Ang Pang-Tatlumpu't Isa

Start from the beginning
                                    


Mabilis kong sinarado ang aking cellphone. Iniyakap ko ito sa aking dibdib dahil hindi ako makahinga ng maayos. Gusto kong magalit sa kaniya at mainis ngunit hindi ko magawa. Ang gusto ko ay mag-reply na sa kaniya at sabihing mag-iingat siya sa byahe.

Pinigilan ko ang kagustuhang iyon. Tumungo na lamang akong banyo para maghanda sa school. 

Habang nagbibihis ay tumawag sa akin ang nakatatanda kong kapatid, si Kuya Ishmael. Nag-iimbita siya sa darating na birthday ng kaniyang anak, my niece. Pangatlo na niya iyon at kahit tyamba man lang sa lalaki ay hindi siya pinagbigyan. I wonder if he's going to push it, though. 

Wala akong eksaktong sagot. Gusto kong makita ang mga pamangkin ko, lalo na si Justine, pero kung ang pagpunta roon ay ang pakikipagkita kay Papa ay huwag na lang. 

"Hoy, Chrissy! Kanina ka pa tulala d'yan!" bulyaw ni Lucy sa'kin kaya naman napatalon ako bigla.

Tapos na ang aming klase at naglalakad na patungo sa labasan. Itong mga naglalakihang puno sa himpapawid ay walang silbi para pakalmahin ang silakbo sa utak ko. Namura ko kaagad si Lucy. 

"Anong bang nangyayari sa'yo?" nag-aalala niyang sabi.

"Wala...wala..." Napanguso na lamang ako. Ang totoo niyan ay iniisip ko pa rin ang imbitasyon ni Kuya Ishmael sa akin. Gusto ko talagang pumunta. I haven't seen him and the kids since ages! Pero ang ibig sabihin lang noon ay kikitain ko rin Si Gov, my reputable father.

Hindi maganda ang aming relasyon sa isa't isa. Hindi ko naman siya masisisi dahil isa siyang respetado at marangyang pulitiko. Ang isang bastarda sa buhay niya ay isang kasiraan.

Habang naglalakad kami ni Lucy ay iyon lamang ang laman ng aking isip. Nang makita ko ang kumikintab na itim na kotse ni Ram papasok ay napatigil ako sa aking paglalakad. 

Nablanko kaagad ang aking isip dahil sa katirikan ng araw ay papasulong ang tumataginting na BMW ni Ram! At nilampasan niya ang lahat ng estudyanteng manghang-mangha sa kaniyang sasakyan, para lang ako ang hintuan!

Nanuyot ang aking lalamunan habang pinanunuod si Ram ang bumaba mula sa kaniyang kotse. Hindi niya suot ang kaniyang mga suits, pero kahit na gray na T-shirt at jeans ang kaniyang suot ay hindi maitatanggi ang kaniyang kakisigan at appeal. 

Holy shit. 

Walang atubiling  tumungo si Ram sa akin dala sa kanang kamay ang isang malaking bouquet. Hindi ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko. Si Lucy na nagsusumigaw sa aking likuran ay gusto kong tuktukan dahil mas lalo kaming pinagtitinginan ngayon!

 "Hey..." Nilingon ako ni Ram pagkatapos tanguang tipid si Lucy. Hindi ko mapigilan ang pag-irap. Bahagyang tumaas ang sulok ng bibig ni Ram ngunit mabilis din itong nawala.

"Anong ginagawa mo rito, Ram?" Humalukipkip ako at sinipat  na lamang ang mga halaman sa gilid. Naramdaman ko ang mga palad kong nanlalamig na sa kaba. Damn him.

"Hindi pa ako nakakauwi sa bahay. Pinuntahan muna kita," iling niya sa akin. 

"Bakit..." pabulong kong sabi. Sinipat ko si Lucy sa aking tabi. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang pabaling-baling ang tingin sa akin, at kay Ram. 

"I wanted to see you first..." Ram carefully threaded his words. Sinipat niya ang aking kaibigan sa tabi, tila ba ayaw ng taga-pakinig. Kahit pa ganoon ay nanatili ang karera sa aking dibdib. 

Tumango lang akong tipid kay Ram pagkatapos ay iniwas muli ang tingin. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Ayaw kong makita niya ang kalagayan ko dahil ang iisipin niya'y bibigay ako kaagad. 

The PristineWhere stories live. Discover now