Chapter 2

3.4K 81 2
                                    

ANG araw na ito ay walang pinag-iba sa mga ordinaryong araw na nagdaan. Kahit routine ko na ang magdala ng kape sa opisina ni Engr. Contreras, siyempre, parati iyong exciting para sa akin. Dahil makita ko lang ang anino niya, buo na ang araw ko. Lagi ko siyang nadaratnang abala sa trabaho at hindi ko nga alam kung pansin niya ang pagpasok at paglabas ko ng opisina niya. Pero ayos lang.

Katulad ng araw na ito. Pumasok ako at lumabas ng opisina ni Engr. Contreras nang hindi nito namamalayan. Pero ayos lang dahil nakita ko na siya, kahit pa nga likod lang. And I think that he's got the broadest shoulders I've ever seen.

10 A.M. nang muling may magpa-deliver sa 59th floor para sa isang meeting at isa pa sa 52nd floor. Pagkaraan kong dalhin ang delivery sa 59th ay nakangiti kong pinindot ang elevator button pababa at ilang minute pa muna ang hinintay ko bago magbukas ang pinto niyon.

"Oh my God."

Buti na lamang at hindi ko iyon nasabi nang malakas. I just couldn't believe my eyes. Si Engr. Contreras ang laman ng elevator at wala nang iba. It took me an entire minute bago makapasok sa loob. Masyadong abala ang utak ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na alam ko namang walang halaga. Para akong natuklaw ng ahas, hindi ako makagalaw. Hindi maalis sa mga numero sa itaas ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala - that I was actually standing next to Benjamin, inside the elevator, just the two of us. He's standing just a few inches next to me... and I could smell his expensive perfume...

Wow, it was like a dream come true. Ang makasama siya sa loob ng elevator ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. I shouldn't want this to end, sana habang-buhay na kami roon pero kabaligtaran ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Gusto ko nang bumilis ang pagbaba ng elevator at makalabas na. Para kasi akong biglang na-claustrophobic. Nararamdaman kong nakatingin na sa akin si Mr. Contreras, kung bakit ay hindi ko alam. Huminga ako nang malalim dahil parang kinakapos na ako ng oxygen. Nag-focus ako sa mga numero – 58, 57, 56, 55...then I started to feel dizzy. Lumalabo na at sumasayaw ang mga numero'ng iyon – 54, 53...

And the last thing I remember was hearing someone say-

"Miss, miss, are you okay?"

Then everything went black.

And that was the most embarrassing moment in history.

~~

"BENJAMIN, what's up?"

"What are you doing here? Takang tanong ni Benjamin. Dumating si Jeffrey sa coffee shop ilang minute lamang pagkatapos niyang maubos ang iniinom na kape. Tatayo na sana siya para muling umakyat sa opisina nang mamataan ang pinsan.

"Ako yata ang dapat magtanong sa iyo n'yan. Office hours, bakit ka narito?" Natatawa itong naupo matapos maka-order. Tinanggal nito ang suot na tie at ibinulsa.

"Nakalimutan mo na ba'ng ako ang may-ari ng kumpanya? I come and go as I please. Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito this early in the morning?"

"I had a meeting with Mr. Guevarra."

Ilang linggo pa lamang mula nang dumating si Jeffrey galing California para magbakasyon and at the same time, may inaasikaso itong bagong business. He works as the manager of their furniture company and he's planning to venture into exporting native furniture designs na in demand ngayon sa Amerika –at si Mr. Raymond Guevarra ay isa sa magagaling na designers ng mga native furniture sa bansa.

"I heard you're going to Baguio?" pagkadaka'y tanong ni Benjamin.

Tumango si Jeffrey. "We are going to Baguio. You are coming with me, right?"

Umiling siya. "I can't. May business engagement ako."

"Business engagement talaga?"

"Business nga," natatawa niyang sabi. His cousin knew him too well. Maraming kuwento si Jeff tungkol sa mga adventures nila noon. Bata pa lamang ay malapit na sila sa isa't-isa at kahit pa nga sa California na nakabase ang pamilya nito, hindi pa rin nawala ang closeness nila. That was almost seven years ago, noong mga panahong marami pa silang libreng oras, noong hindi pa siya nagte-take over sa ilan sa mga kumpanya nila.

"Benjie?"

Nahuli siya ni Jeffrey na tila wala sa sarili. Nahalata ng pinsan na hindi siya nakikinig sa sinasabi nito. Isinara niya ang hawak na libro na kanina pa niya pilit binabasa pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya makaalis sa page 75.

"Is that book bothering you so much?"

Umiling siya.

"Sino na naman ba'ng problema mo? Si Anne, si Cindy o si Mitch?" natatawang tanong ni Jeff. The last time Jeff visited, he was dating the three girls mentioned.

Muli, umiling si Benjamin.

"So, may bago ka na namang girlfriend?"

Inilapag niya ang libro sa mesa. "I'm just...reconsidering the hotel in Baguio."

"Pero matagal nang pina-plano ni Tito Jaime 'yon, hindi ba? Halos doon na nga siya nakatira para maasikaso ang hotel. Bakit bigla-bigla naman iyang desisyon mo? Have you talked to him about it?"

"Not yet. Naisip ko lang, kabubukas lang ng hotel sa Palawan. I don't even understand why he wanted to have another one in Baguio," aniya, at muling kinuha ang libro sa mesa.

"Why, what's wrong with Baguio?"

What's with Baguio anyway? Bakit ba tila lahat ng tao ay wiling-wili na pumunta roon? Halos lahat ng kakilala niya ay nagbabakasyon doon, ang iba ay doon na gustong tumira. Tulad na lamang ng kanyang ama na mas matagal pa yata ang itinitigil sa lugar na iyon kaysa sa kanilang mansion sa Maynila. They even had a number of vacation homes there. He just thought that putting up a hotel in Baguio is such a waste of time, and money. He couldn't see what's so nice and romantic about the place. As far as he's concerned, Baguio is such a cold place.

Ilang sandali pa ay dumating na ang in-order na iced tea ni Jeffrey. Kapwa sila napatingin sa nagdala ng order na iyon.

"Thank you, miss," nakangiting bati ni Jeff sa dalaga. Kiming ngiti lamang ang itinugon nito at mabilis ring bumalik sa counter. Muntik pa nga nitong mabangga ang isang customer na galing sa comfort room. "I think she's really cute...and she's looking at you again."

"Huh?" Tiningnan niya ang tinutukoy ng pinsan. Nasa counter ang sinasabi nitong babae na ang nagdala sa kanila ng iced tea. Abala into sa pagkuha ng mga orders ng mga customers, at sa paminsan-minsang pagtingin sa kanilang direksyon.

"That charming girl at the counter. She's looking at you again."

Ibinaba ni Benjamin ang binabasa'ng libro sa mesa at tsaka humigop ng kape. Minsan na niyang nabanggit sa pinsan ang tungkol sa dalaga'ng iyon, na sa loob ng halos isang taon ay madalas niyang mahuli na nakatitig sa kanya at parati na lamang wala sa sarili. Muli, tiningnan niya ang dalagang iyon. Jeff said she's charming but really, the girl was very simple, very ordinary compared to all the girls they often met. And she seemed too young. And the fact that she's working at the coffee shop, she's surely not his type. Again, he looked at her. Kausap nito ang isa pang staff na madalas niyang makitang masama nito. she had a warm, pleasant smile on her face and he wondered what was the reason for her to smile that way.

"Sabi sa'yo, she's charming, hindi ba?"

"What's so charming about her? Alam mo ba na just the other day, she passed out inside the elevator and I had to carry her to my office?" He was not supposed to say anything about what happened but it was too late.

"Wow, really now?"

Napailing siya. "Sometimes, she could be very annoying," at muli niyang binuklat ang binabasang libro.

"But admit it, she's beautiful."

At muli niya itong tiningnan. Well yes, maybe she was, somehow.

"And so, you carried her to your office?" interesado'ng tanong ni Jeffrey. "Tell me about it."

He shouldn't have told that part to Jeffrey. Umiling siya. "There's nothing to tell."

~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl From The Coffee Shop 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon