Entry 7

15 1 0
                                    

Entry 7 : Pacute

Sebby

Pagkatapos ng klase namin kay Prof. Pogi ay nagmamadali ang lahat para sundan si Sir sa Faculty Room nito.

Nagtititili sila at manghang mangha sa kagwapuhan nito. Samantalang ang isa kong mabait na kaibigan ay minamadali ako.

"Sebbyyy~! Let's go na. Tara na sa Cafeteria para makita na natin si Migs. Para magkalovelife na ako."sabi sakin ni Aery.

Naningkit naman ang mata ko sa sinabi nya."May gusto ka ba kay Miggy Ae?"

Natawa naman ang dalawang luka. Akala ata nagbibiro ako dito. Kahit na kaibigan ko sila, matira matibay samin. Ipaglalaban ko si Miggy.

"Wag mong sabihing nagseselos ka Seb? Seriously? Nagmamadali ako kasi nga kilala ni Migs si Sir Pogi. Magtatanong ako sa kanya para malaman kung ano ang gusto nya sa isang babae or kung ano pa man. Malay mo si Sir pala Forever ko. Oh diba? Hahahaha."Sagot naman nya sakin.

"Alam mo bes, alam na namin na inaangkin mo na si Migs kahit walang permiso nya. Kaya iyo na sya, isaksak mo pa sa baga mo. Atsaka pwede ba, sawa na kami sa mukha nya. Wala naman kasing nagtatransfer na gwapo dito eh."dagdag naman ni Lei.

"Naninigurado lang ako. Pero excuse me hindi nakakasawa ang mukha ni Miggy!"Naiiling naman sila sa sagot ko. Mga naturing mong kaibigan pero di ka sinusuportahan. Tsk.

Pagpasok namin ng Cafeteria inilibot ko agad ang mata ko para hanapin si Miggy. Pero mukhang naunahan na ako ng isa dito.

"Ayun sya!!"sigaw ni Aery at kumaripas ang takbo papunta kay Miggy. Tsk. Parang wala syang kasama ah?

"Hindi naman sya halatang desperada magkalovelife diba?"sabi ni Lei at naglakad na kami papalapit sa kanila.

"Hindi naman. Nakakatakot lang"sabi ko naman at natawa naman si Lei sakin.

Nung makalapit kami sa kanila ay napatingin naman sila sa amin ni Lei. Nakakahiya talaga itong babaeng to. Bigla nalang sya sumugod. Tss.

Bahagya kong binunggo ang braso nya para pausogin sya."Aray naman Sebby"sabi nya.

Hindi ko nalang sya pinansin"Hi Miggy. Kumain kana?"Tanong ko sya kanya at ngumiti ng pagkatamis tamis. Sana langgamin sya ng makaramdam naman sya.

"Actually, hindi pa. May inaantay kasi ako"Omo! Why so sweet Miggy? Talagang hinintay nya pa ko.

"Aww, Hinintay mo pa talaga ako ah? Ang sweet mo naman."Ang sweet naman niya.

"Ahm, Yung mga kai--"hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng dumating ang mga kaibigan nya.Tsk.

"Migs!!"napalingon naman sya sa likod nya. Infairness ah? Gwapo din ang mga kaibigan niya. Ano ito? May standard siya ng mga pipiliin nyang kaibigan?

Napalingon naman sila sa amin. At ngumiti ng nakakaloko. Alam ko na iniisip ng mga ito. Grab the opportunity na!!

"Hindi mo naman sinabi na may mga kasama tayong magaganda ngayon. Edi nakapagprepare sana kami. Hahaha"Ngumiti nalang ako bilang tugon.

"Ako rin! Hindi rin ako nainform na may mga gwapo pala kaming makakasama. Hehe."sabat ni Aery sa kanya. Jusko naman oh. Kababaeng tao hindi manlang mahiya.

Nasiko ko nalang sya. Bakit kasi napakadaldal ng bibig. Pinakain ng pinakain siguro ito ng puwet ng manok. Tsk.

Napagpasyahan ng lahat na magorder na. Kaya pati yung order namin ay kinuha na nila kaya bale nilibre nila kami.

"Ahm. Miggy?"Tanong ko sa kanya, siya lang kasi ang natira sa mga lalaki. Meaning kami nila Lei ang natira sa table. Si Aery, bumuntot agad doon sa kaibigan ni Miggy.

"Yes Sebby?"Sagot nya habang nakatuon parin ang atensyon niya sa telepono.

"Anong favorite ulam mo?"

Napatingin naman siya sa akin habang nakakunot ang noo. Infairness ang gwapo parin."Adobo, bakit?"

"Really?! Pareho tayo. Favorite ko din ang Adobo lalo na kapag may pineapple bits? Ay, ang sarap parang ikaw hahaha."Meant to be talaga kami.

Napahalakhak naman siya sa nasabi ko. Grabe ang sarap sa tainga ang tawa nya, at manly na manly.

"Hmm. Ano naman ang favorite dessert mo?"

"Marami. Salad, cake basta marami."sagot nya.

"Hahaha. Sabi na eh! Meant to be talaga tayo, pareho tayo ng mga favorite eh."Napatawa nalang siya ng mahina. Ayan Sebby alam mo na ah? Malapit kana kaunting push pa bessy.

Sakto naman dumating na sila dala dala ang mga pagkain naming lahat at tangay tangay yung kaibigan naming desperadang magkalovelife.

Napuno naman ng tawanan ang lamesa namin. Kaya napapatingin ang mga dumadaan sa amin.

First step na ito sebby! Kilala mo na ang mga kaibigan nya at nakabonding mo din siya. Tapos pareho pa kayo ng mga favorites. Hayy, naniniwala na ako sa forever.

"Hoy! Mukha kang tanga na ewan kanina. Ang landi mo be. Pamahinhin mahinhin mode ka pa puro ka din naman pacute at da moves kay Miggy jusko nakakahiya ka."Pangaral sa akin ni Lei.

Tapos na kaming kumain ngayon kaya papunta na kami sa susunod na klase namin. Ngumiti naman ako ng malapad sa kanya"Okay lang atleast hindi ako katulad ni Aery na desperadang magkalovelife hahahahaha."

"Ay ewan! Pareho lang kayong baliw eh. Geez. Nakakatakot kayo."Sabi ni Lei sabay karipas ng takbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[TTHS #2] The Playboy and I (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon