Chapter 3

25.4K 400 8
                                    



Lorraine'sPOV

Nagising nalang ako dahil masakit ang likod ko.Tapos naalala kong sa sofa nga pala ako nakatulog kagabi dahil hinihintay ko si Seije.Napatingin ako sa wall clock at 11:30 na pala ng umaga.Mukhang hindi siya umuwi.


Tumayo na ako at nagstretch ng kaunti.Disappointed talaga ako sa inaasal ni Seije ngayon.Alam ko namang arranged lang kami but somehow,he should atleast act like a husband to me.May responsibilidad naman siya kahit papano but it seems like wala talaga siyang pakialam.


Anong klaseng lalaki ba ang napakasalan ko?Ni wala nga akong alam tungkol sa kaniya maliban sa pangalan niya.Nagkataon lang na madalas pala siya sa bar na yun noon at natandaan ng mga kaibigan ko ang itsura niya kaya nahanap namin siya.Naging magkasosyo na rin pala ang parents namin noon.Yun lang ang alam ko.


Ngayon palang pakiramdam ko hindi na mag-wowork out ang relasyon na ito.Sa pinapakita niya parang pinagtutulakan niya lang ako.Gusto ko nanamang maiyak dahil sa nangyayari,gusto kong umiyak dahil naaalala ko nanaman yung nangyari.Ilang gabi akong hindi pinatulog nito.Kumalma lang ako dahil nalaman kong settled na kami at hindi masasayang yung pagkawala ng parteng yun sa akin.Pero bakit ganito?Bakit ganito siya?
Natigil ako nang biglang magring ang phone ko na naiwan pa pala sa sofa.Umupo ako ulit at tinignan kung sino ang tumatawag pero unregistered number naman ito.Naisip kong baka si Seije yun kaya sinagot ko.


"Hello?"


[Lorraine Park ..]Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kong hindi pala si Seije.Somehow,na-disappoint nanaman ako.Bakit nga naman niya ako tatawagan diba?



"Ako nga.Pero sino po sila?"


[It's nice to hear a voice of an angel.]


My forehead creased again.This time sino naman kaya 'to?Hindi familiar ang boses niya."Uhm,kilala ko po ba kayo?"


I heard him chuckle. [Shaw Park,my sister-in-law.]


Nagulat naman ako. "Talaga?!May kapatid pala si Seije!Pasensya na ha?Hindi kasi niya nakwento sakin eh."And ..ang pagkakaalam ko wala siyang kapatid.Wala naman kasing nagpakilalang kapatid niya nung kasal namin.


"And sorry nga pala.Wala kasi siya dito ngayon eh."


[He's really a asdfghjkl.]


Kumunot ang noo ko. "Ano po?" May sinasabi siya pero hindi ko naman narinig.


[Oh nothing,wala iyon.By the way,can we meet?]


"Ah?Ngayon naba?"


[Yeah,kung pwede ka?I want to know you.Hindi kasi ako nakapag-attend sa kasal niyo ng kapatid ko.]


Hm.Napaisip ako.Wala naman kasi akong gagawin ngayon.Ayokong magstay dito sa bahay mag-isa dahil maaalala ko lang yung nangyari.Kaya sa huli ay pumayag na rin ako."Sige sige."


[Magkita nalang tayo sa mall,2pm]And then he hung up.Napatitig naman ako sa phone ko,expecting that I might receive a call from him,pero in the end,bumagsak lang ang mga balikat ko.


Nagprepare nalang din ako para makipagkita sa kapatid niya.I want our setup to work out kaya as much as possible,willing akong makilala yung mga taong konektado sa kaniya.Ayokong mapunta sa wala yung effort ng pamilya niya at yung importanteng bagay na nawala sa akin.



Tyler'sPOV


"Bro wag kang madaya!Talo kana e!" Eto nanaman at nagkakadayaan nanaman kami sa baraha.Talaga 'tong mga 'to.


"Loko ka Brent!Habang may buhay may pag-asa."


"Ulol!" Binato naman siya ng baraha ni Brent.


"Oy mga pare may natuklasan ako."


"Ano?" Sabay naming tanong ni Brent kay Kysler.


"Yung mga cute pala palaging busy?" Sagot niya habang nakahawak pa sa baba niya.


"Ano?Pano naman nangyari yun?" Tanong ni Brent.


"Sandali tol,mamaya ko na iexplain busy pa 'ko."


Pinagbabato namin siya ni Brent ng baraha.Siraulo e.Ang lakas talaga ng topak niyan.Maya maya pa ay dumating si Drake na tila nagmamadali at inilapag ang isang papel sa harap namin.


"Ano 'to tol?"Sabay sabay naman nila akong binatukan."Aray ha!Bakit niyo naman ako binatukan?!"


"Gunggong ka kasi,kitang papel yan nagtanong ka pa!" Binatukan din siya ni Kysler.


"Isa ka pa e!Use your brains naman mga pare!"


Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na napahiyaw. "WOAH!KYSLER MERON KA NUN?!"


"Mga sira!"


Napailing nalang ako sa kagaguhan namin.Dinampot ko na yung papel at binasa ng malakas ang nakasulat.


"Another name for the death list."


Nagkatinginan naman kami."Saan galing 'to Drake?" Tanong ko.


Umupo siya sa couch at kumuha ng beer bago sumagot."Sa labas ng pintuan."


"Galing sa mafia?"Nagkatinginan kami ulit.Anong another name for the death list?Sinong pwedeng idagdag doon that concerns us?


Parang sabay sabay na may mga bombilyang umilaw sa tuktok ng mga ulo namin nang mapatingin kami kay Seije.Could it be?That's possible!Wala namang ibang pwedeng idagdag sa death list kundi ang asawa niya!


He just shot us a bored look na parang alam niya na rin ang tinutukoy ng black note.Pero wala man lang pagbabago sa ekspresyon nito.Wala talaga siyang pakialam?


"Pare,kakakasal mo lang.Sino bang pwedeng idagdag sa deathlist kundi ang asawa mo?"Biglang sabi ni Drake.Tumigil naman si Seije atsaka kami tinignan.


"Wala akong pakialam."


"Seryoso ka ba?Asawa mo pa rin yun ah" Dugtong ni Drake.


Ilang sandali kaming natahimik lahat.Silang dalawa lang naman ang magkalapit ang ugali.Sa isa't isa lang din sila nakikinig.Maya maya pa,tinungga nalang ni Seije yung beer niya atsaka tumayo at dire-diretsong sumakay sa motor niya.Nagkatinginan kami bago nagpasyang sumunod sa kaniya.


Medyo malayo rin ang tinakbo ng mga motor namin pero magkakasunod lang din kami sa kalsada,mas mabilis lang si Seije.Nang huminto siya sa tapat ng isang bahay ay huminto na rin kami.


Sumunod kami agad sa kaniya nang pumasok siya.Naabutan nalang namin siya na nagmumura sabay tapon sa isang papel na pinulot ko naman at binasa ang nakasulat.


Seije!Hindi ko alam number mo eh kaya sulat nalang ha?Wag kang mag-alala,kasama ko kapatid mo.I'll be safe,ikaw din.


Natawa tuloy ako.Mukhang cute at walang kaalam alam sa asawa niya itong si Lorraine."Aba Seije!Hindi yata takot ang--" Natigil ako sa pagsasalita.Tinignan ko ulit ang nakasulat sa papel at napamura nalang din ako.She's with Shaw!


*


Puta,dalawang oras na kami dito sa bahay nila pero wala pa ring Lorraine na dumarating.Aish!Saan ba dinala ng hinayupak na Shaw na yun ang asawa ni Seije.Kung hindi pa kami pinadalhan ng note ng mafia na yun hindi pa namin malalamang magkasama ang dalawang yun!Right,mafia.Hindi lang simpleng mga gang ang kalaban namin.We fight,but not with just plain gangsters,but with a powerful underground society.


Pinagbibintangan si Seije sa pagkamatay ng isang importanteng tao sa loob ng society nila at dahil dun kaya kami hinahabol ng walangyang mafia na yan.Naghahire sila ng mga assasins para ipapatay kami pero hindi sila nagtatagumpay kaya ang mga inaatake nila ay ang mga taong mahahalaga sa amin.Hindi ko rin alam kung bakit pumapalpak ang mga hinahire nilang assasins,madali lang namin silang napapatumba o di kaya naman may kakaiba na sa kanila kapag nakakaharap namin sila.Parang may sumasabotahe lang din sa mga ipinapadala nilang assassins.


Maya maya,huminto ang isang pulang Bugatti peyvron sa harapan namin.Alam na alam namin kung sino ang may ari ng kotseng yan.Ang lakas ng loob niyang iparada pa yan sa harapan namin.


Agad na lumapit si Seije at sinalubong ang papalabas palang na si Shaw."Nasaan siya?"


Ngumisi si Shaw."Akala ko ba wala kang pakialam?" Nakangisi ito na parang demonyo.


"NASAAN SIYA?!" Kasabay nun ay pinakawalan ni Seije ang isang malakas na suntok na tumama sa mukha ng kapatid niya.Napaupo naman ito sa lakas ng impact.


Maya maya pa,lumapit si Seije sa sasakyan ni Shaw at binuhat si Lorraine palabas na walang malay,pero mukha namang nakatulog lang ito.Nagsimula nang maglakad si Seije papasok ng bahay nang muling magsalita si Shaw.



"I like her."





*

Married to a Gangster[Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon