Chapter 62 - Patawad

3.9K 181 9
                                    

Lumipas ang panahon.  Maglilimang taon na simula ng umalis si Maine sa Pilipinas.  Si RJ isa ng ganap na Senior Flight Captain.  Malago na rin ang restaurant business nito.  Malaki-laki na rin ang naipon niya sa bangko. Si Maine naman, tatlong taon ng Chef sa Hotel na pinagtatrabahuhan nila ni Jerome at kahit papano naman ay nakaipon siya.   Si Ram, apat na taon na.  Walang inilihim si Maine sa anak.  Simula ng magkaisip ito ay itinuro niya at ipinakilala si RJ sa anak. Papa ang tawag ni Ram kay RJ.  Daddy naman ang tawag nito kay Jerome na pinsan ni Maine. Makailang beses ding dumalaw si Daddy Richard kaya't kilala siya ni Ram bilang si Lolo Dada ang  Daddy ng kanyang Papa. Ganon din ang mga magulang ni Maine kaya kilala sila nito bilang Lolo Tatay at si Lola Nanay. Magaling magenglish si Ram pero marunong din itong managalog dahil ang katulong at yaya pati na si Tita Jean at Jerome ay Tagalog naman kung magusap sa bahay.

Isang araw nagsabi si Tita Jean na balak nilang umuwi ng Pilipinas.

Tita Jean: Gustong umuwi ni Jerome ng Pilipinas at makita ng personal si Pauleen.  Ako, naman pagod na ako Maine, gusto ko munang magpahinga kahit isa o dalawang buwan lang. Namimiss ko na din ang mga anak ko, mababaliw na ata ako kapag hindi pa ako nakauwi ngayon.

Maine:  Sige po, kailan po ba ang uwi ninyo?

Tita Jean:  Sa linggo.

Jerome:  Cous, bakit ikaw wala ka bang balak umuwi?

Hindi nakaimik si Maine.

Jerome:  Gusto mong umuwi, natatakot ka lang na baka wala ka na palang babalikan?

Maine:  Papano nga kung wala na pala Jerome?

Jerome:  Ang sabi naman ni Pauleen, wala naman silang alam na girlfriend o nililigawan man lang si RJ.

Maine:  Siguro nga, pero apat na taon na kaming walang communication. Baka galit yun sa akin.

Jerome:  Cous, mahal mo pa ba? 

Maine:  Wala namang nabago sa nararamdaman ko at sya din ang ama ng anak ko. 

Jerome: Mahal mo eh di ipaglaban mo. Hahayaan mo bang hindi makilala ng Ram ang ama niya? Besides simula ng magkaisip si Ram ipinangako mo na sa kanya na ipapakilala mo ang Papa niya. Sisirain mo ba ang pangakong yun?

Maine:  Hindi naman, pero bahala na,  Hindi pa ata ako ready sa galit nya eh.

Isang gabi, nagkakatuwaan sa condo ni Ciara ang magkakaibigan.  Hatinggabi na pero nanonood  pa rin sila ng movie sa  laptop ni RJ na nakaconnect sa TV screen. Sa kalagitnaan ng pelikula may notification na may email na dumating sa inbox ni RJ. Napatigil silang lahat.

Miggy: Bro, may email ka

Pinindot ni Miggy ang pause button.

Ciara: Oo nga tignan mo muna.

RJ:  Spam email lang yan. Sino naman ang mageemail sa akin ano?

Sabay-sabay na sumagot ang mga kaibigan niya.... "Si Maine!"

Napatingin siya sa mga ito. Napailing na pinindot ang play button.

RJ:  Umaasa pa ba kayo? Apat na taon na ang dumaan, baka may asawa at anak na yon.

Pinindot ulit ni Miggy ang pause button.

Miggy:  Hindi ganon si Maine, RJ! Kung ano man ang nangyari tiyak na may dahilan siya kung bakit hindi na siya nakapagcommunicate sa yo.

RJ:  Ano pa bang ibang dahilan Miguel?  Nangako siyang babalik pagkatapos ng dalawang taon pero wala naman. Ni sulat o tawag o kahit anong paliwanag wala akong natanggap.  Apat na taon na hanggang kailan ako maghihintay?

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon