Prologue

23.2K 534 34
                                    


Kasama ko ang dalawang bata na nagbabantay kay Levinson. Okay na sya, malayo na sya sa kapahamakan. Mahimbing na syang natutulog ngayon. Kahit na okay na si Levinson ay nag-aalala pa rin yung dalawang bata, siguro isa na rin na wala na kaming balita kung nasaan ngayon si Sky.

Dumating ang isa sa tauhan ni Levinson at sinabi na hindi nila nakita si Sky. Trinace rin nila yung IP address ng video na sinend ni Jin pero wala na silang nadatnan don pero may bakas na nandon sila nung mga oras na nagsimula ang kaguluhan sa center field.

Siguradong hindi magugustuhan ni Levinson ang balitang 'yon sa oras na magising sya.

Napatingin ako sa pintuan nung bumukas ito. Pumasok si Fred. Pinauwi ko sila kanina para magpahinga pero sa itsura nya ay halatang hindi sya nagpahinga.

"Kamusta sya?" tanong nya.

"Hindi pa rin sya nagigising Ninong." sagot ni Archie. Tumango si Fred at lumapit kay Levinson na natutulog.

"Huling nakita sila Jin sa pier. Private yacht ang ginamit nila kaya hindi natin alam kung saan sila tutungo." sabi nya.

"Mas lalo tayong mahihirapan ngayon." ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa upuan.

"Tinanong na namin ang mga magulang nya kung ano-ano ang mga lugar na may pagmamaari sila at inutusan ko na ang lahat na tunguin ang mga lugar na 'yon. Hintayin na lang natin ang mga balita sa kanila."

Natahimik kaming lahat. Iniisip kung saan ba pwedeng dalhin ni Jin si Sky. Mahirap 'yon kapag mas lumabas pa sila ng bansa.

"Mom!" napadilat at tumingin ako sa higaan. Tumayo ako nung makitang gising na sya.

"Ayos lang ba pakiramdam mo?" tanong ni Fred. Parang iniisip pa ni Levinson kung ano ang nangyayari.

"Nasaan sya?" huminga ako ng malalim. Natahimik yung tatlo at hindi nakasagot.

"Hindi pa rin sya nakikita." sagot ko. Napatingin sya sakin. "Hinahanap pa rin sya ngayon."

Tatayo dapat sya pero pinigilan sya ni Fred. "Magpahinga ka muna! hindi pa okay yung sugat mo."

"Sa tingin ninyo ba mananahimik ako rito lalo na hindi pa sya nahahanap?" malamig na tanong nya.

"Mom, please. Magpahinga muna kayo." pakiusap ni Archie. Nagpipigil naman si Levinson pero mabuti na lang ay sumunod sya sa anak nya.

"Mom." tawag ni Ar-ar.

"Iwan ninyo muna ako." sabi ni Levinson. Hindi kami kumilos dahil alam namin na pwede syang tumakas. "Iwan ninyo muna ako. Hindi ako aalis." ipinikit nya ang mga mata nya. "Please..." dahil sa boses nyang 'yon ay alam namin na dapat nga syang iwan.

"Nasa labas lang kami." sabi ni Fred. Nauna akong lumabas sa kanila.

"Umuwi na muna kayo at magpahinga." sabi ko sa dalawang bata. "Ihahatid ko na kayo."

"Uncle...si Mom." malungkot na sabi ni Ar-ar. Kinuha ko sya at binuhat.

"Hayaan na muna natin sya. Kailangan nya ng space." sabi ko at tumingin kay Archie. "Archie, umuwi na muna tayo. Nandito naman si Fred para magbantay sa kanya."

"Kaya nga, magpahinga na muna kayo. Darating rin mamaya dito ang iba." sabi ni Fred.

"Okay po." nauna na akong naglakad palabas ng hospital.

Kahit sa hospital ay mahigpit ang bantay kay Levinson kaya kahit tangkahin nyang tumakas ay mapipigilan sya pero dahil sya ang boss, siguradong hindi rin sya mapipigilan kaya sinabi ko sa kanila na sabihan nila kami kung umalis si Levinson kahit na inutusan sya na wag sabihin. Ayoko sanang gamitin ang pagiging kadugo ko sa kanya pero para hindi sya mapahamak ay inutusan ko ang mga tauhan nya. Alam na ng mga tauhan nya na kakambal nya ako miski ang lolo nya pero wala syang sinabi na kung ano sakin. Hindi ko alam kung natuwa ba sya o ano pero wala rin akong paki.

"Uncle...alam ninyo po ba na kayo ang nagbigay ng sperm cell sa kanila Mom para mabuo kami." napatingin ako kay Archie na nasa backseat kasama si Ar-ar na nakatulog. "Ayon po ang huling regalo ninyo po kay Mom bago po kayo..." 

Ibinalik ko ang tingin ko sa daan. Naiintindihan ko ang pinapahiwatig nya. Hindi ako takot mamatay lalo na nag-iisa na lang ako. Simula nung sumali ako sa pagiging gangster ay handa na akong mawala sa mundo ito kaya hindi na ako nagulat sa sasabihin nya.

"Si Tito Jin po ang dahilan kaya kayo namatay. Iniligtas ninyo si Mom." pagpapatuloy nya. Ang taong 'yon ay sobrang sakit sa ulo. "Hindi kayo close ni Mom non pero nag-uusap kayo at nagkakaintindihan." tumingin ulit ako sa kanya at nakitang bahagya syang nakangiti. "Sabi ni Mommy, umiyak si Mom nung namatay po kayo at hindi nakausap hanggang sa ilibing kayo. Hindi man nya pinapakita pero mahal na mahal kayo ni Mom."

Hindi na muli nagsalita si Archie hanggang sa makauwi kami sa bahay ni Levinson na mas magandang sabihin ay mansion. Sinalubong kami ng mga kasambahay nila. Ibinigay ko sa kanila si Ar-ar at sinabing bihisan ito.

"Magpahinga ka na." sabi ko kay Archie. Tumango lang ito at tumungo sa kwarto nya.

Pinagmasdan ko lang si Archie na umaakyat. Siguradong problemado sila ngayon. Sana lang ay mahanap na si Sky.





--------------------------------------------

Make Her Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon