Hinayaan ko na lang si Royce . Aalis din naman siguro ito mamaya . Pagkatapos ng lunch break , papalayasin ko na ito . Magdadahilan akong busy . Bahala sya .
“Royce !”
Napalingon din ako sa pamilyar na boses na narinig ko . At napanganga ako . Kasi nasa bungad ng pintuan ng canteen si Shena . Yup , ang makulit na si Shena . Anong ginagawa nito dito ? ? ?
Lumapit na ito ng tuluyan at umupo sa tabi ni Kuya Baste .
“Hi !” bati nito sa aming tatlo . Tapos ngumiti ito kay Kuya Baste . “Ako pala si Shena . Hello !”
Nakangiting-aso naman si Kuya Baste .
Naramdaman ko ang pagbuntung-hininga ni Royce sa tabi ko .
“Shena , anong ginagawa mo dito ? Paano mo nalaman na nandito ako ?” tanong nito .
Ngumiti si Shena na lalong nagpasingkit sa mga mata nya . “Simple . I followed you .”
Hindi ko na talaga naisarado ang bibig ko . Adik ng babaeng ito aba !
Napakamot sa sentido nya si Royce . “Shena , you have work right ? Hindi ba dapat mas importante sayo ang work mo ?”
“Duh , I’m the boss . I can do whatever I want . Isa pa , lagi namang free time ko kasi hindi kami busy sa work . Kaya na lahat gawin yun ng mga matatalino kong empleyado .” sabi nito .
Napangiti ako . Ibang klase talaga tong babaeng to . Napakalakas ng sense of control nya na mapapahanga ka . Halata mo kasing napaka independent nya at strong-willed .
“Kahit pa . You shouldn’t be doing this . Shena , I really like Ice . We can be good friends , though .”
Nabulunan ako sa harap-harapang confession ni Royce for the second time . Peste , ang sarap nya na talagang pakainin ng katol . Mukang kulang pa ang kahibangan , sige dagdagan ! Potek .
Nakita ko na mejo nawala ang ningning sa mga masasayang mata ni Shena . Pero mabilis namang napalitan ulit iyon ng amusement .
“Problem is , I really like YOU too . Habulan tayo ?” nakangiting sabi nito .
Napakamot na lang si Royce sa ulo at hindi na sumagot pa .
“Pwede pasali sa habulan ?” nakangiting tanong ni Kuya Baste . Tae , galing talaga ng sense of humor ng isang ito . Sobra .
Ngumiti si Shena . “Sorry ! Exclusive lang yun samin ni Royce e . Ipinipilit nyang isali si Ice e muka namang hindi interested si Ice e . Right ?” sabi nito tapos tumingin sa akin .
Hindi agad ako nakasagot . Nginuya ko na lang ang kinakain ko kasi hindi ako makatingin sa mga mata ni Royce na nakatitig sa akin na parang naghihintay kung anong isasagot ko .
Ang awkward kasi pati si Kuya Baste , nakatingin din sa akin para tingnan ang reaction ko . Badtrip . Kaya nagkibit-balikat na lang ako .
Nag-wink si Shena kay Royce . “Told you . Kaya if I were you , choose me over her . After all , hindi ko magets kung ano ang nakita mo sa kanya . Yeah , she’s really pretty . Pero mukang iba ang sexual preference nya . HAHA . Sorry Ice , I wasn’t being sarcastic . I was just being frank .”
Nagkibit-balikat ako kasi totoo naman lahat ng sinabi nya . Nagtataka din ako kung ano ang nagustuhan sa akin ni Royce . I mean , why not choose Shena ? Ang ganda nya , matangkad , sexy , chinita beauty , mayaman at maangas . HAHA . Tunay naman e .
Tahimik lang naman si Royce at hindi kumikibo .
“Guys , una na kami ni Kuya Baste ha . May work pa kami e . Bye !” pagpapaalam ko sa kanila kahit hindi pa ako tapos kumain . Bahala na sila . Ang awkward kasi e ! Hinila ko na patayo si Kuya Baste kahit nasa kalagitnaan pa ito ng paghigop ng kakaorder nya pa lang na shake .
![](https://img.wattpad.com/cover/7286830-288-k660994.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Ice Breaker [COMPLETED]
Ficção AdolescenteFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D
Chapter 23
Começar do início