[68] #100STHHTheFirstTime

Start from the beginning
                                    

"Oh, paano mo pinrepare yan?" tanong ko sakanya.

"I texted the boy here, na iayos habang nagbabaon tayo ng mga sulat natin." Nilatag niya yung blanket tapos nahiga kami doon, yung gazebo open area. Kitang kita mo yung mga stars, full moon pa. Ang ganda.

"Ang ganda Enzo. Ang sarap sa feeling. Sana ganito na lang araw araw."

"This is what I feel everyday."

"Ay ganon? Feeling mo everyday nakahiga ka under the stars ganon? Chosero!"

"No. Masarap sa feeling. That's what I feel everyday, when I'm with you." Namula naman ako at halatang hindi ko mapigilan ang pagngiti ko.

"Landi mo, kaasar." Siya naman ang tumawa. Maya maya nilabas ni Enzo ang iphone niya. Pinicturean lang niya ako ng pinicturean.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"I just want to remember this moment. Forever."

"Bakit?"

"Because... I want to do something special."

"Special—" Hindi ko alam kung bakit pero nagiba yung mood. Sobrang nakatitig lang siya sa akin, parang minememorize niya bawat linya sa mukha ko. Tatawa na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at unti unti lumapit sa akin.

[Now Playing: Till the End by Jessie Ware]

(Don't forget to play the song! #morefeels) 

Hinalikan niya ako. Marahan. Ibang klaseng halik. Hindi ako eksperto sa paghalik pero yung ginagawa niya sa akin ngayon... ramdam ko yung pagmamahal. Ramdam kong bawat pagdampi ng labi niya sa akin ay nagpapahayag ng damdamin niya para sa akin. Bawat galaw ng labi niya madaling nasasabayan ng labi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito pala kapag mahal mo ang isang tao. Ang sarap sa pakiramdam. Parang kaya kong gawin 'to araw araw, minuminuto.

Hanggang sa unti unti ng nagiging marahas bawat galaw. Hinahawakan ko na ang buhok niya para ilapit siya sa akin, siya din ganoon ang ginagawa. Hanggang sa bumaba na ang paghalik niya sa may leeg ko. Nakahawak lang ako sa buhok niya, pilit na inilalapit siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi lang basta tawag ng laman, o kung ano mang tawag doon. Bawat haplos niya sa akin, bawat pagtatama ng mga balat namin, bawat pagdampi ng labi ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Marahas, pero senswal. Nakapikit lang ako. Gagawin ba namin 'to?

Bumaba na siya sa leeg ko, sabay balik ulit sa mga labi ko. Noong bumalik siya sa labi ko, iniupo niya ako, hindi naghihiwalay mga labi namin. Dahan dahan inalis niya ang cardigan na suot ko, unti unti ko namang inaalis mga butones ng pulang polo na suot suot niya. Maya maya, tumigil siya at tumitig sa akin.

"Bakit?" tanong ko. May ginawa ba akong mali? Hindi ako magaling dito. May mali ba akong nagawa? Huwag mong itigil.

"Are you sure?" Sure? Saan? "Do you want to do this? With me?" Noong tinanong niya yun, alam ko na.

Tinitigan ko lang siya noon, hinawakan ang kanang pisngi at sinabing "I love you, Enzo." Pagkasabi ko noon, ngumiti lang siya at bigla akong hinalikan. Nagulat ako kasi ngayon hindi na dahan dahan, punong puno na ng pasyon. Inalis niya ang pangtaas na suot ko, tumigil sandali at inalis ang pambabang suot suot niya.

"Hope, I'm telling you, if you're not comfortable with this we can stop. I respect you." Napangiti ako. At least alam kong ibibigay ko ang pagkababae ko sa kaisa isang lalaking mamahalin ko ng ganito, kaisa isang lalaking handa akong ibigay lahat. Alam kong hindi ako magsisisi. Alam ko.

"I want you."

Inalis namin ang mga damit namin at pinagpatuloy ang halik na naudlot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nahihiya sa kanya ngayong wala ako ni isang saplot na nakabalot sa katawan ko. Una, siguro dahil ilaw lamang ng buwan at mga bituin ang bumabalot sa amin. Pangalawa, siguro dahil sobrang komportable ako kay Enzo, na alam kong hindi ako mababastos o kung ano man. At pangatlo, alam kong ginagawa namin 'to dahil mahal namin ang isa't isa.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now