one: meet HER

137 8 1
                                    

**Haya

"Red!Red!Red!"

Ulit-ulit kong naririnig ang mga sigawan ng mga miron na yan.Nakapalibot sila sa amin ng pabilog.Naririndi na ako sa kanila.

Aish!

Biglang sumugod ang lalaking nasa harapan ko ngayon.Mabilis kong nailagan ang suntok na sana'y tatama sa mukha ko.

Binigyan ko sya ng isang malakas na tadyak sa sikmura,paikot akong tumalon at binigyan ulit sya ng sipa sa mukha.

"Hah!knockout agad!"

Lalo pa nag-ingay ang mga miron at nagkanya-kanyang kuha ng mga pusta.Naglakad ako patungo sa lalaking mukhang adik.Dito ko kukunin ang napanalunan kong cash at pati yung pusta ko na din sa sarili ko.

"Red!Langya kang amasona ka!ang galing mo talaga sa bakbakan kababae mong tao!" Sabi nitong tinapik-tapik pa ang balikat ko.

Hindi ako nagsalita tiningnan ko lang sya sabay lahad ng mga palad ko.

Agad nitong binigay sa akin ang pitong libong (7,000)pusta at tatlong libo (3,000) para sa sarili kong pusta.Binilang ko ito sa harapan nya mismo at ibinulsa ko na.

Agad na akong tumalikod para umalis.Binati pa ako ng mga miron.

"Red magsabi ka ulit pag gusto mo ulit lumaban.Sa susunod masmalaki na ang pusta,biglaan kasi tawag mo kanina eh" sabi ni Tisoy ang lalaking mukhang adik.

Tinaas ko lang ang kanang kamay ko bilang pamamaalam.

Kelangan ko nang umuwe siguradong kanina pa ako hinihintay ng kambal kong kapatid.Tiningnan ko ang suot kong relo.7:30pm na may pasok pa ako mamaya sa bar.

***

Hindi na ako nagtaka nang pagdating ko sa tinitirhan naming apartment nasa labas ang kambal.

"Ate!" sabay na sabi nung kambal.

"Ate 'bat ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Hero Zhin Amano ang panganay sa kambal at nasa 4th year high school na.

"May inasikaso lang ako." Simple kong sabi.

"Nauna na kaming kumain ate,kumain ka na din te malelate ka na sa trabaho mo.'' Sabi naman ni Hera Zhen Amano bunso sa kambal.

"Sige." Sabi kong pumasok na sa loob ng bahay.

Ako nga pala si Haya Zhel Amano.19yrs of age.3rd year college taking up BSpsychology.

Certified rakitera.Tahimik at mahilig matulog.100% busy.
Yung si Red,ako din yun code name ko sa street fight.

Deans lister ako at scholar.Perks of being intelligent.naks!Ulila na kameng lubos,kameng tatlo na lang ang meron kami.

Street fighter ako limang taong mahigit ko nang ginagawa ang bagay na yun.Masmalaki kasi ang kita.Bukod dun isang araw lang kikita na.Pero hindi naman araw-araw akong nakikipaglaban.For emergency needs lang.Pero halos buwan-buwan naman yun.

Bukod sa street fighter isa din akong waitress slash bartender slash cashier sa gabi.Pag weekends naman isa akong carpentero slash tubero slash mekaniko slash electrician.Ang busy ko diba.

Tumayo na ako mula sa hapag.Naririnig ko pang nagbubulungan ang kambal animo'y nagtutulakan pa.

"Ikaw na magsabi Hero ikaw panganay!"

"Dapat ikaw magsabi kasi ikaw bunso sumunod ka sa kuya mo!"

"Isang minuto ka lang nauna sa akin noh!"

"Still,nauna pa din ako sayo!"

"Eeehh!kasi naman eh!"

Napakamot na lang ako sa baba ko.

"Ano ba yon?" Sabi ko sa kanila at lumapit.

Nagtulakan nanaman ang mga ito at nagturuan.

"Sasabihin nyo ba o hindi?maliligo pa ako." Sabi ko sa kanila.Pero ang totoo alam ko na kelangan nila.

"Ahmm..ate kelangan kasi namin bumili ng libro bukas.Kami na lang po kasi hindi pa nakakabili." Nakayukong sabi ni Hero.

"Magkano?" -ako

"Limang libo po ate discounted na po yun dahil scholar naman po kami." Sabi ni Hera na nakayuko din.

Dumukot ako sa bulsa at binigay na ang kelangan nila.

"Heto 7,000 tig isang libo kayo sa sobra allowance nyo ng dalawang linggo."

Nagliwanag ang mukha nila at nagpasalamat.

"Thank you po ate you're the best talaga!" -hera

"Salamat ate." -Hero

"Ok" tipid kong sagot.Umakyat na ako sa kwarto ko at nag ayos na para pumasok sa Mystic bar.8pm-1am ako ngayon sa bar.8am-4pm naman ako sa school kinabukasan.Ang bakante kong oras nilalaan ko naman sa ibang raket or sideline ko.O kung walang sideline tulog lang ako madalas.

Hayy time to work!

----jam





The Girl Named..HayaWhere stories live. Discover now