[68] #100STHHTheFirstTime

Start from the beginning
                                    

"Natatakot ako, Enzo."

"Bakit?"

"Paano kung bukas pagising ko, wala ka na? Alam mo bang takot na takot ako doon? Paano kung ito yung huling usap natin? Paano kung ito yung huling beses na mayayakap kita? Anong gagawin ko?"

Niyakap lang niya ako sabay ang paghaplos niya sa buhok ko.

"You have to continue living, Hope."

"Pero—"

"It's gonna be hard, I know. But live for me. Enjoy life. Because that's one of the wishes that I want to be granted. To live. To enjoy life. So... don't waste your time crying over me, or being sad that I'm gone. Remember, I would love to have your life, your time, but sadly, I can't. So cherish yours while you still can. There's so many things to be greatful for, Hope. Ako lang ang mawawala."

"Anong 'lang'? Minsan hindi ko maintindihan kung paanong hindi mo naiintindihan na sobrang halaga mo sa buhay ko, na halos sa'yo na umiikot 'to."

"As much as I'm happy to hear that, because you too Hope, Ikaw din ang buhay ko... Pero... hindi ko na talaga kayang tulungan ka pag nawala ako. Ikaw na lang ang tutulong sa sarili mo. You can cry, babe. You can think of me. And please do think of me. But... never stop living, just because I did."

Tumitig lang siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Bawat hawak niya sa kamay ko pinipilit kong wag kalimutan. Kung papaano nakapwesto yung kamay niya, kung gaano kalaki yung kamay niya, yung init ng mga palad niya, yung pakiramdam na ligtas ako at nandiyan lang siya.

"So, saan natin 'to ibabaon?" Tanong ni Chelsea. Maya maya si Miks tumuro sa malaking puno na napapaligiran ng ilaw at maraming bulaklak. "Doon kaya?"

Lahat naman kami pumunta doon.

"Sa isang taon babalik tayo dito ha? Babasahin natin lahat ng mga sinulat natin dito." Sabi ni Bryle.

"Paano ako?" tanong ni Enzo. Lahat naman kami namutla na naman.

"Babalik ka. Kasama namin." Sagot ni Mico sabay hawak sa balikat ni Enzo. "Wag na tayo magaway." Nagkatanginan sila tapos niyakap ang isa't isa. Sumabay naman si Bryle tapos nagcircle sila doon at nagusap. Hindi ko na marinig pero parang nagkakaintindihan naman sila doon.

"Ang sayang makitang ganito sila ano?" Bulong sa akin ni Venice habang nakatingin sa kanila, nangingilid ang luha. "Lumaki na ako kasama yang tatlong yan. Hindi ko kakayaning hindi makita yung ganito." Sabay tulo ng luha niya. Tumingin siya sa akin.

"Alam kong walang araw na hindi tayo umiiyak, pero... paano nga ba kapag nawala na si Enzo? Alam kong masasaktan tayong lahat." Hindi ko na rin napigilan, naluha na din ako. Kapag talaga si Enzo yung usapan hindi ko kaya.

"Enzo... wag ka ng umalis please." Normal na boses ko lang naman sinabi pero biglang tumingin sa akin si Enzo at ngumiti. Mukhang hindi niya narinig pero nakakatuwa na tumingin siya sakto sa oras na sinabi ko yun.

"Enzo, please stay." Bulong ko. Sabay nod niya at balik ulit sa huddle nila ni Mico at Bryle. Umoo ka, Enzo. Panghahawakan ko yan.

Noong matapos naming ibaon ang mga sulat (na hindi namin alam kung pwede ba, bahala na) isa isa na kaming nagpaalam para matulog. Sasama na sana ako kay Chelsea at Venice pero bigla akong hinila ni Enzo.

"Can you please go with me? For a while?"

"Bakit?" pero hinigit na lang niya yung kamay ko at ngumiti. Sinundan ko lang siya.

Mamaya nauwi kami sa isang gazebo na napapalibutan ng madaming bulaklak, nakaikot naman sa mga bulaklak yung mga puno na may mga bilog na ilaw. Sobrang romantic ng set up. Maya maya pa, nakita ko si Enzo naglabas ng blanket at isang malaking basket at isang boteng wine.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now