Vendetta

191 3 0
                                    

Vendetta

Oktobre 31, 1995


Araw ng linggo. Isang balita ang yumanig sa buong bayan matapos mabalitaan ang isang karumal-dumal na pagpatay sa isang dalagitang babae na nagngangalang Maria Saison, labing limang taong gulang.

Ulat ng naka-saksi na mismong katulong ng kanilang pamilya na itatago natin sa pangalang Malia, natagpuan niya ang dalagita sa kanilang banyo na mayroong tad-tad ng saksak sa katawan mag-aalos kwatro ng hapon. Kaagad itong tumawag ng pulis at ibinalita ang nasaksihan. Bente minuto matapos ang tawag, dumating ang pulisya sakay sakay ng kanilang mobile car. Agad nagsipasukan ang ilang imbestigador para imbestigahan ang krimeng nangyari.

Base sa imbestigasyon, isang inside-job ang nangyari. Kaya naman pinagsama-sama ang lahat ng nakatira sa bahay kabilang na roon ang kamag anak ng dalagita na labis ang paghihinagpis sa pagkawala ng kanilang kaanak, upang tanungin at hingian ng alibi. Unang hiningian ng alibi ang nanay at ama ng biktima.

"N-nasa trabaho ako simula pa kaninang umaga. H-hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa anak ko!!" - Malakas na palahaw ng ina. Sunod na sumagot ang amain nito.

"Isa akong mangingisda at nasa pampang ako magmula pa kaninang tanghali, dahil sa hindi naman kami pumapalaot tuwing linggo ay napagpasyahan namin ng mga kasama ko na ayusin na lamang namin ang mga gamit namin doon, hanggang sa tumawag na nga lang sa akin si Malia at sinabing patay na ang bunso namin." - Malungkot ang pinta ng mukha nito at tanging sa sahig lamang ito nakatingin. Kalmado ito kung ikukumpara sa asawa nito na ina ng biktima.

"Ah, eh, natutulog ho ako ng mga oras na ito at halos kagigising ko lamang ng napagpasyahan kong pumunta sa banyo para maligo sana, at doon ko na nakita ang katawan ng alaga ko.." - Namumutla at nanginginig na nagsalita si Malia, ang nakakita sa bangkay.

Lumipas ang mga araw ng imbestigasyon hanggang sa dumating ang araw na nilabas ang resulta ng autopsy sa bangkay. Ito ay nag positibo na sinasabing ang dalagitang si Maria Saison ay ginahasa at pinatay mismo sa kaniyang tirahan. Hanggang ngayon wala paring lead ang pulisya kung sino nga ba ang gumawa nito sa dalagita, ngunit hindi tumitigil ang pamilya nito na hanapin ang hustisya para sa kanilang anak.

Oktubre 31, 2000

**The Man Who Can't be Move
By The Script **

Isang binatilyong lalake ang tahimik na nakaupo sa kahoy na upuan sa may park ng bayan. Tanging siya lamang ang naririto kaya ramdam na ramdam nito ang katahimikan sa buong kapaligiran. Tumunghaw ito sa asul na kalangitan at malayang binulong ang kaniyang hinanakit na nadarama.

Going back to the corner where I first saw you..

Ito ang ika-limang anibersaryo ng iyong pagkamatay, Maria. Halos nakalimutan na ng lahat ang tungkol sa nangyari sa iyo, ang mga magulang mo ay mistulan ng nakalimutan ang masalimoot na nakaraan. Samantalang ako, ay mistulang nakakulong padin sa mga alaala mo. Hanggang ngayon, naghihingpis padin ako sa pagkawala mo.

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move..

Walang sinoman ang makakaintindi sa sakit na nadarama ko. Sa inaraw araw na pagmulat ko sa umaga, wala akong ibang ninais masilayan kundi ang iyong mukha. Wala akong ibang inisip at inalala kundi ang masasaya nating pagsasama, lihim man itong maituturing, hindi parin iyon naging hadlang para sa ating dalawa.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now