Chapter 1

6.6K 127 6
                                    


"SI ENGINEER," bulong ni Pam sa akin nang mamataan si Eng. Contreras na parating sa counter.

"One cappuccino, please."

Ngumiti si Engineer ng napakaganda'ng ngiti na nagpahinto sa ikot ng aking mundo. Isang napakagandang ngiti na lalong nagpataranta sa akin. Mabuti na lamang at naroon si Pam para siya ang kumuha ng order nito.

"One cappuccino coming up, sir," sagot ni Pam. Namula ang mukha ni Maya pagkatapos no'n. Hinila niya Pam palayo sa counter, palayo kay Eng. Contreras.

"Ilang daang taon mo na nga bang pinagpapantasya 'yang si Engineer?"

Natawa ako sa tanong ni Pam. Simula kasi nang magtrabaho kami sa coffee shop na 'yon six months ago ay ganoon na ang epekto sa akin ni Engineer. Sa tuwing nakikita ko siya, literal na nawawala ako sa sarili. Kahit araw-araw ko siyang nakikita kapag nagde-deliver ako ng kape sa opisina nito tuwing umaga, kahit isang simpleng 'hi' o 'hello' ay hindi ko masabi.

"Hanggang kailan ka nga ba maglalaway diyan kay Engineer?"

Nagkibit-balikat lang siya habang nakatingin pa rin sa binata. Nakuha na ni Benjamin ang order nito at naupo sa mesa na malapit sa kanila. May kausap ito sa cellphone nito, na hindi na bago sa kanila.

"Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan?"

"Sa tingin ko naman hindi ako papansinin niyan."

"Bakit naman hindi?"

"Siya lang naman ang may-ari ng buong building na ito, at isang hamak na staff lang ako sa coffee shop. Totoo'ng buhay ito Pamela, hindi telenobela."

Ayoko mang isipin, alam ko naman na walang kahihinatnan ang patingin ko na iyon kay Contreras. Okay na ako na makita siya araw-araw at madalhan siya ng kape tuwing umaga. Dahil kahit saa'ng anggulo ko tingnan, imposible na magkaroon ng pagtingin ang isang tulad niya sa isang tulad ko. Kung baga sa Math, cannot be. Dahil ngayon pa lamang, puro kahihiyan na ang napapala ko sa kanya.

Katulad na lamang noong Lunes, dinatnan ko siya na abala sa pakikipagtalo sa kausap nito sa kablang linya. Naka-light blue ito na long sleeves at puti'ng necktie. Nakatayo ito, hawak sa isang kamay ang handset ng telepono habang nagta-type sa laptop. Inilapag ko ang cappuccino at chocolate cake sa ibabaw ng mesa. Tuloy lamang si Engr. Contreras sa pakikipagdiskusyon nito sa kausap tungkol sa kung ano ay hindi ko maintindihan. Maganda ang malalim nitong boses...and I had the chance to stare at his perfect profile. He has the most captivating smile, a drop dead gorgeous body every girl would die for and enticing eyes that always leave me breathless.

Ilang minuto pa ang itinagal ng pakikipag-usap niya sa telepono at ilang minuto rin akong nanatili doon sa harap niya, nakatayo, nakatitig. Kahit ano'ng gawin kong pigil sa sarili ko na hindi siya titigan, hindi ko magawa.

"What are you doing here?" bigla nitong tanong nang mapansing hindi pa rin ako umaalis sa pagkakatayo roon.

"Ahm..."

"Ahm?" Tanong ni Benjamin na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Tumayo ito at may kinuhang folder sa cabinet. Mabilis din itong naupo at tumingin kay Maya. "What are you staring at?" kunut-noo nitong tanong nang mapansing nakatingin pa rin siya rito at hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan.

Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatayo roon na parang tanga. Mabilis akong tumalikod at lumabas ng opisina niya. Mula sa 49th floor ng The Forum ay nakapikit lamang ako sa loob ng elevator. If there's one thing that I hate the most, 'yon ay ang pagsakay sa elevator. Pero kahit ano'ng hilo ang abutin ko araw-araw, ayos lang. Para kay Benjamin, kahit ilang floors, kahit hanggang langit, susuungin ko, madalhan lang siya ng kape tuwing umaga. Kahit pa madalas akong supladuhan at simangutan, ayos lang. Kahit pa minsan ay nagmumukha na akong tanga sa harap niya, ayos lang. Para kay Engr. Benjamin Contreras III, ayos lang.

The Girl From The Coffee Shop 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon