Entry 3

27 2 0
                                    

Entry 3 - Uniform

Sebby

I am very disappponted. Ginawa ko lahat, Nagpaganda na ako kahit maganda na talaga ako nagpasexy ako sa harap nya kahit sexy na ako pero hindi nya pa rin ako pinapansin.

God! Is he blind? Or gay? At hindi manlang sya na attract sa akin or sa suot ko. Kulang nalang maghubad ako sa harap nya. Although gagawin ko yun pero yun yung last and best shot ko para mapasakin sya.

Hindi muna ngayon, Masyado pang maaga. Sabi nga nila 'Save the best for last' kaya yun ang huling gagawin ko. Pero pag wala pa rin? Mag momove on na ako. Dyosa ako kaya maraming maghahabol sakin. Kaya no problem sa mga boys.

"Sebby, School uniform shoot ito hindi FHM okay? Kaya wag kang masyadong sexy magpose"Sabi sakin ng Photographer sakin.

"Bakit ako pa ang kinuha nyo? Alam nyo naman hindi ako bagay dito. Masyadong low class ang style na gusto nyo"

Hinawakan nya ang sintido nya at parang minamasahe"It's not about that! Akala ko ba Professional Model ka? Simpleng instructions hindi mo magawa!"

"Gago ka pala eh! Bakit? Ako ba may gusto nito? Hindi diba? Kayo lang namang kumuha sakin. Atsaka ano gusto nyo? Pacute? Inosente look? Pwede ba? Cut it out! College kami hindi Highschool para magpacute"

Masyado akong maganda para sa gusto nyang style. Sa tingin nyo ba may maniniwala sakin sa inosente look? Duh! Mas maganda kung Sexy and fierce ang gagawing style nila. Tsk. Bwiset!

"Please Sebby. Gawin mo naman ng tama pwede ba?"

"Try mo kasing gawin yung sinasabi ko. Tsk"Sabay walk out. Hindi ko kailangan magPlease sa isang tao lalo kung hindi naman kaplease please.

"Fine! Gawin natin ang gusto mo. Let's try that kung yun ang gusto mo!"Palibhasa walang sense of fashion sa buhay eh. Kaya hindi alam Fashion. Buset.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Sya namang pagpasok ni Miggy. Shocks! He looks hot in our uniform!! Oh my god. Bakit kasi ngayon lang sya naguniform?!

"Oh Migs! Buti napapayag ka nila na magpictorial?"

Tinignan nya muna ako bago sumagot"Oo eh. Maganda daw kasi ang kapartner ko"sabay smirk.

Biglang naginit ang pisngi ko. Syems! Sana ako ang kapartner nya. Kaso, Maganda daw Sebby. Hindi ka maganda. Dyosa ka Seb.

"Tsk. Mamaya kana, Si Sebby muna. Kanina pa yan eh."

"So? Panunuorin nya ko?"Bigla akong nataranta. Baka pagtawanan nya ko o ano. Baka magmukha akong bobita sa harap nya! Tapos baka sigawan nanaman ako ng walang hiyang photographer na to! Nakakahiyaaaaa!

"Oo bakit? May problema ba dun?"Lunok laway Sebby. Chill lang.

"Wa-wala! Tara na! Ng matapos na to"

Tumayo ako sa harap. Napalunok ako ng makita ko ang mga titig nya na nakatingin sakin. My gosh! Fight! Fight! Fight! Go Sebby! Kaya mo to.

Nagpose ako ng sexy and fierce sa harap ng camera. Pero hindi sya ganun ka sexy. Ayokong isipin nya na inaakit ko sya at ang photographer na to. Narinig ko naman ang papuri ng photographer sa akin. Kanina ayaw nya, ngayon natutuwa sya. Gago to ah.

Kumbaga sakto lang. Lip bite lang ang ginagawa ko. Pero maayos pa rin ang pose ko.

"Enough. Ako naman"Awtomatiko akong napatingin sa kanya. Nagtiim bagang sya. Mukhang ayaw nya ang mga pose ko. Tsk landi mo kasi Sebby!

"Haha. Nice pose Sebby."Sabi nung lalaki sakin sabay kindat. And I was like, Ewww~ kaderder. Well, Although he is a good looking man, at malakas ang sex appeal. Sorry but.. I still prefer Miggy.

"Trabaho ang unahin mo Natividad"

"Hahaha. Oo na. Seryoso mo Dude."

Ha? Natividad? Dude? Wait... Magkakilala sila?! Seriously?! Bakit hindi ko sya kilala? Who is he? Bigla kong kinalabit ang photographer.

"Who are you? How are you related to Jake Natividad? Are you friends with Miggy? For how many years? Are you--"

"Woah woah woah. Chill lang. I'm Jayven Rieve Natividad. Cousin of Jake Vincent Natividad and a professional photographer. At your service Miss"At hinalikan nya ang likod ng kamay ko. Na syang kinagulat ko.

"Hands off Natividad"Nagtatangis ang panga ni Miggy. Oh! Is he Jealous?!

"Ito naman. Di mabiro hahaha. Oo na. Hindi na"At para syang preso na sumuko dahil tinutukan ng baril. Pero hindi baril ang tinutok ni Miggy sa kanya kung hindi mata. Kung nakakamatay lang ang titig? Kanina pa sya namatay.

"Tskk. Bilisan mo ng matapos na to."

Wala akong ginawa kung hindi ang tignan sya mula sa kinarorooanan ko. Bakit ba ang ganda ng lahi nila? Ang gwapo nya pakshet! Kahit anong anggulo mo tignan? Pak na pak sya. Yummy na yummy at Fafa na fafa!

Hayss. Bigla ko tuloy naalala yung dati nyang niligawan. Hindi ko talaga alam at kilala yung girl. Talagang may pak pak lang ang balita kaya nalalaman ko. Hanggang ngayon kasi may mga estudyante paring hindi nakamove on tungkol doon eh.

Paano nya nabusted ang isang Miguel Echavez? Gwapo, Mayaman, Hot at Yummy pa! Kaya paano nya hindi nakita yun? Ang swerte nya. Ako, wala akong ginawa kundi ang magpapansin sa kanya. Samantalang sya? Si Miggy pa ang sumuyo at naghabol sa kanya. I envy her. Sana ako din.

"Ano? Tapos ka na bang pagpantasyahan ako? Kasi kung oo. Punasan mo na ang laway mo na kanina pa tumutulo"Sabi nya sa akin kasabay ng pagangat ng sulok ng labi nya.

The hell?! Am I drooling infront of him?!

***

Waaaaaah! Sorry for the long wait. Second Semester is a hell. Ang hirap pong tunay masingit ang UD ko. Sorry :( Keep on eyeing this pleaseee! Thank youuu.

#GirLirpa

[TTHS #2] The Playboy and I (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon