Ang Pang-Tatlumpu't Isa

Start from the beginning
                                    

Hindi. Hindi ibig sabihin na nakamamahalin siyang kotse, mamahaling pabango at mamahaling bulaklak ay madalian na. 

"Okay," kibit-balikat ko. "Kaso ay pauwi na rin kami ni Lucy..." Tiningala ko si Ram. Nagbaba ito ng tingin sa akin. Sinasabi ng kaniyang mga mata na ayaw niya ang ginawa ko. Oh, well!

"Mauuna na lang ako, Chrissy, uhmm, mukhang---"

"Sasabay ka sa akin, Lucy," mariin kong putol dito habang tinitingala si Ram. Walang pagbabago sa kaniyang netural na ekpresyon na para bang alam na niya ang aking mga hakbang. 

Napanguso ako. Hindi man lang siya naapektuhan, ganoon ba?

"This is for you..." Inabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak na kaniyang hawak. Ilang segundo kong pinag-isipan bago ko kuhanin iyon. Tahimik man ay nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Ram. Mas lalo lamang akong napanguso.

"Aalis na talaga ako, Chrissy. Kita na lang tayo bukas!" asar na bulong sa akin ni Lucy. Ha, bitter!

Kung anu-ano ang binubulong niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang pakawalan siya. Napabuntong hininga na lang ako. Since wala rin naman patutunguhan kung magtatangahan kaming tatlo sa sidewalk ay pinabayaan ko na siya. Sipat naman ito ng sipat kahit paalis na!

Nang tuluyan nang makaalis si Lucy ay tiningala ko si Ram. Kanina ko pa napupuna ang kaniyang magulong buhok at ang T-shirt na may kaunting lukot. Siguro ay sa tagal ng kaniyang pagmamaneho. 

Umamba akong aalis na rin ngunit mabilis akong hinawakan ni Ram sa pulso. Nagtiim-bagang ako nang magbaba ng tingin doon. Mukhang nagulat din siya sa kaniyang inasta ngunit mabilis itong nakabawi.

"Let's go home, Chrissy. We need to talk..."

"Hindi ko makita kung bakit..." Humigpit muli ang kaniyang hawak sa aking pulso na tila ba nararamdaman na aalis ulit ako na hindi ko naman gagawin. Hindi naman ako katulad niya.

"I was needed there personally so I cannot dodge. That was our main office demanding me at hindi katulad ng iba na hinahayaan ko lang. Now, I need you to understand that. Please look at me..." 

Nag-angat ako ng tingin katulad ng kaniyang gusto. His eyes were bloodshot like he'd been driving all day just to get here. Para bang hindi pa sapat ang kaniyang pilit na nagpapakumbabang boses upang maamuin ako. 

"Okay lang naman sa akin iyon, Ram. Hindi kita pinagbabawalan sa kahit na ano. Hindi ko makita kung bakit nagbabaon ka pa ng eksplanasyon," makatotohanan kong sabi. Iyon din ang kagabi ko pang naiisip. 

Wala kaming label ni Ram. Hindi ko alam kung anong tawag sa amin, kaya hangga't maaari, wala dapat bawalan at bakuran. Iyon lang naman ang sa akin.

"Pumasok ka sa sasakyan at, hindi ko lang ipapakita pero ipapalam ko pa sa iyo kung bakit, Chrissy. Let's get you home." Umigting ang panga ni Ram, tila ba bibitak na ang pasensiya. Nabigla ako sa talim ng kaniyang boses at salita. 

Ngayon ay alam kong naapektuhan siya sa sinabi ko, at mukhang ako rin ay nadala sa kaniyang ipinakita. Mas malakas ang kabig ng aking dibdib dahil doon. Him looking exotic when he's mad makes him hotter than hell. 

Sa kagustuhan na makita ang bersyon niyang iyon ay napigtas na ang dulong tali ng aking pagmamatigas. 

Bahagya ko siyang sinilip. Siya naman ang nakaiwas ng tingin ngayon. Ebidente ang ugat sa gilid ng kaniyang noo sa masyadong pagkunot noon, pigil na pigil. Unti-unti ay tinungo ko ang pinto ng kaniyang sasakyan at binuksan naman iyon ni Ram. Nakita ko ang pagtigas ng kaniyang braso tanda nang tensyon.

Umikot na rin si Ram pagkatapos kong makapasok. Nalanghap ko kaagad ang kaniyang mamahalin at maanghang na pabango. Tahimik kami sa kotse hangga't sa ipasok niya iyon sa drive-thru.

The PristineWhere stories live. Discover now