Entry 6

12 1 0
                                    

Entry 6 - New

Sebby

Maganda naman ako diba? Kahit anong ayos ko, bagay naman diba? Okay lang naman siguro kung magpapakamanang ako? Hayss.

"Ang swerte swerte mo Miguel. Dahil nageeffort ang isang tulad ko sayo."At napa buntong hininga nalang ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba to? Kasi naman eh! Bakit naman kasi ganun pa ang type nya eh. Arrggh! Nakakainis. Tanungin ko kaya sya? Bahala na idadial ko nalang.

Miggy ❤️ dialing....

(Yes?)

"Totoo bang mas gusto mo ang mahinhin?"And I heard him laughing. Ang sarap sa tenga marinig ang tawa nya. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.

(Seriously? Naniwala ka talaga sa sinabi ko?)

"Oo, bakit hindi ba totoo?"

(Hindi. Akala mo ba ganun ang type ko? Mas type ko yung simple lang manamit pero makikita mo talaga ang ganda nya.)

"Yeah, Simplicity is a beauty. Pero ano mas gusto mo? Yung ayos ko o yung simple lang?"Napakagat labi ako sa tanong ko. Kinakabahan ako sa isasagot nya. Okay lang naman siguro magtanong ako tutal halos lahat naman sa school alam na may gusto ako sa kanya kaya wala ng dahilan para mahiya pa.

(Just stay what you are. Don't change yourself para maging ideal girl ko. Mas gusto ko yung minahal kita dahil ikaw yun, hindi dahil ikaw ang ideal girl ko)

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Para akong kinapusan ng hininga doon. Kahit anong gawin o sabihin nya malaki ang epekto sakin.

"Okay, If you say so"Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. God Sebby ang lakas ng tama mo.

(See you tomorrow Seb)

Napatango ako"See you tomorrow Miggy"Then pinatay ko na ang tawag.

Napatili ako ng wala sa oras!! Juskoo para akong aatakihin sa puso ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hayss, mas lalo lang akong naiinlove sa kanya.

***

Maaga akong nagising para magpaganda kahit na maganda na ako. Alam ko kasing aabutin ako ng dalawang oras para mamili ng susuotin.

"Kailangan maganda at simple lang yung dress at syempre dapat bagay din sakin. Para kabog ang beauty ko pag nakita ny ko"Sabi ko habang naghahalukay ng damit. Wala pa rin talaga akong mapili eh.

Finally! May napili na din ako. Okay na to, Simple but elegant look. Bagay sakin at mas pumuti ang kutis ko dahil sa kulay nya.

 Bagay sakin at mas pumuti ang kutis ko dahil sa kulay nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I'm so brilliant! Pak na pak to pag nakita ako ni Miggy. Hihi sana mainlove na sya sakin. Kaonting retouch nalang sa make up ko at ready to go na ko.

Tinignan ko muna ang relo ko. Sakto 7:10 na 7:30 kasi pasok nya so maaabutan ko sya.

***

"Hi Ruby! Kamusta ka? Papasok na tayo huh?"buti kakalinis lang nito kahapon.

Masaya akong nagmamaneho papuntang school. Excited na akong makita sya. Lalo kapag naaalala ko yung usapan namin kagabi? Kinikilig ako!! Gee!!

"Kalma lang Seb malapit kana sa school, malapit mo na syang makita. Keribels mo yan!"

Ngumiti sa akin si manong guard"Good morning Ma'am"Ibinaba ko agad ang windshield ko pagka-abot nya sa akin ng I.D ko. Sinasayang nya lang ang oras ko.

Pagkapark ko kay Ruby nakita ko ang sasakyan nya. Kaya sinilip silip ko muna ang Gym baka kasi nandun na sya. Kaso wala, baka nasa klase na yun.

Pagkapasok ko naman sa room nakita ko ang mga kaklase kong nagkakagulo. As expected, wala pa ang professor namin kaya magulo sila.

"Sebby! Nabalitaan mo ba yung tsismis sa school? May gwapo daw na professor ngayon! At mapalad tayo dahil sa course natin sya magtuturo! Kyaaaaah~!"At nagtititili na ang gaga. Kahit kailan talaga pag gwapo ang lakas ng radar ni Aery.

"Patahimikin mo nga yan Lei. Ang aga aga parang wang wang nanaman ang bunganga nyan"Pag ganitong umaga at hindi ko nakita si Miggy naiinis talaga ako tapos sasabayan pa nya.

Sinampal naman ni Lei si Aery at sa wakas natahimik ang gaga."Bakit mo ko sinampal?! Paano kung mamula to?! Edi hindi na pantay ang pisngi ko?! Ano nalang sasabihin ng gwapong prof--"Tinakpan naman ni Lei ang bibig nito dahil nagsisisigaw nanaman sya.

"Pwede ba? Tumahimik ka nga! Umagang umaga naiimbyerna ako sayo eh. Tapos kilig na kilig ka sa professor na yun? Bawal ang Student and Teacher relationship kaya wag ka ng umasa masasaktan ka lang."At binitawan na nya si Aery.

Napalabi naman si Aery sa amin."Ang mean nyo, masama bang kiligin dun? Tsk."Umayos na sya ng upo.

At biglang may pumasok sa room. The hell?! Wag mong sabihin sya ang Professor namin?

Bakit hindi ako nainform na ganito pala kagwapo yung bagong professor? Akala ko naman mukhang tao lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bakit hindi ako nainform na ganito pala kagwapo yung bagong professor? Akala ko naman mukhang tao lang. Hindi ko naman ineexpect na ganito ka gwapo.

"Ang gwapo nga nya."nangingiting bulong ni Aery sakin.

"Kung ganito Ang professor ko, gaganahan akong pumasok araw araw"sabi ni Lei.

I agree sisipagin ako mag-aral nito. Waaaaah~! Pero kay Miggy pa rin ako. Miggy forever. Pero pwede naman siguro ako magkacrush diba?

*tok* *tok*

Napatingin naman kami sa kumatok. Si Miggy?!! Buo na ang araw ko nakita ko sya ngayon! Ieexcuse nya ba ako? O M G!

"Oh Miguel, bakit? May kailangan ka?"sabi ng professor namin.

"May kakamustahin lang ako Bro"Tapos parang may hinahanap sya sa klase namin?

At napangiti sya ng makita ako sabay sabi"Good morning Sebby, See you later"

Ako ang hinahanap nya at nag Good morning sya sakin. Tapos see you later daw? Waaaaaaaaaah~! Magkakalovelife na ko.

"Bes! Bakit Bro ang tawag ni Migs kay Sir? Kapatid nya ba yan? Pakisabi naman ilakad ako oh?"sabi sakin ni Aery. Pero bakit nga ba sila magkakilala? Wala naman syang kapatid eh?

***

Waaaaaaaah?! Sorry ngayon lang nakapagupdate ulit 😔 nagka writers block po ako. Sorry guys! Keep on reading!

#GirLirpa

[TTHS #2] The Playboy and I (ON HOLD)Where stories live. Discover now