

"Excuse me but your blocking my locker." Isang boses ang gumulat sakin mula sa likod ko na dahilan ng pagbitaw ko sa mga hawak kong books.

"Oh my gosh! I'm so sorry!" Sabi ko at biglang pinulot ang mga books sa paanan ko. Tinulungan ako ng isang babaeng may bangs.

"Hindi ko alam na magugulatin ka pala, Pasensya ka na." Sabi niya.

"Sorry, Hindi naman kasi ako ganito, ninenerbyos lang kasi ako." Sabi ko. Sabay kaming tumayo.

"Ah. Transferee ka ba? kaya pala di pamilyar ang mukha mo, Hi. My name is Haidie Solis, Senior student rin ako." Pagpapakilala niya.

"Daniella Marchesa or Dane for short. Kakalipat lang namin dito sa Pines Town last week." Sabi ko. Tumango lang siya at binukas ang locker niya. Fishticks! nagulat ako sa sobrang ganda ng laman ng locker niya, It was painted with red and black, may mga pictures at iba't-ibang palamuti.

"Pwede mo ring gawin ito sa locker mo, ibang kulay lang nga ang gamitin mo para hindi tayo pagkamalang weird." She whispered sabay tawa. Nagtaka ako kung anong nakakatawa sa sinabi niya pero di ko nalang pinansin. "Alam mo, gagawan kita ng malaking favor, ituturo ko sayo ang mga bagay-bagay dito sa academy." Sabi niya.

"Oh. It's fine, may bookcard rin naman ako eh." Sabi ko sabay taas ng card.

Pabagsak niyang sinara ang pinto ng locker niya na ikinagulat ko ulit.." Seryoso niyang sinabi ng di kumikisap.

"Hey Haidie!" Isang babaeng may brown na buhok ang lumapit sa amin.

"Oh! Grey this is Daniella, ang bago kong locker buddy." Pagpapakilala ni Haidie sakin sa babae.

"Hey. Ako si Griselda Rizza Eycee Yap." Napanganga ako sa haba ng pangalan niya.

"Or Grey for short, Lahat ng students dito yun ang tawag sakanya." Sabi ni Haidie. Tumango ako at ngumiti.

"Omg! Dane, halika dito dali!" Sabi ni haidie sabay hila sakin paalis ng hallway.

"Sandali, Saan tayo pupunta? First class ko is this way!" Sabi ko sabay turo sa kabilang hall.

"No wait, You have to see this." Sabi niya. Nakita kong marami ring mga students ang nagsisiksikan sa pinto ng Gym.

"Anong meron? Bakit ang daming babae dito?" Tanong ko. Biglang isiniksik ni Haidie ang ulo ko sa mga glass window ng pinto.

"Ok, First lesson. Sa school na ito, Basketball is everything. Nakikita mo ba yang mga lalakeng naglalaro ha? Ang tawag sakanila ay E-POWER." Sabi ni Haidie sabay turo sa mga lalakeng naglalaro sa loob ng gym.

Lumingon ako sakanya. "E-Power?" Tanong ko.

"East Power. Lima lang ang nakakasali sa E-Power, ang ibang mga varsity ay hindi kasali pero considered na next in line pag may grumaduate o na injured man. High standard si Coach Smith pagdating sa Basketball team." Pagpapaliwanag niya. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa mga lalakeng nag wawarm up. Bigla nalang bumaba galing sa bleachers ang isang lalakeng may blonde na buhok, nagsimulang magsigawan ang mga babae sa likod namin at pati na rin si Haidie.

"His Christian Harrison. Team Captain ng Basketball Team, Straight 2 times Prom King, Mr. Popular last year at Dean's lister since Freshmen." Sabi ni haidie habang kinikilig.

Tinignan ko ng mabuti ang lalakeng sinasabi niya, Totoo gwapo siya, sobrang matangkad, macho at mestizo, Siguro fil-am ito pero wala naman akong nakikita na nakakainlove sakanya, walang kilig factor at kahit konting crush ay wala talaga, siguro kasi di ko type yung mga katulad niya. Nothing seems special about him.

Nag ring ang school bell kaya nagsialisan na lahat ng babae pero naiwan parin akong pinagmamasdan ang isang lalakeng may pulang buhok na ngumingiti habang nakikipagkwentuhan sa mga cheerleader, Tumalikod siya kaya nakita ko ang apilido ng uniform niya na DWAYNE. Nagkaroon ako ng feeling na parang may tumitingin sakin kaya ibinalik ko ang tingin kay blonde hair guy and i was right. HE'S REALLY LOOKING AT ME!

Thoose Deep Blue Eyes were shining so bright na para bang nakikita mo mismo yung agos ng karagatan. Nasira yung moment ng bigla akong hinila ni Haidie.

"So, Anong class ka?" Tanong niya.

"11-ZEUS ang nakalagay dito." Sabi ko habang pinapakita sakanya ang handbook ko. Napatigil si Haidie sa paglalakad.

"No way! Talaga? Patingin nga!" Sabi niya at agad na inagaw ang handbook sa kamay ko. "OMG! Iisang class lang kayo ni Kenneth!" Sigaw niya na nagpalingon ng mga ulo sa mga studyante.

"Kenneth? Sinong Kenneth?" Tanong ko.

"Kenneth Dwayne!"

"Oh. Shit." I said na nagpapula ng pisngi ko. I think its my lucky day, My first day isn't so bad after all.

A Little too Crazy InloveWhere stories live. Discover now