II

111K 1.6K 41
                                    

Short Notice: Medyo mabagal muna yung plot sa una para walang loopholes sa huli. Nuxx bakit ba ako nagi-explain.

II.

"Hoy okay ka lang?" Napapitlag ako sa paghahalo ng niluluto 'ko. Bakit ba dumadalas na natutulala ako? Napairap ako sa aking isipan. Gising Kathleen Louise! Tinitigan 'ko ang niluluto 'ko.

"Ayy luto na pala." Agad kong pinatay ang apoy.

"Nako naman ang dami mo kasing iniisip!" Komento ni Ana na nakatutok sa TV sa may sala. "Iyan o 'yang nasa balita, 'yong sinasabi 'ko sayo. Kagabi buti na lang 'di ka sumama. Sobrang broken kami ni Bartolome. Ikakasal na pala si Mr. Alexander." Napalunok ako.

"O mapapaso ka na!" Sigaw ni Ate Eba at tinapik ang kamay 'kong hahawak sana sa kumukulong takuri. Agad namang dumalo si Ana sa amin.

"Nako kanina ka pa tulala. Ako na dito, asikasuhin mo na ang mga anak mong kanina pa nagaaway kung sinong unang maliligo." Inagaw sa akin ni Ate Eba ang sandok at si Ana naman ay inayos ang lamesa.

"Sabi na sayo Kat kailangan mo ng night out e." Parinig pa ng bruha 'kong kaibigan. Ipinagkibit balikat 'ko na lang 'yon at nagtungo sa kambal.

"Mama, look Kuya's not listening, sabi ko mauna na siya! He's still watching cartoons!" Sumbong sa akin ng anak kong babae. Nakapamaywang akong pumagitna sa kanila. Si Ender ay naka-focus sa T.V. (maliit lang ang apartment kaya kahit malayo ka ay abot ng mata mo ang T.V.) habang si Xia naman ay panay ang talak sa kapatid habang hawak ang maliit na rubber ducky.

"Ender...mali-late na kayo." panimulang tawag 'ko pa lang sa anak kong lalaki ay agad na itong tumayo at lumapit sa akin. Yumakap ito sa aking hita na abot lamang ng kanyang tangkad. Alam na alam ang gagawin para hindi mapagalitan. Napailing ako sa aking isipan.

Kahit kasi summer break ay ini-enrol 'ko sila sa mga art class o kaya sport na pwedeng makapag-boost sa kanila. Isa na rin 'yon sa paraan 'ko para maipabantay sila habang nagtatrabaho ako. Huling araw naman na nila ngayon sa klase.

"Oh look, he's using his unashamed agenda again!" Akusa ni Xia at tinutulak ang kapatid niya palayo sa akin. Si Ender naman ay humigpit ang yakap sa akin. I can't help but giggle at my morning view. Ako na mismo ang nagtanggal ng yakap ni Ender sa akin at marahan kong niyakap ang dalawa at pinugpog sila ng halik.

"Ang babango naman ng babies ko!" Kiliti 'ko sa dalawa kahit si Xia ay panay na ang reklamo. Bukod sa ayaw niyang matawag na baby ay hindi rin ito mahilig maglambing, kaya nagsusungit na lang lagi. Hayy hindi sa akin nagmana.

"Okay whoever gets to take a bath first, will have a gift from me!" At doon ay nagunahan ang dalawa. "Careful!" Paalala ko sabay upo sa sofa sa may sala (magkakalapit lang ang gamit sa bahay).

Pero tawang tawa ako nang mabilis na pumasok sa loob at nagbuhos ng tubig si Ender na ikinatili ng anak kong babae. Nakabrief na kasi ito kanina pa, tamad lang maligo.

"You didn't close the door yet!" Mabilisang isinara ni Xia ang pintuan ng banyo at naghihimutok sa galit papalapit sa akin. Maglalabas na naman ito ng hinanakit. Huwag na kayong magtaka na nagi-English ang kambal 'ko. Kung ipasama mo kaya sila kay Bart at madalas ipa-videocall sa mga kapatid ni Ana sa Canada na imported. At sa school nila ay madalas mga englishero at englishera din ang nakakasalamuha nila. Mabuti na lang at nakakasabay naman ako kahit parang minsan ay napipiga utak 'ko kaka-english.

"Mama naman e! Why do you have to give him the gift alone?" Napangiti ako at hinila si Xia sa kandong 'ko. Ito yung anak 'kong laging may argumento, mahilig mangunot ang noo at laging nagsusungit. Napailing ako sa aking isipan, ayokong banggitin ang naaalala 'ko. Kahit pa sa mga mukha ng kambal ay nagsusumigaw ng pangalan niya.

"Because Xia that's how competition works. Kaya when you"try to join a race, if you want the prize then do your best." Eksplanasyon 'ko na nakapagpabusangot sa anak 'ko. I usually teach them life lessons this way. Noong hindi 'ko pa sila naisisilang ay may mga imaginations na ako kung paano ko sila matuturuan.

Malambing 'kong hinaplos ang nagdikit nitong kilay, mas lalo itong ngumuso at niyakap ang rubber ducky niya. Mabilis 'kong dinampian ng halik ang maliit na labi ng aking dalaginding.

"Aba ang sweet naman ng mag-ina!" Lumapit din sa amin si Ana na may hawak na pinggan na may lamang ulam at kanin. Napangiti lang ako kay Ana habang si Xia naman ay niyakap ako, aba nagi-improve sa paglalambing ang baby girl 'ko.

Si Ate Eba naman lumitaw sa harapan naming mula sa kusina, iyon pala ay nililipat ang channel sa T.V. at bumalik din ulit sa hapag para kumain ng breakfast. Hindi 'ko alam kung bakit hindi pa ako nagugutom.

"Xia don't worry Tita Ana will give you gifts. Not just one but a lot. Kaya 'wag ka na magsungit kay Mommy Kat, okay ba yun?" Panga-alo ni Ana sa anak 'kong lukot ang ekspresyon.

"Promise Tita?" Xia asked Ana suspisciously. Ana and I laughed lalo na nang nagtatalon na nagtungo sa kusina ang anak 'ko. Gutom na siguro kaya kanina pa nagsusungit.

"Baby let Ate Eba help you, alright?" Bilin 'ko at masunurin itong tumango tango. Maliit lang ang tinitirahan naming apartment kaya kahit nasa kusina ka ay dinig mo ang mga nasa sala.

"Alam mo Kat, ang ganda ng lahi ng mga anak mo. Kaya wag kang mao-offend ha, curious pa rin talaga ako sa ama nila. Have you ever informed him about the kids?" Maingat na tanong ni Ana habang kinakamay ang prinitong tuyo ay sinasawsaw sa kalamnsi at ikinakain sa sinangag at kamatis.

My smile faded instantly, ang galing talaga ng timing ng babaeng to.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa T.V., saktong nag-flash na naman ulit ang engagement ni Mr. Alexander at ng kanyang fiancé na model. Napatitig ako sa screen lalo na nang mag-focus sa kanilang dalawa ang camera. Hindi pa rin siya nagbabago. His eyes were still cold and dark with deep thoughts. Ngunit ang tipid na kurba na bakas ng kanyang ngiti ang nakakapanibago.

Maybe, he's really in love right now. Probably.

Para akong tinamaan ulit ng libo libong bubog sa dibdib 'ko. It's been seven years...

"Hoy, ayaw mo ba talagang i-kwento sa akin. Ilang taon na din naman ang mga bata. Tingin mo hindi maghahanap ang mga 'yan. Ako nga ninang nila, naghahanap, sila pa kaya?" Pabulong na tanong sa akin ni Ana. Napailing ako kay Ana at iniiwas ang tingin sa telebisyon.

Hindi pa naman masyadong nagtatanong sa akin ang kambal nitong nakaraan,pero noong una tinatanong nila ako kung Papa daw ba nila si Bart, minsan si Kuya napapagkamalan din nila. Mahirap mag-explain sa mga bata pero inililihis 'ko na lang ang usaping iyon kapag nagtatanong sila. Hindi naman sa wala akong balak na sabihin sa kanila ang totoo pero hindi pa ito yung panahon para doon. They're still young at ayokong masaktan sila sa katotohanan. Kung nararapat na ako muna ang umako sa lahat, gagawin 'ko.

"Hindi pa ko handa, Ana. Pero kapag nasa tamang panahon na sasabihin 'ko sayo ang lahat." Natahimik si Ana at marahang tinapik ako sa likod para iparamdam sa akin na hihintayin niya ako. Hindi din ako handang pagusapan ang mga bagay na ito sa mga kaibigan 'ko o kahit kanino na magbibigay lamang ng komplikasyon. Lalo na ngayon na ikakasal na pala siya...Ayokong balikan ang lungkot na minsang lumunod sa akin sa dilim.

"Naniniwala ako sayo, Kat. At may tiwala ako sa mga desisyon mo sa ganitong bagay." Sabay kaming napabuntong hininga ni Ana.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon