Chapter 21 - The morning after

4.1K 187 1
                                    

Nagising si  RJ sa tunog ng doorbell at boses ni  Ciara.  Pagmulat ni RJ mukha ni Maine ang bumungad sa kanya, nakapikit na parang ang sarap ng tulog nito. Napansin din nyang nakayakap ang dalawang braso nya sa katawan nito at nakadantay ang hita nito sa hita niya. Nagisip siya ano na bang nangyari kaninang madaling araw? Naalala nyang nagising siya na umuungol at umiiyak ito parang takot na takot, ginising niya ito at pinainom ng tubig. Nanaginip ito ng hindi maganda. Hindi na sya makabalik sa pagtulog kaya pinahiga niya ito sa balikat nya at niyakap para makatulog ulit.  Nagdoorbell ulit tinawag sila ni Ciara.  Ginising nya si Maine, ginalaw niya ang braso niya na hinihigaan nito.  

RJ: Maine, maine! Si Ciara nasa pinto ginigising tayo.

Nagmulat ng mata si Maine at parang nagulat din ito na nakayakap siya kay RJ.  Tinakpan nya ng kumot ang bibig nya.

Maine:  Good morning!

Narinig niya ang boses ni Ciara, nagmamadali itong bumaba ng kama at pinagbuksan ng pinto ng kaibigan. Sumunod naman si RJ at tumayo ito sa likod ni Maine.

Ciara: Good morning girl!  Nasa cafe na si Miggy at James, para magbreakfast. Bumaba ka na daw RJ.  Susunod na lang kami don. 

RJ: Ah ok, magbibihis lang ako.

Maine: Tuloy ka girl, magkakape lang ako, ayaw pa gumana ng utak ko.

Pumasok si Ciara at naupo sa chair sa tabi ng coffee table, iginala ang mata sa paligid. Nakaupo naman si Maine sa kabilang chair at nagtitimpla ng kape.  Lumabas si RJ ng walang t-shirt pero suot na ang pantalon.  Kinuha ang knapsack nya na nasa ibabaw ng dresser inilabas ang pabango at ang Navy blue na bench t-shirt.

Maine:  Faulkerson mag-t-shirt ka nga nadi-distract ako.  Natawa si RJ.

RJ: Opo, eto na po. 

Pagkasuot ng t-shirt, nagspray ng pabango at lumabas na ng kwarto, Nasalubong nito si Patricia.

Isinara ni Patricia ang pinto at nagtatakbo ito papunta sa mga kaibigan.

Patricia:  So, anong nangyari?

Ciara:  Maine, bakit mo suot ang  polo ni RJ?

Patricia:  Ayyyiiieeee oo nga!

Maine:  Teka, bago kayo magisip ng kung ano-ano. Hiniram ko lang to sa kanya kasi hindi ako makakatulog ng nakadress. Since naka t-shirt naman siya sa ilalim  ipinahiram nya sa akin.

Ciara: Tapos si RJ naman, nakaboxers at  t-shirt lang.  Cute ng itsura nyo kanina nung pagbuksan nyo ako ng pinto parang katatapos lang. Ang halay!

Nagtawanan ang tatlo.

Maine:  Mga luka-luka, o kayo anong nangyari sa inyo? 

Patricia:  Waisted na talaga si James, nagtanggal nga lang ng polo shirt at nagkumot at natulog na. 

Maine: Nakat-shirt? O topless?

Patricia: Topless (Tumili si Ciara at Maine)

Ciara: Tapos? 

Patricia:  Naghilamos lang ako at nagtoothbrush tapos humiga na ako sa tabi niya.  Nung magising ako nakadantay ang ulo ko sa  dibdib nya at nakayakap ako sa kanya

Maine:   Ano ba yan Pat! 

Patricia: Ang lapad kaya ng chest nya at walang bilbil ang tyan,  tapos meron syang chest hair parang balbon siya eh. 

Ciara:  Spanish ata ang father ni James eh.

Patricia:  Oh ikaw Ciara, anong kwento?

Ciara:  Nagkwentuhan  pa kami ng konti, pero nauna akong nahiga, nakashorts ako so hinubad ko lang yung skirt bago ako  matulog ako.  Nagsabi sya kung ok lang na nakaboxers lang matulog kasi hindi din siya nakakatulog ng nakapants. Madali lang din naman kami nakatulog.  Nagising kami ng magkaharap, sabi niya sa akin. Good morning, I love waking up with you beside me.  Sabi ko ang aga-aga ang cheesy nya.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon