Entry 2

33 2 0
                                    

Entry 2 - It's a No

Sebby

Pagkatapos nung 'Pahiya scene' ni Miggy sakin ay dumiretcho ako sa parking lot.

I need to unwind. Para makapag-isip ako. Meron naman na Garden sa school but hello? I'm not an ordinary girl no? Atsaka maraming chismosa.

Inihinto ko si Ruby sa gilid sandali. "Nakakainis si Miggy! Okay na eh. Napansin na nya ako, Nagandahan na sya sakin eh. Pero bakit nya nireject ang offer ko?Ahhhh!!!"Sa inis ko ay hinampas ko ang ulo ko sa manubela.

"Aray! Pakshet naman oh!"Agad akong tumingin sa salamin."Hala baka nasugatan ako or pasa? Lalo akong hindi magugustuhan ni Miggy."Napatigil ako sa pagkapa ng may naisip akong kababalaghan.

Mag Sasalon at magpap-Spa ako!

**

"Aray! Dahan dahan naman oh! Ngayon ka lang ba nakahawak ng buhok ng isang maganda?!"Bwiset. Imbis na magpaganda ako at magrelax mukhang papanget pa ata ako eh. tsk

"S-sorry po Ma'am"

Hindi ko nalang pinansin ang babaeng nagaayos sa buhok ko. Tumingin nalang ako sa mga Magazines na nasa harap ko. Baka sakaling malibang pa ako dito.

Total Girl, FHM, Men's Magazine, Women's Health, YES! Magazine---

"Seriously?! Ito ang inooffer nyong Magazine sa mga Customers nyo?"Sino ba kasing matutuwa makita ang nga ganito? Hello?! I'm a Girl at ganito ang makikita ko?

Ngayon ko lang napagtanto na nakatingin sakin ang lahat ng tao sa salon even the staffs nakatingin sakin at bakas sa kanila ang pagkagulat.

Pati yung mga nagaayos sa ibang customers napatigil. Tinignan ko naman sila gamit ang nanliliit kong mata.

"What?! Don't tell me mali ako? Babae kaming mga Customers nyo and malalaswa ang Magazines nyo dito? Tsk."

"Bigyan mo ko ng maiinom"Utos ko doon sa babaeng nakatokang mag ayos sa akin habang nakalahad ang kamay ko s kanya.

"P-po?"Sabi nya. May halong pagkatanga din 'tong babaeng to eh.

"Tubig, Softdrinks, Cobra, Gatorade, Lemonade, Iced tea, Shake, C2, Tropicana, Minute maid, Mogu mogu, Jack'Daniels, Maria clara, San Mig light-- Siguro naman nauuhaw kayo diba?"Sabi ko sa kanya at mukhang naintindihan naman nya iyon. Kaya nataranta naman sya

[TTHS #2] The Playboy and I (ON HOLD)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora