Chapter 28 - Pagharap sa nakaraan

4K 166 3
                                    

Tulad ng napagkasunduan ni Maine at Miggy sabay silang uuwi ng Bulacan. Alas sinko y media ng umaga, nakaupo si Maine at Ciara hinihintay ang pagdating ni Miggy.  Nakita ni Maine na malungkot ang mukha nitong pumasok sa  building nila.  

Maine:  Bakit naman nakasimangot ka Miguel?   Akala ko pa naman matutuwa ka kasi may moral support akong kasama oh. 

Nilingon nito ang nakaupong si  Ciara sa receiving area ng building.  Napangiti ito ng makita si Ciara. 

Miggy:  Sasama ka talaga?

Ciara:  Ayaw ko nga sana eh, pero ang kulit nitong Ex mo. Hindi ako pinatulog, kinunsensya ako ng todo.

Miggy:  Salamat Dei ha, maraming salamat talaga.

Maine: Oh tama na ang drama at isave mo na lang yan para mamaya.

Kinuha ni Miggy ang dalang bag ng dalawa at lumabas na ng building, nagulat si Maine ng makita si RJ sa driver's sit. 

Maine:  Miguel, bakit kasama siya?

Miggy:  Dei, pasensya na. Muntik na talaga akong hindi pumunta ngayon eh. Natatakot talaga ako eh, hindi ko alam kung kaya ko.  Si RJ lang nagpalakas ng loob ko. Pagbigyan mo na ako.  Besides kung sakaling magkaproblema at least may magda-drive para sa akin.

Napailing na lang si Maine. 

Ciara:  Don ka sa na unahan maupo Miggy.

Miggy:  Bakit? Hindi tayo magkatabi.

Ciara:  Miggy, wag ka ng magtanong, sige na kung gusto mong isama si  RJ, tabihan mo na sya sa unahan.

Inilagay ni Miggy ang gamit ng mga dalaga sa compartment. Umupo si Maine sa likod ng drivers sit at si Ciara sa likod ng upuan ni Miggy.

Ciara:  Hi RJ! Buti nakasama ka.

RJ:  Si Miggy kasi dinadaga na naman eh.  Good morning!

Maine:  Good morning!

Nang makasakay na ang 3, nagsimula ng bumiyahe ang magkakaibigan. Hiniram ni Ciara ang phone ni Maine para magpatugtog ng mga dancing songs. 

Ciara:  Ilang oras byahe natin? 

RJ: Hanggang Bulacan Proper mga 2.5 hours.

Miggy:  Umidlip na muna kayo, gisingin namin kayo kapag nagstop over tayo for coffee.

Hindi naman mapigil ni RJ na tignan si Maine sa salamin, nakita nya itong nakatingin na naman sa malayo sa may bintana ng kotse.  Alam nya nagiisip na naman to, palagay din nya kinakabahan din ito sa mangyayari kaya lang hindi nito ipinapakita kay Miggy. Maya-maya ay napapikit na ito at nakatulog.

Nakaraan ang isa't kalahating oras na habang tulog na tulog si Maine at Ciara.

RJ:  Pare magkape na tayo dyan sa Starbucks ha.

Miggy:  Oo sige, inaantok din ako at pampalakas na din ng loob.

Ginising ni Miggy sila Ciara at Maine, sabay-sabay na bumaba ang magkakaibigan. Nagpilit si Miggy na maupo na lang sila Maine at RJ, sila na ang bibili ng pagkain at kape nila.  Wala ng nagawa si Maine. 

Maine:  Salamat ha.

RJ:  Saan naman?

Maine:  Sa pagpilit kay Miggy at pagsama sa amin.  Hindi ko din alam kung ano mangyayari but in case it did't go well at least may kasama si Miggy.

RJ:  Kaibigan ko si Miggy, kung makakatulong ako sa kanya gagawin ko yon.

Naglabas ng sigarilyo at lighter si RJ.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon