~~

HINDI napigilan ni Pam ang tawa nang maikuwento ni Maya rito ang nangyari kanina sa opisina ni Engr. Congreras. Sumunod siya kay Pam papasok sa apartment niya, 45 minutes away from the coffee shop. Noon pa niya niyayaya ang kaibigan na doon na rin tumuloy tutal madalas rin naman itong matulog doon. Inilapag niya ang take-out nilang fast food sa dinner table at sabay na silang nagsimulang kumain.

"Ngayon naman siguro, napansin ka na niya."

Tumango si Maya. "First time in 48 years na kinausap niya ako, Pam at pagtapos gano'n pa ang nangyari?"

Muli, tumawa ng malakas si Pam. "You made an impression, iyon ang mahalaga."

"A very bad impression nga lang."

"Ano ba talaga kasi ang balak mo doon kay Benjamin?"

Benjamin o kaya ay Engineer na ang nakasanayan naming itawag kay Mr. Contreras kapag kami lamang dalawa ni Pam. "Wala.

"Ano 'yon, forever mo na lang siyang dadalhan ng kape at tititigan hanggang sa matunaw? Hindi ka man lang ba magpapakilala para naman malaman niya kung gaano mo siya sinasamba?"

"Ha, ha, ha. Pam, nakakatawa."

"O bakit, hindi ba totoo? Kulang na lang, alayan mo siya ng sampaguita at dasalan."

"OA naman!"

"E ano ba naman kasi ang gusto mong mangyari? Habang buhay ka na lang ganyan na tinatanaw siya na parang tanga?"

"Pamela, humahanga lang ako sa tao at wala akong anupamang balak na magpapansin. At isa pa, alam nating lahat kung gaano ka-babaero 'yung Contreras na 'yon, hindi ba? Naku, sasakit lang ang ulo ko."

Common knowledge na ang pagiging babaero ni Engr. Contreras sa buong building. Well, sa tingin ko, may karapatan naman kasi siyang maging babaero. He's gorgeous, very gorgeous. And rich, very rich, actually.

"Kung tinatapos mo ba naman 'yang course mo, e di sana, doon ka na nagtatrabaho sa Contreras-Contreras, at ka-trabaho mo na sana 'yong si Engineer, nang hindi ka na ganyan na hanggang tingin na lang."

Malakas na tawa ang itinugon ni Maya. "At pagkatapos, ano? Maging isa sa mga girlfriends niya? Huwag na lang!"

"Bakit nga ba ayaw mo pang tapusin 'yung Interior Design course mo?"

Nagkibit-balikat si Maya dahil kahit sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit. "Change topic, please."

"Fine," iiling-iling na tugon ng kaibigan. "Nakita ko si Emman noong isang araw. Miss ka na raw niya."

Si Emman. Classmate ko siya noong high school. Close friends kami pero nag-migrate ang pamilya nila sa Canada noong college kaya hindi na kami nagkita uli, hanggang nitong taon nang magdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas para magtrabaho bilang nurse sa isang private hospital.

"Nanliligaw na ba?"

"Ano?" natatawa niyang tanong.

"Maya, obvious naman na matagal ka nang gusto 'nung tao."

"Pam, magkakaibigan tayo, ano ka ba?" High school pa lamang ay magkaibigan na kami ni Emman at siguro, talagang hanggang magkaibigan lang kami.

"Sa tingin mo, bakit bumalik 'yon at dito pinili na magtrabaho? Mas hamak namang malaki ang sweldo niya doon sa Canada kaysa dito sa Pilipinas."

Hindi tumugon si Maya.

"Mas gusto niya rito dahil narito ka," sagot ni Pam sa sariling tanong. "Ayaw mo ba sa kanya?"

The Girl From The Coffee Shop 1Where stories live. Discover now