Chapter 17- Realization

3.7K 182 3
                                    

Nagising si RJ sa sigaw ni Matthew, don siya natulog nung friday night dahil niyaya niya itong mag- inom. For the first time, ginusto nyang malasing.

Bumangon si RJ at dumeretso sa kusina para kumuha ng tubig. Nakita nitong nagtatatalon sa tuwa si Matthew.

RJ: Huy! Ang ingay mo, ano ang nangyari at para kang tumama sa lotto?

Matthew: Bro! Grabe akala ko talaga wala akong pag-asa. Pero eto sya pa ang natext sa akin. May breakfast date ako bro.

RJ: Breakfast date??? bago yan ah, sino nagyaya sa yo?

Matthew: Si Maine bro, si Maine!

Nabitiwan ni RJ ang baso. Nabasag ito sa paanan niya. Natawa naman si Matthew.

Matthew: Kita mo pati ikaw nagulat, sige magquick shower muna ako, I'm picking her up in 45 minutes.

Wala sa sariling pinulot ni RJ ang basag na baso at nahiwa ang palad nito. Medyo malaki ang hiwa at malalim kaya dumugo ito. Hindi nya alam kung ano ang pumasok sa isip nya pero pinisil nya ang basag na baso. Parang nanghina ito, napaupo sa tabi ng lababo. ang daming tanong sa isip nya. "Anong nangyari? anong nangyari kagabi? Bakit kagabi lang si James ang kadate nya ngayong umaga si Matthew naman?"

Paglabas ng kwarto nagulat si Matthew , nakita ang tumutulong dugo galing sa palad ni RJ.

Matthew: Anong nangyari, ano dadalhin ba kita sa clinic? Kumuha ito ng bimpo sa kwarto at itinakip sa sugat ni RJ.

RJ: Okay lang ako bro, sige na maliit na sugat lang ito. Puntahan mo na si Maine, maghihintay yon sa yo. Sige na go!

Matthew: Pero bro hindi kita maiiwan ng ganyan ka. Halika na idadaan kita sa clinic maiintindihan naman ni Maine eh.

Sinigawan na siya ni RJ.

RJ: PUNTAHAN MO NA SI MAINE!! ANO BA!!! Matthew kapag hindi ka pa umalis, maghihintay si Maine baka kung anong isipin non at umalis. Sige na tatawag na lang ako sa gwardya sa baba.

Walang nagawa si Matthew kundi sundin ang bestfriend pero paglabas nya tinawagan niya si Miggy at sinabing puntahan  si RJ sa condo nya at magdala ng first aid kit. Dahil sa parehong subdivision lang nakatira si Miggy at Matthew, mabilis namang nakarating don si Miggy dala ang first aid kit. Nagulat ito ng makita ang kaibigan, inalalayan nito si RJ papunta sa couch.

Miggy: Ano bang nangyari, bat mo pinulot yung basag na baso. Lasing ka pa ata eh.

RJ: Ok lang ako pre, maliit lang yan. Liligpitin ko sana yung baso eh. Clumsy alam mo na hindi ka na nasanay sa akin.

Miggy: Pre, malalim to a 3 inches cut. Parang nahiwa ka na idiniin mo pa eh. Yung nabasag yung baso clumsiness yon pero yung lumaki ang sugat ng ganito kalaki parang hindi. Binuksan ni Miggy ang first aid kit at kinuha ang rubber. Itinali sa may pulso ni RJ para tumigil ang daloy ng dugo. Bukas mo lang yung palad mo at idiin mo itong gasa sa sugat.

Kinuha nito ang celphone, tinawagan si Ciara, maya maya lang ay dumating si Ciara.

Ciara: Ano bang nangyari? Sige kunin mo yung isang chair at isang unan don natin ipapatong ang kamay nya.

Sumunod naman si Miggy. Inalis ni Ciara ang rubber na itinali ni Miggy.

Ciara: RJ... naririnig mo ba ako, I need you concious para alam ko kung nasasaktan ka.

Diniinan ni Ciara ang sugat ni RJ! Napasigaw ito.

Ciara: Sumagot ka kasi.

RJ: Nanghihina ako eh, nanlalambot

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon