Ang Pang-Tatlumpu

Magsimula sa umpisa
                                    

Holy...! Naiisip ko talaga iyon? Tsk!

Namahinga lang akong saglit sa aparment pagtapos ay nag-shower at tumungo na sa buhay na buhay na bistro. 

Sumalubong kaagad sa akin ang isang old school na kanta. Taimtim iyong kinakanta ng banda sa mini stage habang ang pulang dimlits ng bistro ay sinasayaw ang mga tao na naroon. Nang makita ko si Mirna ay kaagad akong kumaway. Isang middle finger lamang ang sinukli niya sa akin.

Pagkatapos kong binaba ang mga gamit sa counter ay hindi na ako nag-atubili pa. Halos talunin ko ang mga baiting patungong second floor sa sobrang excited ko. Gusto kong ibalita kaagad ang matataas kong scores kay Ram! 

Napahinto akong saglit sa screen ng second floor. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil ayaw kong magmukhang tanga sa harapan ni Ram. Inayos ko pa ang aking buhok at ang pagkapula ng aking mga pisngi. 

Oh, Chrissy, bakit ka naman naghahanda pa ng ganyan? Ugh...

"I'll do it ASAP, yeah? Don't worry about it..." Mayroong kausap si Ram sa telepono nang unti-unti kong binukas ang screen. Pinisil-pisil ko ang akign palad habang patungo sa kaniya dahil kumakalabog ang aking puso. Oh, shut it!

Ngunit...hindi ko iyon magagawa. No. Habang tinutungo ko si Ram ay hindi na ako iniwan ng kaniyang mga mata kahit pa siya ay may kausap na iba. And, he just looks so sexy in his long sleeved polo and slacks. Hindi na ako makahinga nang makarating ako sa kaniyang harapan.

Nilagay ni Ram ang kaniyang index finger sa bibig kaya naman napatingin ako roon. Gusto ko ang kaniyang mga labi. Naalala ko ang gabi. Then, I have never looked away so fast. 

Kinontrol ko ang sarili. Hindi iyon ang aking first kiss ngunit pakiramdam ko ay ganoon dapat ang mga klase ng first kiss. God, I haven't been kissed that thoroughly. Si Ram lang.

Unti-unti kong binalik muli ang tingin kay Ram. Naka-smirk ito sa akin, tila ba alam na iyon ang aking iniisip. Mas lalong pumula ang aking mga pisngi! Really, Ram? 

"I'll sign everything when I get there. Ililipat ko ang kalahati," mariin niyang sabi sa kausap. Kumunot ang kaniyang noo. He looked like he really meant business.

Pinagmasdan ko siyang may kausap sa phone. Napapaurong ako sa aking kinatatayuan tuwing tumatalim ang kaniyang boses. His voice drips authority, his words firm and clear. Its his bossy version of himself. Iyong reserved at hindi maaabot. 

Parang kahit ako ay hindi ko rin siya maaabot. Napanguso ako habang patuloy siyang pinanunuod.

Bumaling siya ng tingin sa akin at medyo gumaan ang kaniyang boses. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at umambang pupuntang katapat na sofa ngunit mabilis akong hinawakan ni Ram sa pulso. Marahan niya akong hinila at dinala paupo sa kaniyang mga hita.

Napigil ko ang aking hininga. Parang kahit isang paghinga ko ay maririnig ng kaniyang kausap na hindi ko naman kilala. Dinantay ni Ram ang isang kamay paikot sa aking bewang habang nakikipag-usap pa rin.

Hindi ko mapigilan ang pagpikit ng mga mata. His thighs were firm and hot on my ass. Ramdam ko roon ang purong muscles. Kung sabagay ay nagdyi-gym si Ram. Its very noticeable in his built body. 

Nang matapos ang tawag ni Ram ay inilapag nito ang cellphone sa kaniyang desk sa aming harapan. Dumantay ang isa pa niyang malaking kamao sa aking hita at ang kaniyang baba sa aking balikat. 

I liked it. Very, very much. Ngunit, pakiramdam ko ay isa akong sigarilyong nauupos. He's so hot and I just can't help but to burn and melt away. 

"You're giddy tonight. Why?" bulong ni Ram sa aking tainga.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon