XIV

86.6K 1K 47
                                    

XIV


“Ate ako na dito, sa labas na kayo.” Umiling ako kay Helen habang karga karga niya ang pamangkin niya. Nasa pool area sila Nanay Minda kasama ang ibang taga-village, nagdidiwang kasama si Mr. Ramirez.

Hangga’t maaari ay hindi ako magpapakita sa kanya, kasi ano pang dahilan na sa village ako pansamantalang nakikitulog, kasama ng kambal para iwasang mapag-initan niya ng ulo, kung halos araw araw ay magkikita kami. Alam naman iyon ni Nanay Minda, kaya kanina naintindihan niyang hindi ako sumama sa pag-surprise kay Mr. Ramirez. Kahit ang kambal ay hindi ‘ko na pinasama kanina, pumunta lang kami dito pagkatapos ng pagbati sa kanya para makatulong ako sa paghanda ng pagkain. At ito nga ang ginagawa ‘ko.

Nalaman ‘ko pa kanina kay  Auntie Sally, nanay ni Helen, na pagmamay-ari ng mga Ramirez ang islang kinatitirikan ng village nila, kasama na doon ang resort na half-owned kay Ate Jeda. Kaya pala sobrang giliw nila sa pagdating nito, dahil ‘yon nga libre silang pinatira dito ng mga Ramirez. Sa pagkakaalam ‘ko din ay mababait talaga ang pamilya nila pagdating sa pagbibigay ng benefits, kumbaga galante pagdating sa mga naging tauhan nila, maliit man o malaki, pantay ang turing nila. Nasaksihan ‘ko ‘yon sa pagtrato nila kay Lola noong buhay pa siya hanggang sa pagkamatay niya.

“Sige na Helen, ako na ang maglalabas ng ibang pagkain dito, ikaw na muna ang bahala sa kambal.” Ang kambal kasi ay parehong nasa tanggapan ng beach house, naglalaro kasama ang mga kapatid ni Helen at iba pa niyang pinsan. Kanina ‘ko pa nga sinasabihan ang mga batang ‘yon na huwag masyadong mag-pagod, lalo na si Ender na nakaihi sa kama noong huli. Nakatanggap tuloy ng walang hangganang pangaasar sa kapatid nito.

“Kat, anak nasaan yung kare kare?” Napalingon ako kay Nanay Minda, kasama nito ang isa niyang babaeng pamangkin na kasing taon ‘ko lang. Ngumiti pa ito sa akin na sinuklian ‘ko naman.

“Hindi ‘ko po alam nay, baka nilabas na po kanina. Bakit po?” Sagot ‘ko. Nagtungo naman sa wine cellar ang pamangkin ni Nanay Minda at may kinuha doon na dalawang mamahaling bote bago nagpaalam at umalis, mukhang inutusan. Si Nanay Minda naman ay binuksan ang ibang kaldero na naglalaman ng ilang putahe, habang ako ay nilalagay sa plato ang mga shanghai na-drain na ang mantika.

“Ipapatikim ‘ko sana kay Sir, hindi kasi siya masyadong pamilyar sa lutong Pinoy, eh specialty ‘ko ‘yon.” Banggit ni Nanay Minda bago nakapamewang na tumingin sa kitchen counter. Napatango tango ako, naaalala ‘ko na may personal chef sila noon sa mansion at puro nga hindi pamilyar ang mga hinahandang putahe. Alam ‘ko dahil ang sobrang pagkain ay inuuwi sa akin noon ni Lola. Kare kare lang ay hindi pa siya pamilyar, pero hindi naman na ‘yon nakapagtataka. Wait.Napakunot noo ako, may allergy si Mr. Ramirez sa peanuts, parehas sila ng kambal.

“Ano pang ginagawa ninyo dito? Kat, Ma nakahanda na lahat doon, ‘yang ibang panghimagas na lang. Kain na tayo. Nagsimula na sila, pati yung mga bata nandoon na.” Biglang pumasok sa loob si Auntie Sally. Siya na mismo ang naghawak sa ibang dessert na ilalabas ‘ko sana.

“Ikaw ba naglabas ng kare kare ‘ko?” Tanong ni Nanay Minda kay Auntie Sally na abala sa pagtulong sa akin sa pag-final touch sa mga dessert.

“Nilabas ‘ko na kanina Ma, kanina pa. Titikman na daw ni Ser.”Tukoy nito kay Mr. Ramirez. Napatigil ako sa sinabi ni Auntie Sally. Mabilis akong naglakad palabas patungo sa pool area kung saan nakahanda lahat ng pagkain. Lakad takbo na ako. Noong huling nakita ‘ko siyang nakakain ng peanuts ay muntik na siyang namatay, nasisante ‘yong chef na nagluto non sa mansion.

“Sir!” Halos mapatigil lahat ng nandoon nang agawin ‘ko kay Mr. Ramirez ang kutsara niya. Natapon ‘yon sa sahig. Rumehistro ang gulat sa mukha niya at napatigil ang lahat sa nangyari. Nagulat din ako sa ginawa ‘ko at napalunok nang nakitang kumunot ang noo nito.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon