XXI

82.5K 959 33
                                    

XXI.




"Let's talk." Nakakawit pa sa leeg 'ko ang dalawang kamay ng anak 'ko nang tinanggal niya ang mga ito at mabilisang ibinaba. May sinenyasan siya sa likod 'ko. Hindi agad nag-sink in sa akin kung anong nangyayari nang mamataan 'kong lumapit si Kuya Elmer, ang assistant ni Mr. Ramirez sa kambal 'ko. My twins immediately looked up at my unguarded reaction. Nanlalamig ang mga paa 'ko. Pinaghalong kaba at takot ang lumukob sa akin.

Nanghihina ang tuhod 'ko nang hinila niya ako pataas sa hagdanan. Mariin niya akong binitawan at isinara ang pinto ng kwarto. Nagsalubong ang mata namin, ang kanya'y puno ng galit at katanungan, ang akin ay pagkalito, kaba, at takot.

Marahas niyang itinapon sa sahig ang pamilyar na kahon na gawa sa kahoy. Tumilapon doon ang mga larawan at papel na pinakatatago 'ko sa buong buhay 'ko. Nanginginig akong napaatras, parang sa lahat ng ginuhit 'ko sa isipan 'kong mangyayari ay hindi ito ang paraang inaasahan 'ko. Piniga ang dibdib 'ko nang makita ang galit sa mga mata nito.

"Explain these things to me." Malalim at mariin nitong sambit. Naramdaman 'ko ang pagtulo ng sariwang butil ng luha sa gilid ng aking pisngi. Pinipilit 'kong ibuka ang bibig 'ko pero tanging hikbi ang lumabas sa akin. Nanginginig ang mga balikat 'kong napailing.

"What do you want from me? Using your kids at the expense of what? How? I don't even remember you. How the fuck did I get you pregnant?" Bawat masasakit na salita niya ay parang katumbas ng malalalim na saksak sa aking dibdib. Nanunuot ang sakit sa Sistema 'ko. It's like the nightmare from my past is haunting me. It is just that it is happening for real. Ito ay tumaktakbo sa kasalukuyan. Sariwang sariwa ang sakit na nanunuot sa akin. Para pa itong nadagdagan.

"Fuck!" Hinampas niya ang dingding, halos nayugyog ang buong kwarto sa lakas ng impact n'on. Napaatras ako sa takot, hindi alam kung tatakbo paalis o haharapin ang galit niya. Hindi 'ko maayos ang mga iniisip 'ko, ang alam 'ko lang ay ito na yata ang kinakatakutan 'kong tagpo namin. It's him in front of me, not willing to acknowledge my children, our...nanghihina ako. Pinipiga ang Sistema 'ko sa namumuong galit, lungkot, at takot.

Nanginginig ang kamay 'kong napayuko upang pulutin ang bawat litrato at papel na nagkalat sa sahig. Tuloy tuloy ang patak ng luha 'ko.

"Come on answer me! What do you need? Anong kailangan mo? Money? What is it? Name it, just stop this fucking game!" Bulyaw niya.His eyes were bloodshot nang hinila niya ako patayo. Nahulog ulit lahat sa sahig ang mga pinulot 'kong larawan at papel. Lumukob ang galit sa akin. I fired the same intensity to his eyes. His anger reflected mine. I'm almost out of breath. Buong lakas 'kong inangat ang braso 'ko at isang sampal ang tumama sa pisngi nito. He didn't even flinch. Tumalim lalo ang titig niya. Mas lalong nawasak ang puso 'ko, nagbabadya muli ang luha mula sa mata 'ko.

"Pera mo?" I smirked while my tears continuously flowed. Marahas 'kong pinunas ang tumutulong luha sa pisngi 'ko.

"How dare you to question me... How dare you Alexander Ramirez! I don't need your money. Ni minsan hindi ako nanghingi. I don't even need you in my life nor in my kids' lives! Kaya 'ko! Kinaya namin, without you for freaking seven years, I never asked for your help. I don't even plan telling you this—"

"Then why the hell did your friend sent me this, blackmailing me? Stop lying with your tears!" I can see his veins tightened on his neck. Parang handa siyang manakit, hindi ako nagpalamon sa sakit at poot. I want to fight back! This is for my twins.

"Hindi ako nagsisinungaling!" Bulyaw 'ko pabalik. Sumakit ang lalamunan 'ko kasabay ng tuloy tuloy na agos ng luha sa pisngi 'ko. "Kung hindi mo kayang tanggapin ang mga bata. Fine!" My voice broke, mas lalong sumikip ang dibdib 'ko sa iniisip. Iniisip 'ko ang mga anak 'ko. Their father can't even acknowledge them. Parang pinipiraso piraso ang puso 'ko sa pagkakataong ito. Hindi 'ko alam na may idudurog pa pala ako.

"You can live your life as it is!" Pinilit 'kong huminahon at iniisip ang kambal. "You can go on, without thinking about my twins. Hindi ako humihingi ng kahit na anong halaga sa'yo. Hindi humihingi ang kambal 'ko ng pera mo." Bawat bigkas 'ko ay nanginginig ang boses 'ko. Napapikit ito nang mariin at napatingala, para bang hirap na hirap sa sitwasyon.

"Kung hindi ka naniniwala na galing...na sa'yo ang mga bata, iintindihin 'ko 'yon. You don't even recognize me in the first place, hindi kita masisisi..." Mapait akong ngumisi sa panibagong luha sa gilid ng mata 'ko. Lumalabo ang paningin 'ko. Pinipilit 'kong kinakalma ang sarili 'ko para maayos na mabigkas ang mga sasabihin 'ko. I looked in his eyes, hindi maliwanag ang kung ano mang ekspresyong binibigay niya. Nanginginig ang labi 'ko at mabilisang nagpunas ng luha.

"But please Sir, I'm begging you... huwag na huwag ka na lang magpapakita sa harap ng kambal 'ko. Sa akin na lang itong mga nangyari. Ako na lang ang sasalo ng sakit, huwag lang ang mga anak 'ko. Makakaasa kang hindi ka namin guguluhin. Whoever have blackmailed you, sabihin ninyo sa akin. Kakausapin 'ko. We will disappear quietly, ngayon din kung doon ka matatahimik." Hindi ito umimik at nagiwas ito ng tingin. Pulang pula ang mga mata nito, kumuyom ang kanyang kamao kasabay nang pag-igting ng kanyang panga.

"I'm not after your money, Sir. All I want is my complete family, my twins. Mahirap ang buhay pero maitataguyod 'ko sila. Sila na lang ang meron ako, hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko kapag mawawala pa sila sa tabi 'ko. So please spare my twins from this. Gusto 'kong kahit papaano ay mabubuo 'ko pa rin ang pagkatao nila without breaking their heart. Hindi 'ko na ipapaalam sa kanila kung sino ka sa buhay nila. Ayokong aasa ang mga bata sa'yo, sa taong hindi sila kayang kilalanin. Hindi 'ko kayang makita na mamalimos ng pagmamahal ang mga anak 'ko. I can give them that. Pupunuin 'ko sila ng pagmamahal na hindi kailangang nanghihingi. Hinding hindi sila magkakaroon ng puwang. At kami na po ang lalayo para sa ikatatahimik niyo at para sa mga anak 'ko. Makakaasa kayo." Nang wala na akong magagap na salita ay isa isa 'kong muling pinulot ang mga papel at mga litrato sa sahig. Walang imik 'ko iyong nilagay sa kahon.

"Ram nand'yan na  ang sundo." Napatayo ako nang makitang pumasok sa loob si Kuya Elmer. Napatingin ito sa itsura 'ko at kay Mr. Ramirez. Hindi umiimik si Mr. Ramirez, tahimik itong lumabas sa kwarto. At kasabay ng pagsara ng pinto ay ang tuloy tuloy na patak ng luha 'ko. Nanginginig akong napaupo sa sahig. Niyakap 'ko ang magkabilang tuhod 'ko at tahimik na iniyak lahat ng sakit sa dibdib 'ko.





------------------------------------------------------------------

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon