Entry 4

21 2 0
                                    

Entry 4 - Mahinhin

Sebby

Pag nakita ba ng isang lalaki na patay na patay ang babae sa kanya matutuwa ba sya o maasar?

Pero sa kaso ni Miggy mukhang mas kinatutuwa nya pa na nakikita nya akong patay na patay sa kanya.

Oo nga naman, Kahit sino matutuwa kasi ibig sabihin gwapo sila or may dating or what so ever.

"Masyado ka kasing obvious Sebby. Matuto ka namang magpakamahinhin ganun! Dalagang pilipina!"Sabi sakin ni Lei

"Sabagay, Naiintindihan ko naman si Seb kung bakit ganyan sya. Abe sa gwapo ba naman ni Migs diba? Magpapakadalagang pilipina ka pa ba? Mauunahan ka nyan"Aery

Hayss. Nasa Cafe kami ngayon. Kasi naman kwinento ko sa kanila yung nangyari kahapon kaya ayan, sinesermonan ako or hindi?

"Alam mo ikaw! Konsintedor ka eh. Pinagsasabihan na nga natin kinakampihan mo pa"

"Sinasabi ko lang ang opinyon ko Lei"

"Masyado ba talaga akong papansin girls?"Tanong ko sa kanila.

Pero napakabuti nilang kaibigan kaya damang dama ko ang sagot nila"Oo!!" "Supeeeer!!"

Tanginis lang. Ano ako? Si Maria Clara in modern v.2.0? Kasalanan ko bang type ko sya at gustong gusto ko sya? Hindi naman ah! Sadyang maganda lang ang lahi nila.

"Tsk. Di ka ba nagtataka bakit paulit ulit kang nirereject ni Migs? Kasi makulit ka. Tapos ikaw pa humahabol sa lalaki tsk tsk bawas ganda points yun!"Paliwanag ni Lei

Bigla namang dumagdag si Aery"Tapos pabebe ka pa."

Pinanliitan namin sya ng mata ni Lei dahil sa sinabi nya. Seriously?! Pabebe? Saan nanaman nya nakuha yun? Gosh!

"Tangina mo. Ano nanaman yung Pabebe na yun?"

"Duh! Edi yung pacute na ewan."

Kung ayaw ni Miggy ng papansin? Edi gusto nya yung mahinhin? So... Mahinhin yung dati nyang niligawan? Shocks! Ayoko namang magkapareho kami nun no.

Naiimagine ko tuloy ang itsura nung girl. Makapal na glasses, nakapony ang hair, Petite, God!! I can't imagine her together with Miggy!

No, Ayoko di ako magpapakamahinhin tulad ng sinabi nila. Basta! Magiging akin si Miggy in my own little way.

"Girls, Gotta go."Sabi ko sa kanila sabay alis sa Table namin. Naririnig ko pa silang tinatawag ang pangalan ko.

Sumakay ako kay Ruby at nagdrive pabalik sa University. Hahanapin ko si Miggy. Dahil may itatanong ako sa kanya.

"Hindi naman siguro masama kung itatanong ko yung ideal girl nya diba? Hindi din naman bawas ganda points yun diba? Nagtatanong lang naman ako ah? Hindi din naman pabebe style yun. Kasi di naman ako nagpapacute!"

Inihinto ko ang sasakyan ko sandali. At inisip kong ano yung pangalan nung niligawan nya. Tss.

Bea? Jhay? Thea? Ano ulit yun? Bakit ko ba iniisip yun? Atsaka bakit ba ako nagpapakahirap magisip pwede naman ako magtanong ah!

Nilabas ko ang phone ko at nagfacebook. Pumunta ako sa group ni Miggy. Tsk kung anu ano naman ang nandito eh. Puro stolen shots nya.

"Gwapo mo kasi kainis!"

Iniscroll ko muna yun dahil hinahanap ko kung sino ang admin ng group nito. Ayun! Nakita ko agad at nag-atubili akong imessage sya.

To: ****************

Ano ang ideal girl ni Miggy?

Sent!

Ayan nasend ko na. Tapos sineen nya ko. At nagantay ako ng reply galing sa kanya. Pero wala.

"Ano?! Sineen lang ako?! Aba di manlang magreply? Kala mo kagandahan sya. Mukha naman syang alulod. Pabebe bwiset"

Hoy! Magreply ka deputa ka! Sagutin mo ang tanong ko.

Sent!

"Huh! Pag ako sineen mo ulit hahanapin kita at babatukan kita. Tsk nakakainis."

Typing....

Oh shit! Finally!!

Di ko sasabihin. Deputa ka din.

"Gago to ah! Huh! Kala mo?! Isiseen din kita! Bakit ba ko sayo nagtatanong?! Wala ka namang alam sa kanya din eh! Pangit!"Sa inis ko ay tinago ko nalang ang phone ko sa bag ko. Hahanapin ko nalang si Miggy.

Sabagay di naman kalayuan ang Cafe kanina dito sa University kaya mabilis akong nakapunta agad dito.

Anong oras na ba? Hmmmm. 3:00 pm? Baka nasa gym yun at nagpapractice. Naglakad ako agad papunta sa gym.

Tama ako nandito nga sya. Kasama ang kateam mates nya.

"Ehem!"

"Oh! Echavez may chicks na naghahanap sayo. Hahahahaha"

Napasipol naman sila ng makita ako. Napatingin din sakin si Miggy. Okay. Itanong mo na Sebby.

"May itatanong lang sana ako sayo"sabi ko ng mahinahon.

Napataas naman ang kilay nya dahil sa sinabi ko" Ano yun?"

"Totoo bang mas gusto mo ang mahinhin na babae keysa sa mga Bitch na babae?"

Napa Oww naman ang mga kasama nya sa tanong ko. Marahil nagulat sila sa tanong ko. Sino ba kasing babae ang magtatanong ng ganun diba?

Umangat naman ang kabilang dulo ng labi nya"Oo. Mas gusto ko ang mga mahihinhin na babae Seb."

Paano ako magpapakamahinhin kung ganyang ka gwapo ba naman ang idisplay sa harap ko diba?

***

Happy New Year Guys!! Sorry for the Update :)

#GirLirpa

[TTHS #2] The Playboy and I (ON HOLD)Kde žijí příběhy. Začni objevovat