WASMAG 3: The Meet-Up

Start from the beginning
                                    

Pansin kong palagi nyang kasama ang lalaking iyon. May profile picture rin silang nakauniform na pang college.

Siguro ito yung nasa college sila.

Sa ibang photos naman ay meron rin syang kasamang lalaki. Nadagdagan na sila at naging tatlo sa mga ibang photos.

Magkatabi palagi ang dalawang lalaki at minsan naman ay magkaholding hands pa itong mga ito.

Nagtatataka lang ako. Sila ba? Hmmm...I smell something fishy!

Nagmapagtantong si Konan na nga talaga ito ay pinagisipan ko pa kung iaadd-friend ko ba ito o hindi.

Sa huli ay inadd-friend ko na rin ito kahit na may kaba sa aking damdamin na hindi ko alam kong bakit.

Siguro dahil sa ayaw kong mareject? Ewan ko...

Pagkatapos magsend ng friend request ay minessage ko naman ito. Sakto at nakaonline sya.

"Hey! Pakiaccept naman ng friend request ko oh!?"

"At bakit naman aber?"

"Wala lang. Ayaw mo pa nun! Ikaw na nga ang sinendan ng friend request ng isang gwapo eh tinatanggihan mo pa!"

"At sino nagsabing gwapo ka? Ang sabihin mo malibog ka lang! Kala mo hindi ko nakita ginagawa nyo kanina? Kadiri!"

"Bakit ba? Gusto mo gawin natin para di kana mainggit!"

Medyo matagal rin syang nagreply. Siguro ay pumapayag sya or baka naman mahina lang talaga ang signal.

"Hey! Still there?"

"Ah...oo! T-teka nga! Ang bastos mo talaga ano! For your information, hindi ako ganung bakla na lalaki lang ang habol! Excuse me? Sa ganda at cute kong to, ako maghahabol ng lalaki? Hell no! Baka sila pa ang mainlove sa akin eh! Haha! :P"

"Oo...katulad ko."

"A-ano?"

Shit! Bakit ko nasabi sa kanya yun!? Ang tanga ko naman!

Ni sa sarili ko, hindi ko rin alam eh. Basta na lang gumalaw ang kamay ko matapos mabasa yung reply nya.

Agad naman akong nagdahilan kung bakit ko nasabi yun. Mamaya, kung ano pang isipin nya dyan.

"Ah...eh...wala! Wag mo na lang intindihin yun! Basta iaccept mo na lang friend request ko! Sige na naman oh! ToT"

"Oo na! Baka umiyak ka pa dyan eh! Teka lang, pano mo nga pala nalaman pangalan ko?"

"Wala, narinig ko lang kanina"

"Ah...okay. Sige na! Matutulog na ako!"

Sabi nya sabay log out.

Naglog out na rin ako matapos nyang maglog out.

Hayy, bakit ba ako nagkakaganito. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. It's unusual! Iba sa normal kong nararamdaman.

Yung feeling na ang saya saya mo kahit na hindi mo alam kung bakit? Yung ganun.

Hindi ko na lang ito inintindi atsaka sinubukang matulog na.

Kinalaunan ay dinalaw na rin ako ng antok.

KONAN'S POV:

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ng lalaking yun at naisipan akong i friend request.

Nababaliw na ata yun! Matapos kong makita yung ginagawa nilang kahalayan kagabi! Kadiri kaya!

Worst, inaya nya pa ako! The hell? Hindi nya ba alam na iba ako sa mga ibang bakla?

Tapos nung sinabi ko pang baka ang mga lalaki ang mainlove sa akin, nag reply sa agad mga ateng!

"Oo, katulad ko."

Ayan yung reply nya kagabi. So ang lola nya naman, sinabihan sya ng "Ano?" Eh sa hindi ko alam eh.

Tapos yun, wag ko na lang daw pansinin. So hindi ko na nga pinansin saka natulog na rin ako.

Ngayon nga ay umaga na at papunta na ako sa office ng aking pinagtratrabahuang architecture firm.

Pumasok na ako sa aking office saka nagsimulang magtrabaho.

****

Hay sa wakas! Tapos na rin sa aking mga ginagawa! Nakakangalay!

Sa buong maghapon, ang ginawa ko lang ay magrevise ng ibang designs ng mga pinapagawang mga bagong buildings. Ako kasi ang inatasan para dito eh.

Inayos ko na ang aking mga gamit saka lumabas na ng office ko.

Pagkalabas ko ng firm ay naisipan ko ulit mag seven eleven.

Tutal isang tawiran lang naman ang seven eleven sa pinagtratrabahuan ko.

Pumasok na ako saka kumuha ng drinks. Alam nyo ba yung parang kape but ice coffee? Basta parang ganun ang kinuha ko.

Binayaran ko na ito saka lumabas.

Habang naglalakad pauqi ay iniinom ko naman ito. Medyo malapit na rin mag takipsilim kaya medyo binilisan ko na.

Paliko na ako ng kanto papunta sa tinutuluyan ko ay may nakita akong di ko inaasahang tao.

Nakaside view ito at parang hindi naman ako nito napansin kaya naman binilisan ko na lang ang paglalakad.

Paalis na sana ako ng narinig ko syang nagsalita.

"Hoy Bakla! Gusto mo ba ako ngayong gabi? Libre lang! Basta sayo na ang panghotel!" Sabi nito.

Nagpantig naman ang tenga ko dito.

Humarap ako at sinagot sya.

"Alam mo ikaw! Wala ka ring magawa sa buhay eh ano? Hindi ako katulad ng ibang bakla dyan! May respeto ako sa sarili ko! Gago!" Sabi kong ganyan sa kanya.

"Ang tapang mo bakla ah!" Sya naman.

"Oh bakit? Masama? Ikaw lang ba ang pwedeng maging matapang dito? Kala mo naman kinagwapo mo yan! FYI, hindi no!?" Aalis na sana ako ng pinatigil nya ako.

"Sumasagot ka na ah? Ano gusto mo, ito?"

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong hinalikan. May weird feeling akong naramdaman. May fireworks na...err! Basta di ko maexplain!

"Tulala ka na dyan. Nasarapan ka rin noh?" Hindi ko na lang ito pinansin at tumakbo na.

Narinig ko na lang na tinatawag nya ulit ako.

"Uy wait lang! May sasabihin ako!" Pahabol nya.

For the last time, lumingon ako sa kanya.

"Ano?" Iritang tanong ko dito.

"Ang cute mo!" Somehow, I can't help it but to smile.

===========

Ajujuju!! Kenekeleg eke! Haha talandit!

Sana po nagugustuhan nyo itong flow ng story!

Wag po kayong magsawang suportahan ito at saka sana po magcomment kayo at magvote.

Yun lamang po! Salamuch!!!!

XOXO!! >3<

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now