Special Chapter 1

17.7K 283 34
                                    


Special Chapter 1

Lorraine's POV

"What the fvck?!" Sinamaan ko lang siya ng tingin at naiinis na napakamot nalang ito sa ulo niya. He helplessly leaned on the wall watching over us.

Hindi ko na siya pinansin pa at ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos sa anak ko.

"You're so cute baby!" Hindi ko napigilang kurutin ang pisngi nito dahil sa sobrang cute! Well, kung titignan ay hindi lang naman basta cute ang anak ko, he's handsome at kuhang kuha niya ang features ng daddy niya lalo na ang mga mata nito.

Hindi ko nga alam kung may nakuha ba siya sa akin o kay Seije na lahat. Nevertheless, wala namang kaso sa akin kung sino ang mas kamukha dahil alam ko namang anak namin ito at masaya ako na biniyayaan kami ng ganito ka-guwapong anak.

"Be a good gir-- este boy pala." Natatawa kong nilingon si Seije na tila napipikon na talaga sa ginagawa ko sa anak niya.

"Yes mommy, but what is 'what the fvck'?"

Naglaho ang ngiti sa mga labi ko at napanganga ako sa tanong nito.

"Dad said it a while ago, does it also mean hello?" Tinignan ko ng masama si Seije na prenteng nakasandal sa pinto at nakapamulsa pa. He gave me a -what-look- kaya naman pinanlakihan ko ito ng mata.

"Uhm baby ..you play outside muna, mommy and daddy will talk." Tumango ito agad at dali-daling tumakbo palabas ng kwarto namin.

Pagkalabas na pagkalabas nito ay sininghalan ko kaagad si Seije. "Narinig mo? Narinig mo yung sinabi ng anak mo?"

Nakakainis! Palagi nalang natututo si Sean sa kaniya ng kung anu-anong masamang salita.

"That's normal, ako ang tatay niya." Walang pakialam nitong sabi kaya naman nanggigigil ko itong nilapitan at hinampas sa braso.

"What the--"

"Sige ituloy mo yan! Sa labas ka matutulog mamayang gabi kapag itinuloy mo pa yang sasabihin mo!"

"Sinong hindi mapapamura Aine? Lalaki ang anak ko! Bakit binibihisan mo ng pambabae?!" Tila nafrufrustrate nitong tanong.

Eto nanaman tayo sa issue na yan. Oo na, I admit ako ang mali. Eh kasi naman gusto ko talaga nung una palang ng anak na babae. Ginawa ko naman ang lahat para maging babae ang anak namin. Palagi pa nga naming pinag-aawayan yun ni Seije kasi gusto niya talaga ay lalaki.


*Flashback*

"Lorraine could you please stop it?!" Bigla nitong inagaw ang hawak kong barbie doll na ipinabili ko kay mommy.

Tumayo ako para bawiin yun sa kaniya. "Seije naman eh! Ibalik mo na sakin yan please?" I even tiptoed to reach it pero itinaas niya pa lalo ang kamay niya.


I want that doll. Simula nang makita ko iyon sa mall ay parang gustung-gusto ko na talaga. Hindi lang ako pinagbigyan ni Seije na bilhin iyon dahil ayaw niyang mapaglihian ko pero it was too late dahil pinaglilihian ko na.

Palagi ko iyong binabalikan sa mall at nauubos ang buong araw ko sa pagtitig sa malaking manikang iyon habang nakaupo ako sa katapat nitong fastfood chain. Dahil kinakabahan sila ni mommy na baka mapano ako sa labas ay napilitan din silang bilhin yun last week.

Married to a Gangster[Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon