The Ballad of Mona Lisa

17 0 0
                                    



"siraulo yan," sakin ay tawag nila
mahal, wala naman akong ginawa sa kanila
wala akong ginawang masama
kaya pwede bang wag kang maniwala?

si aling sally na mataba
ang nangunguna sa mga chismosa
maingay at talak ng talak
sakto at nang ako'y punong puno na
ako'y kaniyang nakitang
binabalatan ang bangkay
ng aking dating kasintahan
na nahuli kong nakikipagtalik sa aking matalik na kaibigan
at ang baryo'y natahimik na rin sa wakas
dahil si aling sally ay wala nang dila.

ang akin namang tiyo david
ay gumapang nang isang gabi
papunta sa aking tabi
hindi ito maaari
kinabukasan ang aking pamilya'y nagdalamhati
nang makita si tiyong wala nang mga daliri
at sa kanyang bibig ay nakapasok ang kanyang ari
inay, bakit kayo nakakaramdam ng pighati
kung ang hayop na iyan ang sumubok gahasain ako kagabi?

nung nakaraan nama'y nakita ko si robertong kapitbahay
na sumubok mangahas at magnakaw sa aming bahay
"ano ang mananakaw mo sa aming tahanan?"
"ang kapatid mo'y gagahasain ko at isusunod kita; saka ko kayo papataying lahat at kukunin ang kayamanang tinago ng iyong inay!"
ngunit kawawang robertong walang malay
bago pa maisakatuparan ang kanyang mga litanya'y
nawalan na ng mga mata't kamay
at gaya ng kay tiyo david ang ari'y nasa bunganga
"ngayon sino ang sinasabi mong mamamatay?"

mahal, andaming namatay
dahil sa kanilang mga kasalanang taglay
ngunit bakit ako ang sinisisi nila
sinabi ko na ngang wala akong ginawa!
mahal bakit parang ayaw mong maniwala
saglit lang mahal at ako'y may isa pa
ang pinakahayop sa lahat ng mga namatay.

hindi ba't naaalala mo si temyong matanda, si luciong aking tatay, at si domeng na aking kuya?
kagabi lang, mahal!
sila'y nagpapakalasing sa alak
at ako'y napagdiskitahan
"tirahin natin si mona lisa, total mukha naman siyang birhen na puta!"
ilang beses ako'y lumuhod at nagmakaawa at umiyak
ngunit totoo ang sabing wala talagang awa
ang demonyong pinsan ni hudas
wala akong nagawa!
at ngayon ang aking babaeng kapatid at nanay ay nagluluksa
para san kayo't ngumangawa?!
apat na demonyo na ang sa aking kinabukasa'y nagtangka!

bakit daw nila kailangang mamatay sa ganoong paraan
paanong paraan? tatlong saksak sa puso bawat isa,
at ang ari nilang mga hiwa?
hindi pa nga iyon sapat
kaya nakita nila ang kanilang mga katawan
balot ng maliliit na hiwa at ng asin na kasama ng kanilang pulutan
at ang amoy ng kanilang alak na iniinom kagabi na pinanligo nila
sa kanilang bangkay na sugatan
kahit papano hindi nasayang ang alak diba?

mahal alam kong gutom ka
halika't kumain ka muna
masarap ang karneng ito
limang karne ang aking pinangluto
bakit nakakunot ang iyong noo?
hindi ba masarap ang pakakaluto ko
sa mga ari ng mga demonyo?

mahal, bakit umaatras ka?
sinabi ko naman sayo ako ay walang ginawa
hindi ba't nangako ka
na tayong dalawa lang hanggang sa kabilang buhay?
bakit ka ba nangingialam sa mga buhay ng kapitbahay
hindi ba sa akin ka lang titingin at wala nang iba pa?

mahal sino si teresa?
"sinabi nang wala akong pinapatay eh!"
mahal wag mo akong iwan
talaga bang ipagpapalit mo ako sa puta na yan?
bakit mo ba pinagpipilitang
ako ang may sala?!

uulitin ko mahal, wala akong ginawang masama
sinunod ko lang ang aking Diyos na ang saad
ay tanggalin ang kung anong nakakapagpasala sa kapwa
tinulungan ko pa nga sila
hindi ka ba talaga maniniwala?

tama na mahal,
ang salaysay na ito'y masyado nang mahaba
at dahil mapilit ka'y sige isusunod na kita
pati ang kabit mong ang hanapbuhay ay bumukaka.

DrabblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon