Obsession

935 18 9
                                    

OBSESSION

A Daison Legaspi Story

Natahimik ang buong silid ng pumasok sa kwarto ang magandang katulad mo. Mayroon kang bilugang mukha, singkit na mata na may mahahabang pilik mata, matangos na ilong at mayroon kang mapupulang labi na kasing pula ng dugo, makinis at maputi ang iyong balat at mayroon kang katangkaran na papasa sa pagiging modelo. Mahahaba ang iyong kulay kahoy na buhok na hanggang bewang at ngayo'y nakangiti ka sa aming harapan ng malapad kita ang iyong perpekto at mapuputing mga ngipin.


"Magandang umaga, ako nga po pala si Angelica Reese."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing naaalala ko kung paano ko nasilayan ang maganda at maamo mong mukha. Labis na akong namangha sa iyong napakagandang mukha unang beses pa lamang nakita, agad akong natunaw sa iyong mga ngiti nang ikaw ay nagpakilala.

Dalawang taon na mula ang nakalipas at hanggang ngayon ay humahanga parin ako sayo, hindi, mahal na nga yata kita. Tanga mang maituturing na minamahal kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa magulang ko maging sa sarili ko. Wika nga ng ilan, obsesyon raw ang tawag dito. Pasensya na, mahal lang kasi talaga kita.

Dumaan ka sa harapan ko ng kasama ang isa mong kaibigan. Napangiti ako. Kasabay ng ilan nating kaeskwela na napangiti rin matapos makita ka. Nginitian mo sila at kumaway-kaway kapa ganoon din ang ginawa nila. Lahat sila ay hinahangaan ka dahil sa iyong kabutihan. Ni minsan ay hindi ka nagpakita ng masama sa kahit na kanino man, bagay na labis kong minahal sayo.

Ikaw na siguro ang pinaka mabait at pinaka magalang na taong nakilala ko. Kung paano mo galangin ang iyong mga magulang at lahat ng matanda o mas may edad sayo na nakakasalubong mo sa daan ay labis na nakakapag palambot sa puso ko. Sa milyon-milyong tao na nabubuhay ngayon sa mundo, isa ka sa may pinaka busilak na puso.

Hindi ka nagsasawang tumulong sa iba kahit na mapa-simple o mabigat na bagay pa. Palagi kang nagpapasalamat sa kahit na kanino sa tuwing may natutulungan ka, at ang mas higit na nakakatuwa roon ay hindi mo nakakalimutang magpasalamat sa diyos araw araw hanggang sa gabi bago ika'y matulog.

Sa makabagong henerasyon ngayon, iilan nalang sa mundong ito ang namumuhay sa makalumang pamamaraan. Hindi ka puweding maihalintulad sa ibang babae na makikita sa paligid, ibang iba ka at natatangi na sinoman. Ni minsan ay hindi kapa nagkakaroon ng kasintahan kahit na minsan ay nakikita kitang kinikilig sa ibang kalalakihan. Marami at halos pila pila ang lalake na gustong ikaw ay ligawan pero wala ni isa sa kanila ang sinagot mo. Nasayo na ang lahat kaya naman walang sinomang lalake ang hindi mahuhulog sayo, pero palagi mong sinasabi sa kanila na..

"Hindi pa ito ang tamang panahon..."

Napakaswerte ng taong iibigin mo, maswerte pa sa pinaka maswerte. May pagasa kayang maging ako iyon?

"Ano, Daison? Nakatitig ka na naman sa kaniya. Sabi ko naman kasi sayo, diskartihan mo na. Alam mo, walang mapapala yang pagiging torpe mo."

Umupo sa tabi ko ang isa kong kaibigan na si Carlo. Talamak ang babaeng nagugustuhan nito at hindi narin mabilang sa kamay ang mga naging karelasyon nito, hindi rin naman kasi maitatangi na gwapo itong si Carlo kaya hindi na biro kung marami ang magkagusto sa kaniya. Masaya nga ako at ang mahal kong si Angelica lang ang hindi nagkakagusto sa kaniya.

"Wag, ayoko! Mabubusted lang ako. Alam mo namang sa dami ng nagtangkang manligaw sa kaniya ay ni isa wala siyang sinagot, ako pa kaya na hindi naman kagwapuhan?"

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon