Chapter 30 - Pag-uwi

3.7K 158 1
                                    

Matapos kumain ay niyaya ni Tatay Teddy ang apat sa may balkonahe.  Masarap ang simoy ng hangin doon.

Tatay Teddy:  Miguel, uuwi ka sa inyo?

Miggy:  Opo Tay, miss ko na ang po ang pamilya ko eh.   

Tatay Teddy:  Miguel huwag na huwag mo ng uulitin yang maglayas.  Walang maidudulot na maganda yon.  Mabuti na lang at matino pa naman ang isip mo at natapos mo ang kurso mo.

Miggy:  Bago ako umalis Tay, ipinangako ko sa sarili kong  tutuparin ko ang pangarap namin ni Dei, ang pangarap nya  para sa akin, sa ganong paraan makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko. Ngayon isa lang ang dasal ko na matupad nya ang pangarap nya at dumating ang taong karapatdapat sa pangmamahal nya.

Nanay Mary Ann:  Kung alam mo lang kung paano nagalala ang magulang mo sa yo Miguel.

Miggy:  Yaan mo Nay, hihingi ako ng tawad kay Mama at Papa at pipilitin kong makauwi parati at mabisita sila.

Tatay Teddy:  Teka nga kayo ba dumaan lang dito o Dito kayo matutulog?  Alam nyo naman na pyesta dito sa atin.

Maine:  Dito po kami matutulog.  Sa Lunes na madaling araw na po kami babalik ng Maynila.  Kasi sa linggo malamang matrapik po.

Nanay Mary Ann:  Mabuti kung ganon, hanyo't ipapaayos ko ang mga kwarto.

Maine:  Salamat Nay!

Maine:  Ano, Migs? Punta na tayo sa inyo?

Sumakay na sila nang kotse si Miggy ang nagmaneho. Palinga-linga ito sa paligid.

Maine:  Madami ng nabago no? Ganyan din ako nung umuwi ako. 

Huminto si Miggy sa tapat ng isang tindahan. 

Miggy:  Dei si Rosalie ba yang nasa tindahan? 

Maine: Oo at ikakasal na sya kay Andrew sa December. Yang itinatayong bahay sa tabi ng bahay ng Nanay niya nabili nila kay Mang Istoy, dyan sila Titira. 

Miggy: Nagkatuluyan talaga sila eh di ba parang aso't pusa yun noon.

Nagtuloy na sila sa bahay ni Miggy.  Natatawa si Maine kasi hindi na nya makita ang bahay nila. 

Maine:  Miguel yung  pangatlong bahay sa Kaliwa yang katapat ng bukana ng bukid.

Hindi makapaniwala si Miguel, ang bahay nila may second floor na at concrete na.  Wala pang finishing ang labas pero maganda naman.  Nakatingin lang si Miguel sa bahay.

Maine:  Miggy ang Kuya Manuel, nakapagsaudi sya ang nagpagawa ng bahay nyo.  Yung kambal naman sina Melinda at Melissa pareho ng nasa Kolehiyo. Si Ate Myra ang kasama ni Mama at Papa dito. Ikinasal na sila ni Bryan dalawang taon na ang nakakaraan at may pamangkin ka na. Si Miguela, Ella kung tawagin nila. Ipinangalan nila sa yo dahil kamukha mo.

Bumaba ng sasakyan ang apat, binuksan ni Miggy ang compartment at magkatulong nilang binuhat ni RJ ang mga pasalubong na dala. Naunang pumasok si Maine sa kahoy na tarangkahan.

Mama Amy? Papa? Ate Myra... malakas na tawag ni Maine.

Lumabas ng pinto ang Nanay ni Miguel. Lumapit si Maine nagmano at yumakap dito.

Mama Amy:  Myra, pumarine ka nga nandito si Dei.  Halika at baka may balita tungkol kay Miguel.

Lumabas naman si Myra bitbit ang magdadalawang taong si Ela.

Myra:  Dei, kamusta?  Mabuti naman at napauwi ka ng pyesta. 

Ela:  ta Dei, ta Dei!

Maine:  Hello Ella, galing mo naman naaalala mo ako.  Binuhat ni Maine ang bata.  Nilingon ang mga kasama

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon